Round 6

322 11 6
                                    

VANESSA'S POINT OF VIEW

Pinagsisisihan kong naligo ako sa pool ng ganito kaaga. Bbrr! Ang lamig. Malala. Kung hindi naman kasi isa't kalahating maharot si Eric eh.

I am here at my room at the moment. Sumasabay sa ingay ng blower ko ang utak ko. Ang lakas mag-flashback ng mga nangyari kanina. Lalo na nang napakalapit na namin sa isa't-isa. I really don't have any idea kung bakit nang hawak niya ko, parang akong naparalisa na ewan. Hindi ako makagalaw, hindi rin ako makapalag. Hindi dahil sa gusto ko. May something kasi sa mga tingin niya na hindi ko magawang iwasan.

Pero kung iniisip mo man na may kung ano na kong nararamdaman, you're wrong. Ni katiting, wala. Maybe, things were meant to happen just like that, without any reasons.

Nang natapos na ko mag-ayos, nagdesisyon na kong bumaba dahil nagugutom na ko. I know Kuya is preparing the breakfast already. Pagbukas ko ng pinto, hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ang mararamdaman ko.

It is Eric standing in front of my door. Again.

"Anong ginagawa mo sa tapat ng kuwarto ko?"

"Pinapatawag ka na ng kapatid mo." sumagot siya nang hindi nakatingin sa'kin.

"Eh ba't kailangan mo siyang sundin?"

"Eh ba't ang dami mo pang tanong? Tss. Bilisan mo na nga dyan! Ikaw na lang hinihintay oh..."

Adik. Dinaig ako sa pagiging moody ah.

Nauna na siyang maglakad sa'kin. I closed my door and followed him.

"Hoy. Ba't ang sungit mo ha? Nasobrahan ka ba sa chlorine ng pool? Hahaha." subukan ko ngang asarin sa ganitong sitwasyon. Yung badtrip siya. Hahaha.

"Ewan ko sa'yo. " he stopped walking and faced me. "...eh pa'no kung nadisgrasya mo talaga ako? Paano kung nalunod mo talaga ako? Ano'ng gagawin mo?" teka, badtrip ba talaga 'to? O trip na naman ako? Alin sa dalawa, may 99.9% chance kasi na trip na naman ako nito kaya kunwari masungit siya. 0.01% chance lang na seryoso talaga siya. Hahaha.

"Ano'ng gagawin ko? Eh di magpapa-party! Ang saya kaya kapag wala ka na. Hahaha. "

"Kung alam ko lang, ni hindi ka na magkandaugaga kanina kung paano ako magigising. Pinagtangkaan mo pa nga kong halikan. Hahaha." see? Trip niya kong asarin. I told you, he is someone that doesn't know the word 'serious'.

"Kapal ng mukha mo. Hindi kita hahalikan. You're not even deserving for my kiss. Eww. "

" All you have to do is ask lang naman. Tapos pag-iisipan ko kung ibibigay ko ba sa'yo. You don't have to be that aggressive para itulak pa ko sa pool para magkaroon ka ng chance na mahalikan ako. HAHAHA." can you feel the oozing conceitedness ? O 'diba? Winner ang pagiging guwapong-guwapo niya sa sarili. I don't want to hear some more. Nakakapanira ng eardrums mga pinagsasabi niya.

"Ang dami mong sinasabi. Bahala ka na sa buhay mo. Kumag!" inunahan ko na siya maglakad papuntang hagdanan.

"Aahh. Kumag pala ha."

Naramdaman ko na lang na binuhat niya ko na parang sako.

"ERIIIIC! Ibaba mo na kooo! Lagot ka talaga sa'kin!" buong lakas na kong nagpupumiglas dahil madali akong mahilo sa ganitong sitwasyon. AAAHHH! Abnormal abnormal abnooooormaaaaal! Tapos buhat niya pa rin ako habang pababa na.

Dizzy. Dizzy. Dizzy.

"Oo, Vanessa. You're welcome. Hahaha." tignan mo sira nitong taong 'to. I can't help but shed some tears.

The Love Game (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon