Round 8

249 8 2
                                    

ERIC'S POINT OF VIEW

Hahaha. Grabe. Hindi ko kinakaya. Hahaha.

"Aray! Ano'ng problema niyo ba't kayo nangungutos?" Seryoso ang sakit.

"Ikaw pare, ano'ng problema mo ba't ka tawa nang tawa? Aside from the fact na baliw ka na talaga. At saan ka pupunta?" Cedric.

"At kung bakit kami sumusunod sa'yo?" Rommie.

"Teka nga lang! Ang dami niyong tanong." naglalakad kaming apat papuntang plaza dito sa loob ng village.

"Rommie, kaya natin sinundan si Eric dahil sabi ng boss ni Cedric. Hahaha." sinamaan naman ng tingin ni Cedric si Vic.

"Vic, huwag ako." Tss. Relationships.

I got my phone and accessed the videos. Gigisingin ko kasi dapat si Vanessa. Sila na kasi ang nakatokang gagawa do'n sa rebulto. Eh ayon. Vinideohan ko siya habang natutulog. Parang kasing timang. Ngumingiti ngiti pa tapos yung mga kamay niya as if may hawak na bulaklak. I find it so funny. Hahaha.

Ipinakita ko sa kanila ang video at habang naglalakad kami, tumatawa kaming lahat. Hahaha.

"Okay. That was funny pero hindi gano'n ka-funny tulad ng pagka-funny mo kanina." Rommie. Tch. Nakakatawa kaya nang sobra.

"Sobra kayang nakakatawa."

"Don't know if mababaw lang talaga kaligayahan mo o dahil si Vanessa ang kaligayahan mo. It's so confusing. Hahaha." Cedric. Nagkamot pa siya ng ulo at nagkunot ng kilay, as if he was so confused. Ayan na naman sila sa topic na 'yan.

"I'll go for the latter. Hahaha. Hindi ba Eric? Hahaha." Isa pa 'tong kakambal niya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala nga akong gusto o kahit anong nararamdaman sa kanya. Hirap niyo naman paliwanagan eh. Kayo lang 'tong assuming eh. Tss."

"Iba kasi ang sinasabi ng bibig mo sa sinasabi ng puso't isipan mo. Hahaha." Rommie.

"Aiish, bumalik na nga kayo ng bahay! Kakain ako nang mag-isa. Ayoko kayong kasama. Try niyo pumasok sa showbiz, masyado kayong maintriga!  Mga panira ng buhay. Shoo!" binugaw ko sila palayo pero tinawanan lang nila ako.

"Shoo shoo ka dyan. Ikaw lang ba may karapatan magutom ha?! Sasama kami sa'yo." inakbayan ako ni Vic at diretso na kami sa plaza para bumili ng merienda.

Ayokong magkagusto kay Vanessa. Tuwing inaasar nila ako tungkol sa kanya, hangga't maaari, hindi ko ina-absorb mga sinasabi nila. Oo, I throw cheesy words to her but it's nothing. No feelings attached, just pure flimflam.

'Cause I know I don't have any chance if ever I let my feelings be attached to those words.

Nakarating na kami sa mga food stalls. Daig pa namin ang mga construction workers sa gutom when in fact, wala naman kaming ibang ginawa kundi magpukpok, maglari at magkiskis ng liha sa isang kahoy.

Vic bought two boxes of pizza since walo kaming kakain at hindi sapat ang isang piraso lang kada isa. Then, pumunta kami ng supermarket para bumili ng pang-dinner ata. We live independently, at the very least.

Nasa dairy section kami when Vic ordered me.

"Eric, pakitawagan mo nga si Vanessa ta's pakitanong kung anong gusto nilang flavor ng ice cream. Bilisan mo."

"Teka, bakit ako?"

"At bakit hindi ikaw? May malisya ba kapag tumawag ka?"

"Hindi raw pre, baka maubusan siya ng oxygen kapag narinig boses ni Vanessa over the phone. Hahaha." Nyenyenye. Baka.

The Love Game (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon