ERIC'S POINT OF VIEW
"Mga kapatid, naranasan niyo na bang maloko? Sa anong paraan? At sino ang mga taong iyon? Mas masakit siguro kung iisipin na ang mga taong iyon ay ang mga taong pinagkakatiwalaan mo hindi ba? ..."
I looked at Vanessa. All I can see is her blank face.
"... humingi ba sila ng kapatawaran? Madali bang magpatawad? Hindi, hindi ba? Iisipin niyo na lang na napakahirap gawin iyon dahil nasaktan ka, naloko ka. Kaya bakit kita papatawarin, hindi ba? Maaari rin namang mapatawad mo siya, oo . Pero gaano katagal? ..."
"Ni hindi nga nila nagawang humingi ng tawad sa'kin..." she whispered. Bulong 'yon na narinig ko lang.
Natapos ang misa and we all feel blessed. Napagdesisyunan naming lahat na dumaan ng mall para bumili ng materials para sa isang project namin na gagawin. Ang sipag namin 'diba? Hahaha.
Habang naglalakad kami papunta sa van, nahuhuli si Vanessa. Tuliro ang mukha. Hinintay ko na lang siya para masabayan sa paglakad.
"Sorry." I know. I always feel guilty.
"For what?" she looked at me.
"Kasi... sobrang guwapo ko? Hahaha." just what the hell am I saying?!
"Ha-ha-ha. Kagagaling mo lang ng simbahan, sinapian ka na naman. Balik do'n!" she pushed me backwards while laughing. Baliw 'to. We continued walking.
"... pero tama ka naman eh. Magaling akong magpanggap." that is why I am sorry.
"Oo. Panget ka naman talaga eh. Nagpapanggap ka lang na maganda." can we just get away with the drama?
"So, inaamin mo na maganda ako? Hahaha. I knew it. You like me. Hahaha."
"Hoy! Kayong dalawa! Bilisan niyo nga!" Cedric shouted from afar. Literal na afar. Binilisan namin ni Vanessa ang paglakad. We're now taking the road.
The usual seats.
"Nananahimik ka na naman dyan. Iniisip mo na naman ako noh? Hahaha."
"Oo. Iniisip kita." nakakaasar. Bumabalik sa akin mga pinagsasabi ko. The whole troupe inside this van goes 'woah'. And they laughed.
"... iniisip ko kung paano kita papatayin. Hahaha. Anyway, you're so cute when you blush Eric. Hahaha."
Anong blush?! Ako nag-blush? Seryoso ba? AAHHH!!!
"Anong blush? Rosy cheeks lang talaga ako. Kasi mas fab ako sa'yo." I sound like gay.
Maya-maya, medyo humupa na ang asaran namin.
"Vanessa."
"Hhmm?" she's busy with her phone. I think she's not looking through her pics with Greg. Walang bahid ng kalungkutan mukha niya eh. Or... nagpapanggap na naman siya?
"Let's make a deal for the day." napatingin siya sa'kin as I say those words. Napatigil siya sa kung ano man ang ginagawa niya.
"... ceasefire muna tayo sa asaran kahit ngayong araw lang. Nakakapagod maging guwapo eh."
"Akala ko ba ceasefire? Ano yang pinagsasabi mong guwapo ka? Tss..."
"Kidding aside. Deal? Kapag may nang-asar sa atin ngayong araw may consequence."