ERIC’S POINT OF VIEW
The start of the second half is about to begin. Sa wakas naman at makakapaglaro na ako!
“Nako, maglalaro ka na talaga? Wala na. Talo na tayo. Hindi pa tayo nabawian ng lamang. Pero mukhang maghahabol na tayo ngayong third quarter.” Vanessa uttered.
“Panoorin mo kung paano ko tatalunin ang ex-boyfriend mo. Hahaha.”
“Lumayo-layo ka na nga. Nakakaumay ka.”
“Promise first you’ll cheer for me.”
Sinasamantala ko na ‘tong panahon na ‘to na we’re feeling great.
“I will babe. Now go! Mag-ingat ka, ha? Huwag masyadong bida-bida.”
And then she smiled. Ngiti pa lang niya pakiramdam ko nakuha ko na ang 1.00 na grade.
“Aww. Concerned ka sa’kin babe? Hahaha.”
“Oo naman babe. Ikaw pa ba? Malakas ka sa’kin eh.”
I’m inside the court now with my four teammates. Sa quarter na rin na ‘to naglaro si Greg. Hinintay niya ba talaga akong maglaro? At siya pa talaga ang nakatao sa akin ngayon.
“Ang saya mo siguro.” Greg said while executing defense.
“Hindi naman masyado. Tamang saya lang.” I was just teasing him. My focus is on the ball but we’re chatting.
“Bakit naman? Dahil ba sa ako pa rin ang gusto ni Vanessa?” Tss. Alam ko na ‘yan. As if namang maapektuhan pa ako sa mga sinasabi mo.
My teammate finally had the ball at dahil hindi naka-focus si Greg sa laro, mabilis akong nakatakas sa depensa niya at ipinasa sa akin ang bola na agad ko namang itinakbo sa court namin, avoiding all of the opponent’s blocks and successfully executed a layup.
I hear the crowd roar dahil sa kaguwapuhan ko--- I mean sa shot na ginawa ko. I looked at Vanessa at nagtama ang tingin namin. She smirked but clapping.
“Yabang mo!” She mouthed those words and then made two thumbs down gesture. She’s booing me to show her support.
We’re sweet like this.
Nagpakita na naman sa daan ko si Greg and blocked me.
“Nakaisa ka ro’n. But I won’t let you---“
“Parang kang babae, alam mo ‘yon? Ang dami mong sinasabi. Gawin mo!”
I managed to escape again from him pero hinabol niya ako.
“Eh kung sabihin ko sa’yo ngayong aagawin ko si Vanessa sa’yo?”
Eh di agawin mo. Hindi naman kami eh. Seryoso? Ang dami niyang sinasabi. Is he treathened? Ganito siya kadaldal. Paniwalang-paniwala siya sa palabas namin ni Vanessa.
“Oh eh ‘di agawin mo. Kung kaya mo.”
My teammate passed the ball from the side and I managed to escape again from Greg’s defense. He attempted to make a steal but he failed. I was able to shoot the ball from the baseline.
“Kung yung bola nga, hindi mo magawang maagaw sa akin eh, si Vanessa pa kaya?” I can tell by his reaction that he was annoyed.
But seriously speaking, hinding-hindi ko talaga hahayaang maagaw niya si Vanessa sa akin. I know she’s not mine but I won’t let her back to him.
“Don’t be so sure.” Greg uttered.
Nahawakan niya ang bola at itinakbo ito sa court nila and shoot the ball from the three-point line. Tss. Parang three points lang eh. Sisiw.