VANESSA'S POINT OF VIEW
Sinong ba kasing baliw magpapasuot ng wedding gown? Gumagawa kaya kami ng wooden sculpture ni Rizal. Kaasar! Sino man sa kanilang pito nakaisip nito. Pero parang din akong ewan, sinuot ko pa rin.
Paglabas ko ng kuwarto, isang mahaba at puting carpet ang sumalubong sa akin. Teka, paano ako nakarating ng simbahan? Ano 'to?
I saw them on the other side. Lahat ng tao rito, masayang nakatingin sa akin. Lahat sila nakangiti. Maya-maya, isang batang babae at lalaki ang nagbigay sa akin ng tig-isang white roses.
The wedding bells began to give music. I walked along the church' aisle. I managed to smile. There are people I don't recognize. Nasa dulo na ako ng altar where the only people I recognize waits for me.
Who's my groom-to-be? I wasn't able to see who he is. Nakatalikod siya. Kuya poked him, whoever he is. He's turning around...
-
"VANESSAAAA!" wait, what?!
"HAHAHAHA!" I was just dreaming, wasn't I?
"HAHAHAHA!" Sino ba 'tong nakakabulahaw na taong 'to?!
"HAHAHAHA!" Sino pa ba? are there any option for that?
Tawa lang siya nang tawa. Napapahagalpak pa nga siya. Ano bang sira maryro'n 'to?
"Ano'ng problema mo? Saka isa pa, hindi mo ba nakikitang nagpapahinga ako? ISTORBO KA! "
"HAHAHA!" nakahiga na siya ngayon sa sahig. Nandito lang kasi ako sa sofa natutulog ngayon. Maya-maya dumating na sina Kuya.
"HAHAHA! Ayoko naaaa! HAHAHA!" ano bang problema nito?
"Kuya, utang na loob, paalisin mo na 'yan dito. Baliw na 'yan." I threw him a pillow. Pero tawa pa rin siya nang tawa.
"Wait. HAHAHA. Okay.Wait. Sandali lang. HAHAHA" he is trying to revive himself from too much laughing.
"Hoy Eric, umayos ka na nga! Ba't ka ba tawa nang tawa dyan?" Itinayo pa ni Rommie mula sa pagkakahiga.
"Okay. Okay na ko. Hoy Vanessa, bumangon ka na dyan. Shift mo na do'n sa rebulto." lumabas siya ng bahay habang tumatawa. Lahat kami nagtataka kung ano'ng nangyari sa kanya.
"Hoy, sundan niyo nga 'yon! Mamaya ano'ng gawin no'n sa sarili niya." Desiree ordered the boys. Sunod naman sila. Si Cedric, nagpahabol pa ng kiss sa cheeks ni Desiree.
I saw my friend blush pero cold pa rin expression niya. Ewan ko sa dalawang 'to. Hindi pa kasi magbati. Wit naman kagandahan kung magmaganda akala mo maganda nang malala. Hahaha. Kidding aside, napakataas ng pride nila pareho.
Tinignan lang namin siya at tinawanan.
Dumiretso na kami sa working place namin. Ang galing ni Genevieve! Hindi raw siya magaling pero nagawa niya 'to. Bale, ang gagawin na lang namin ay pakinisin 'to.
Pinagkakaisahan na namin ang rebulto nang nagtanong si Julie.
" Vanessa, hindi sa nangingialam ako ah. Sino si Greg?"
Siya lang naman yung taong sinayang ako. Hahaha. Nginitian ko muna siya saka sumagot.
"Ex boyfriend ko pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag-move on. Hahaha."
"Sorry. Dapat pala hindi ko na tinanong." ang cute ni Julie mag-sorry .
"Okay lang. Mas maayos ngang nagtatanong ka. Gusto mo ikuwento ko sa'yo kung bakit kami naghiwalay at kung bakit may history ako ng suicide? Hahaha." pinagsisisihan ko ng sobra yung pagtatangkang kong 'yun sa buhay ko.