Round 4

380 9 6
                                    

It is 7 AM the following day. Nagising na lang ako sa katok na nagmula sa pinto. And I am too tired to get up and open it. 

Five more minutes please.

"Rain! Open the door!" Kuya please. I want to sleep.

But then, he was a beast. Tinuloy-tuloy niya pa rin ang pagkatok at paggambala sa pagtulog ko.

Alright. There. Gising na ako. Ugh.

"WHAT?!" I irritably opened the door. 

"Okay. You're awake! Bilisan mo nang kumilos at kailangan nating pumasok nang maaga." after that, he evaporated.

O 'diba? Nakakainis. Kung pagiging alarm clock lang pala pangarap ng taong 'to eh di sana hindi na niya ako dinadamay.

After an hour, natapos na ko. Kung hindi ka ba naman kasi maya't mayain na puntahan para lang siguraduhing kumikilos ka eh. Parang ewan kasi. Maya-maya, may kumatok na naman sa pinto ko. I got my bag and opened the door.

"Ito na kuya tapos na k—" I refrained from talking. Oo nga pala, nandito 'tong kumag na 'to.

"SA WAKAS NATAPOS KA RIN!" he looked at me from head to toe, thrice.

"I know I'm pretty. Tumabi ka na nga diyan." I closed my room's door and made my way to the stairs. I passed by him.

"Pretty? Eh parang wala ka namang pinagbago eh. Ang tagal-tagal mo kumilos pero wala namang nangyari para gumanda ka. Tss."

"Eh ba't speechless ka nang nakita mo ko?"

"Tss..." inunahan na niya ko pababa. Yehey! I win! :)

8:15 and we are already on our way. Kuya drove the van, Eric is beside him, and I'm here at the back. He just got his license.

After 15 minutes, nakarating na kami ng school. Kuya parked the van and we're off. Kahit saan ko idako ang mga mata ko, maraming nakatingin sa'min—- sa kanilang dalawa. Tch. Pa-cool.

"Kuya mauna na kayo sa room, may bibilhin lang ako."

"Samahan ka na namin." Kuya.

"Huwag na nating samahan 'yan Vic. Mapapagod lang tayo." Eric. Utang na loob sinong humihingi ng opinyon niya? I just gave him a glare.

"Hahaha. Alright. Bumalik ka kaagad ha? " after that, we parted ways.

I went to the cafe. Kailangan ko ng frappe. It's my safe haven.

As soon as I got my order, naglakad na ako papunta sa classroom. Medyo nagmamadali na ko kasi nga malapit nang mag-time.

Saktong may natanggap akong tawag from Desiree.

"Hello?" my feet are united. They double the speed. Tumawag na siya. Baka late na ko at hinahanap na ko!

"Where are you?"

"I'm on my way. Galing akong cafe."

"Hahaha." hala, tinawanan lang ako. "...anyway, walang prof. May biglaang meeting daw ng faculty nang ganito kaaga. We can roam around so don't bother to go up here. Magkita na lang tayo sa usual place."

I suddenly stopped. Yes! There is no need to be in a hurry.

Papunta na akong tambayan namin when these eyes of mine caught Greg walking alone. Napabilis yung pag-inom ko sa frappe. Pero mas mabilis pa rin yung tibok ng puso ko.

The Love Game (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon