ERIC'S POINT OF VIEW
I can't sleep. Maya't-maya nagigising ako. This isn't insomnia. At lalong hindi 'to dahil sa in love ako. Iba lang talaga pakiramdam kapag sa ibang bahay ka natutulog.
I got up from bed and decided to go to the pool. I sat on the poolside, put my feet in the water and started gazing the sky. The sun already rose so the light of the morning sunshine blends to the clouds. I don't know but this kind of scenery makes me feel relaxed. Breathtaking.
Sasamantalahin ko na 'tong pagkakataon na 'to dahil alam kong puro trabaho na naman mamaya. Kung bakit naman kasi sa lahat ng project na ipapagawa, paggawa pa ng rebulto ang napili. Hindi naman sa tinatamad ako pero nakakatamad kasi. Mas gugustuhin ko pang tambakan mo ko ng math problems diyan o kaya ng mga video na i-eedit. Basta, tinatamad ako sa ganitong gawain.
*Flashback. Two weeks ago.*
"That will serve as your midterms project. You must submit on or before the said deadline. Goodbye." the witch professor left the whole class with a woah. Sige nga. PAANO NAMIN GAGAWIN 'TO?
During the break, namomroblema pa rin kami kung paano namin gagawin ang project na 'to. Kasama sa major subjects namin 'to at napaka-witch talaga ng professor na 'yon.
"Aiish. Ano bang akala niya sa'tin? Iskulptor?" nakakainis kasi. Ayoko ng ganitong klaseng trabaho. Alam kong maraming oras at effort namin ang magagamit dito.
"Hindi pare. Karpintero. KARPINTERO! Hahaha." sinamaan ko ng tingin si Rommie.
"Makapag-submit akala mo written homework lang pinapagawa eh. Ugh. Sarap mag-shift. Hahaha." Julie slightly messed up her hair. Dama niya ko. Ayoko rin ng ganito.
"Huwag Julie. May malulungkot." pagkatapos, nag- sad face pa si Rommie kay Julie. Mga anim na pagbatok natanggap niya pagktapos no'n. Tinawanan lang siya ni Julie.
"Walang bang marunong mag-sculpture dito? Desiree asked.
"Magkakasama tayo mula high school, may nakita ka bang gumawa ng rebulto ni minsan sa'tin? Magtatanong pa kasi eh." natahimik ang lahat nang sumagot si Cedric. Hanggang ngayon, may away pa rin sila. How to kill these two? Tsk. Papasok-pasok kasi sa relasyon, puro away, tampuhan at bangayan. Nakaka-stress.
"Talagang nakaka-stress Eric. Kung katulad niyo lang din naman makakarelasyon. " teka, sinabi ko na naman ba yung iniisip ko?
"Ah-eh ano. Ako! May alam ako pero hindi ako gano'n kagaling. But I've learned the basic kaya baka makatulong ako." Genevieve killed the intensity of the atmosphere by volunteering.
*End of Flashback*
We decided to do this project dito sa bahay ng mga Ferrer dahil ito ang pinakamalapit na bahay na may malaking space at since dalawa lang naman silang magkapatid ang nakatira rito, walang ibang taong magagambala.
This is our third day ng paggawa. We still have a week remaining para makapagpasa. But since nagawa na naming mabuo, sa tulong na rin ng napakagaling na si Genevieve, mukhang makakapagpasa kami ahead of time.
Alright. Makatayo na nga rito nang may masimulan. Hahaha. Nasasayang lang oras.
*splash*
WHO WAS THAT?!
"HAHAHAHAHAHA. Look at that poor boy. Kawawa ka naman Eric. Awww... Hahahaha!" so you want to play with me Vanessa?
Alright. Game on!
I acted as if I'm drowning.
" Hahaha— Hey Eric! Get out of the water...Eric?" up to the point na lumulutang na lang ako. She really loves to play games.
Naramdaman kong lumusong na rin siya and felt her arm around my body. This skinship is weird. Bakit pakiramdam ko nagtaasan lahat ng balahibo ko nang hawakan niya ko?
Despite of this uncomfortable feeling, I still managed to act. She used her power para mabuhat ako papuntang poolside. Inihiga niya ko ro'n.
"What to do, what to do? Hoy Eric! Imposibleng malunod ka, marunong kang lumangoy! Hoooy gumising kaaaa!" hinampas-hampas niya pa ang tyan ko. At in all fairness, ang lakas niya. Ang sakit ng mga hampas niya. Seryoso.
I can feel that she's panicking.
"No. I won't do that. I won't do any CPR. No. Never. Hoy Eric gumising ka na! Sa kuwarto ka matulog huwag dito. Eriiiic!" this time, sinampal-sampal naman niya ko. Buhay pa kaya ako pagkatapos nitong pinaggagawa niya sa'kin?
Inilapit niya ang mukha niya sa'kin, trying to listen kung humihinga pa ko kaya naman pinigilan ko ang paghinga ko for seconds.
"I have no choice." I heard her say. Naramdaman ko nang sinimulan na niya ang CPR. Okay I'll end it here.
Bago pa man niya magawa ang hindi dapat gawin, I opened my eyes. May pagkamalapit na ang mukha niya sa'kin.
"Caught ya." I gave her a grin. Agad-agad naman niyang inilayo ang sarili niya sa'kin, Sobrang nagulat siya.
I managed to get up.
"Hahaha. Nakita mo na ba sarili mo sa salamin, Vanessa? Hahaha. You look hilarious! Hahaha! Sabi na nga ba eh, type mo ko eh. Kailangan mo pa kong lunurin para makapag-take advantage ka sa akin. Sorry babe, I am not an easy man."
"Aaahh! Kahit kailan nakakainis ka! Saka ano bang pinagsasabi mong easy man easy man. Mukha kang java man! " tumayo na siya at nagsimulang maglakad papasok ng bahay.
Wait, hindi puwedeng ako lang. Hinabol ko siya saka binuhat.
And together, we're Hi-5!
Kidding. Hahaha. I mean, together, we jumped off the pool.
"Are you crazy?"
"For you? Yeah, I guess so." bakit pakiramdam ko bigla-bigla na lang lumalabas 'tong mga salitang 'to sa bibig ko? Nakakaasar Eric.
" Ewan ko sa'yo! " after that, she gave me a water splash. Gumanti naman ako and we ended up having a water splash fight.
Parang lang kaming mga batang naglalaro. She even went to my spot para lang sabunutan ako. At nagtagumpay naman siya. Sinabunutan ko rin siya pero hindi malakas. Nilulubog pa namin ang isa't-isa.
Ewan pero ang saya ng nangyayari ngayon. Hahaha. Minsan ko lang maging kaibigan 'to. Hahaha.
When eventually, in an unexpected and unintentional moment, I just found myself so close to her for the fact that my arms surrounds her body and her hands on my shoulders.
Maraming beses kong sinabi, inaasar na hindi siya maganda but I never said na panget siya. Ano bang nakain ni Greg at pinakawalan niya pa 'tong babaeng 'to?
Her eyes captured mine and I don't know how to escape from this. What is this feeling? Fine. I'm just attracted. That's all.
"Hoy Eric, sumosobra ka na." Vic said. Nando'n na silang lahat, nakatingin sa'ming dalawa.
Agad naman kaming lumayo sa isa't-isa. Okay. That was awkward.
"Ang aga natin 'kumilos' bro ah. Iba kaaa~" Rommie teased as I got out of the pool. With emphasis pa yung 'kumilos' niya. I think what he was trying to say is 'dumamoves'.
Fine morning, I guess.