Round 15

191 5 0
                                        

VANESSA'S POINT OF VIEW

Kaming apat na babae na lang ang naiwan dito. Sumuko na sina Kuya sa paggawa ng scrapbook. Hindi naman nila hilig eh. Tinamad na sila ituloy kaya ang ginawa na lang nila, naglaro ng games sa playstation. Ang ingay at gulo nila sa totoo lang. Kung gaano sila kaguwapo, gano'n sila kaisip bata. Ikonek mo relasyon ng pagiging guwapo at pagiging isip-bata. -_-

Nakakatawa na ulit si Desiree nang masaya. Tss. Kaya naman palang magbati eh, kailangan pang may makulong sa basement. Bwisit. Ang babaw ng dalawang 'to.

"Balik tayo sa'yo Vanessa. Ano yung SBF?" Desiree asked while sticking pictures onto her scrapbook.

"Hahaha."

"Aba'y baliw ka rin ano? Tawanan ba naman kami? Umayos ka nga!"

"Sabi kasi ni Eric, feeling niya Sec—-"

"Omg. Super Boy Friend?! Kaya pala!!! Hahaha." Genevieve. Sakalin ko 'tong babaeng 'to eh.

"Huwag kang assuming. Secret Best Friends kaseee~!"

They all gave me a 'anong-secret-best-friends' look. I told them everything.

"Pero sa nakikita ko, hindi na best friends tingin niyo sa isa't-isa. Mga more than friends na, mga ganong levels hahaha." Julie said.

"Gusto mo maging never friends tayo Julie? Balatan kaya kita gamit 'tong cutter. Asar 'to. "

Tinawanan lang nila ako. More than friends? I can't imagine. Saka ceasefire muna sa more than friends more than friends na 'yan. Nakakaumay.

One more thing, we're not even best friends. Gawa-gawa lang namin 'yon para asarin lalo ang isa't-isa.

"Nandyan na silaaaa~ Drop mission drop mission!" Vic.

"Ba't kayo nagtatago? Magsilabas kayoo~ Mga duwag." Cedric.

"Ang chicken ng mga 'to oh. Wala tayo sa poultry farm oy!" Rommie.

"Ah chicken pala ah, oh eto, magiging roasted chicken kayo dyan! Hahaha!" Eric.

 

At ang ingay ingay talaga nila. Seryoso, they are not your typical dream guys. Mas isip-bata pa sila sa kaya niyong ma-imagine. Tuwing matatapos ang mission ng nilalaro nila, magre-wrestling pa silang apat.

Nang nagsawa sila sa nilalaro nila, sa kinect naman sila at nag- Just Dance. They are dancing Applause by Lady Gaga at the moment. Parang silang mga pakawala sa mental. Seryoso, nakakaturn-off.

"Tss. 'Yan? Never. More than friends is a no no." napapailing na lang ako at the thought of it. More than naman kasi sa looks, sa maturity ako tumitingin. Mga 10 years old lang ata utak ng mga taong 'yan eh. Buti na lang mas matino ako sa kapatid ko. Sa kanilang apat siya ang kabog magsayaw eh. Ugh.

The Love Game (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon