VANESSA'S POINT OF VIEW
Aissh! Hindi naman siguro kailangang pag-isipan ng magandang ibibigay sa kanya. In the first place, hindi ko naman obligasyong bigyan siya ng regalo. He's not worth the effort and money and my oh so precious time.
Pero heto ako ngayon, kanina pa paikot-ikot sa men's section. Ano bang gusto no'n? Pabango? Damit? Shades? Boxers? Brief? AAHHH! Eh kung umuwi na lang kaya ako? Bago pa nila mapansing wala ako sa bahay ngayon at tumakas lang ako para sa kabaliwang 'to. Tss...
Binigyan ko naman na siya ng stress ball 'diba? Siguro ayos naman na 'yon. Pero, ugh! Bakit kasi may birthday ang kumag na 'yon eh. Bakit kasi nabuhay pa siya eh di sana hindi ako namomroblema sa ireregalo sa kanya.
Sa kakaikot ko, I found one thing na kakaiba. Hahaha. Siguro ito na lang. Hahaha. Pero baka naman mag-assume siya kapag niregalo ko 'to sa kanya. But no, magmumukha siyang parte ng super twins dito. Hahaha. Bahala na! Pagod na ko.
***
Next Day. School. July 22 20xx.
Its thirty minutes before dismissal at walang professor. Since hindi naman kami puwedeng umuwi before the bell, nag-stay pa kami. As usual, lumulutang na ang utak ko sa dami ng lectures at ang gusto ko na lang gawin ngayon ay ang matulog. Ang mga kaibigan ko, ayun! Naglalaro ng pass the message. Ugh. When will they grow up?
I surrender. Inaantok na talaga ako. Matutulog muna ako.
*school bell*
My head aches. Nakakabulahaw yung bell ano baaaa~
"Hey Sleepyheads! Gising naaaa~" tuluyang nagising sa katotohanan ang pagkatao ko nang mambulabog si Desiree.
Bumangon na ako mula sa pagkaubob ko. Tumingin ako sa tabi ko para makita si Eric na bago ring gising. Great.
While on our way home, Ibinaba ni Kuya sina Desiree at Cedric sa mall. Dumiretso naman na kami ng uwi. Hanggang ngayon, wala pa ring bumabati kay Eric. Sa totoo lang, ang tahimik niya ngayon. Hindi kaya nalulungkot siya kasi walang nakakaalala ng birthday niya? Aiissh. Alam ko naman eh. Pero kaseee~
"Eric..."
"Hhmm?" nakadungaw lang siya sa bintana.
"Wala." tumingin siya sa akin with his blank face pero ibinalik niya rin sa labas ang atensyon niya. Bakit hindi ko siya magawang batiin? Nakakainis.
Nakarating na kami ng bahay. Dumiretso si Eric sa kuwarto niya. Since when pa ako nag-alala sa magiging pakiramdam niya? Tsk. I hate myself.
Di rin nagtagal at dumating na sina Cedric at Desiree na may dalang maraming pagkain at cake. Actually napag-usapan naman na talaga namin 'to. This is a cliché surprise pero sana naman, ma-surprise pa rin siya.
Everything is all set. It is already 6PM. May mga party hats pa kami at balloon dito. Ni-lock ni Kuya si Eric sa kuwarto niya pero mukhang tulog naman ang kumag kaya hindi niya na malalaman na ni-lock siya.
Inakyat ko na siya sa kuwarto niya. Tutal, secret best friend naman niya ko kuno. Inutusan nila akong gawin 'to. Binuksan ko ang kuwarto niya at tama nga ang hinala kong natutulog siya.
Sheez. Pinagpalang malala talaga 'tong kumag na 'to, Nakakainis. Napakainosente kapag tulog. Literal. Inosenteng hottie, mga ganong levels.
AHHH! Pinagsasabi mo Vaneesaaaa~ Shut up!
I sat beside him.
"Eric. SBF, Wake up!"
"Whaat~" hinila niya pa ang kumot niya at dumapa pa. Aiishh. Hindi deserve ng ganda ko ang gumising ng kumag ah. Hindi kasama sa job description ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/1145619-288-k149300.jpg)