Round 26 (Side Story)

25 0 0
                                    

VANESSA’S POINT OF VIEW

It’s a Saturday morning and I have been working on my book report since 6 AM. It’s a weekend and I’m still doing school stuffs.

This is how college works. This is how a student should be. Ayoko nang mag-cram ng kahit ano kapag deadline na.

It’s already 8 o’clock when I went down. Hindi ko matiis ang amoy ng pancakes. Saka isa pa, nagugutom na ako.

I saw my dear brother preparing our breakfast. He’s wearing a pink apron with small, red hearts printed on it. I can’t help but laugh. Sinamaan niya naman ako ng tingin dahil sa ginawa ko siyang laughing stock.

“Stop Vanessa.”

“Why are you wearing that?”

“Genevieve made me wear this. Don’t make this a big deal so stop laughing.”

Bumalik siya sa pagbabaligtad ng pancakes. Under ng Marshal Law si Kuya. Batas militar kay Genevieve. Yung tipong kahit wala naman si Genevieve dito, ginagawa niya talaga.

Napaka-loyal naman. Bakit ko ba naging kapatid ko eh di sana ako na lang nakikinabang sa kanya ngayon. Hahaha.

While waiting for the pancakes to be done, the telephone rang. Vic made me answer it since he was busy flipping pancakes.

“Good morning! May I know who’s this?”

“Good morning, babe! Miss mo na ako?”

I am positive it is Eric. Nililipad ang buhok ko ng hangin eh. Ramdam na ramdam kahit nasa kabilang linya siya ng telepono.

“Wala akong namimiss. Sino ka ba?”

“Ito naman. Naglalambing lang eh. I just want to know if you’re already up and doing alright. Wala ako sa tabi mo ngayon. Malay ko ba kung may nangyari nang masama sa’yo…”

Ano bang inalmusal nito? Isang kilong asukal? Magkaka-diabetes na ako nito sa tamis ng sinasabi niya eh. Nakakainis kasi hindi ko na ma-deny na naaapektuhan na ako ng mga salita ng kutong lupa na ‘to.

“Huwag mo na akong alalahanin. Isa pa, kasama ko si Kuya. Bakit ka ba napatawag?”

“You’re not answering my calls. You’re ignoring your boyfriend.”

Ang lakas ng topak umagang-umaga.

“I’m sorry, babe. Hindi ko kasi nadala cellphone ko. Nasa kuwarto. Kakain na kasi ako ng almusal kaso tumawag ka. Istorbo.”

“HAHAHA. Hindi ka pa ba busog? Kausap mo na ako oh. Hahaha.”

“Paano naman ako mabubusog sa’yo? Yummy ka ba?” Oh hold up. What did I just say?

Walang umimik ni isa sa amin. Gosh Vanessa. You sound so perv. How dare you say that?

“Eric, is there anything you need? Kailangan mo bang kausapin si Kuya?” I’m in panic mode.

“Ah. Haha. *clears throat* Wala. Kinakamusta lang kita. I just want to hear your voice. Haha. Sige na. Kumain ka na. Don’t skip your breakfast. Mauna ka nang magbaba ng phone.”

“Ikaw rin. Mag-breakfast ka na. S-salamat sa pagtawag. Goodbye!”

I hung up the phone. Nakakahiya. Ang pangit pakinggan. Aaahhh!!!
I came back to the kitchen and put five pancakes on my plate. Kaya na bang takpan nito ang hiyang nararamdaman ko ngayon?

“Sino yung tumawag?” I was startled nang nagsalita si Kuya.

“S-si Eric.”

“Aahh. Pursigido talaga siya ah. Hahaha.” He took the syrup and put it on his pancake.

The Love Game (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon