VANESSA’S POINT OF VIEW
Kakatapos lang ng Calculus subject namin at may isang oras na break.
Napagpasiyahan naming mga babaeng pumunta ng open field nang makalanghap ng sariwang hangin. Ang dami na naman kasing nakatambay sa labas ng classroom namin.
“Saan kayo pupunta?” Vic asked.
“Somewhere na wala kayo? Hahaha. Oy Vic, ipinusta ko pala ‘yung towel na ginamit mo sa game kanina ‘dun sa Karen. Nandun siya sa labas. Tapos dapat ikaw yung mag-abot. Natalo kasi ako eh. Ang pusta ko kasi tatlong beses pababa ka makakatres tapos siya apat pataas. Eh naka limang three points ka eh.”
Tama ba yung narinig ko? Hahaha. Ang cute nito si Genevieve. Nakita kong napa-facepalm na lang ang kapatid ko sa narinig niya. Well, he is not the type of being fond with his fangirls. As I’ve said, he’s cold to girls. Si Genevieve lang talaga nakapagpabaliw dyan.
“Girlfriend ba talaga kita? Bakit mo ko ibinubugaw?”
“Hindi naman ikaw ‘yung ipinusta ko. Yung towel lang.” Genevieve pouted.
Nauna na kami nina Julie at Desiree lumabas ng classroom.
Nasa labas rin ng classroom nila sina Greg at Joan. Nagkatamaan kami ng mga mata pero iniwas ko rin agad.
“Sama ako sa inyo.” Eric said while going after us. Rinig na rinig ang mga pigil na kilig ng mga babae nang lumabas si Eric.
Agad-agad naman niyang kinawayan ang mga ito at hindi nakapagpigil at nagsitilian na.
“Ayaw ka naming makasama.” Desiree.
Maya-maya, inilabas na ni Genevieve si Kuya at ipinaabot ang towel dun sa sinasabi niyang fangirl. Napapailing na lang si Kuya pero wala siyang magagawa dahil sabi ni Genevieve.
Nagpaalam na si Genevieve kay Kuya at sumama sa amin.
Bago pa man kami makaalis, hinabol ako ng akbay ni Eric. At masakit ‘yon dahil ang bigat ng braso niya.“Hindi ba tayo magpapanggap? Nakikita tayo ni Greg, oh.”
“Gusto mo bang mabali ‘yang braso mo? Tanggalin mo at mabigat! Nasasaktan ako.”
“Talaga? Saan banda? Sorry…” he held both of my shoulders. He seemed so worried.
Nakakatawa kasi mukha siyang ewan. I suddenly found him cute. And I can’t even stop myself to pinch his cheeks.
“Cute mo! Ok lang ako. Basta huwag ka nang sumama. Bye babe! Hahaha.”
Mukha naman siyang binuhusan ng yelo at natulala. Lalo siya naging cute. Hahaha. Ginulo ko pa ang buhok niya bago kami umalis.
And this is how he uses his charm to immediately change my mood.
Nakarating na kami ng open field. We sit on the grass with our frappes.
“So ano nangyari kanina sa game? You seemed so occupied.” Desiree asked.
I told them everything.
“Resbakan na ba natin? Tropa ko na mga fangirls ni Vic. Kayang-kaya nila itumba si Joan. Hahaha.” Genevieve. Tingnan mo ‘tong babaeng ‘to. Wala na. Sira na respeto ko sa kanya. Hahaha.
“So, are you still affected?” Julie.
“A little. Pero, gusto ko na kasi makalimutan lahat. Alam niyo ‘yun? Yung tipong, Fine. Greg still has feelings for me, so what? Yung ganung feeling. Ayoko nang magalit, ayoko nang maging bitter. Kaso parang retarded si Joan. Sa aming lahat, siya pa yata ang hindi maka move-on.”
