Round 20

214 4 1
                                    

VANESSA'S POINT OF VIEW

We're done having our dinner by 7PM kaya naman napagdesisyunan na nilang magsiuwi. Isa-isa na silang nagpaalam. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay.

"Goodbye! Set na lang ulit tayo ng gala natin. Nakakabored kasing walang ginagawa ngayong sembreak. Nakakasawa ring puro mukha ng girlfriend ang nakikita~ Hahaha." Cedric said.

"Ah gano'n? Nakakasawa pala ah? Tss... Diyan ka na nga! Huwag mo na akong ihatid sa bahay ko. Mauna na ako sa'yo." Desiree stormed out of the gate.

"Oy Desiree sandali~ Biro laaaang!... Sige na, mauna na kami sa inyo! Bye!" Mabilis namang sumunod si Cedric.

"Hahaha! Hoy! Huwag mong hayaang mag-isa si Desiree ah!"

Nako. Ayoko na mag-ayos ng nag-aaway na magsyota ah. Tama na. Relasyon ko naman muna please. Hahaha. Joke.

Inilabas ni Kuya ang sasakyan galing sa garahe. Ihahatid niya kasi sina Genevieve at Julie sa dorm nila.

"Sadyain ba naman ng tadhana na makakasama ko sa iisang sasakyan ang isang couple. Maa-out of place ako nito eh. Hahaha." Julie.

"Di bale, sasama ako sa paghatid sa inyo para hindi ka ma-OP sa kanilang dalawa. Hahaha." nag-apir silang dalawa ni Rommie.Cute nila. Parang tropa lang though alam ko malapit na rin sila pero mukha kasing mga wala pa talagang balak lumagay sa tahimik at seryosong aspeto kaya nag-eenjoy sila sa ganito.

"I'll be back, Rain. Ihatid ko lang sila." they finally went off. I waved at them as they go.

"Hindi ka man lang ba magpapaalam sa'kin?" bigla akong nanlamig nang narinig ko siyang nagsalita. Eh hindi ko naman namalayang may kasama pa ako rito eh.

"Bwisit 'to. Oh eh di bye! Umalis ka na!" I pushed him outside the gate.

"Wow ha. Ang sweet ng pagpapalayas ah. Kakilig." he said that with full sarcasm.

"Alam ko. Alis na! Gabi na eh."

"Alam ko rin. May moon and stars pa nga oh. Samahan mo muna ako." nakakaramdam na naman ako ng masamang mangyayari sa gabing ito.

"Tigilan mo ko. Pagod na ko. Mag-isa ka. Alis!" aktong isasara ko na ang gate pero pinigilan niya ko by blocking his body against it. Gusto niya bang maipit?

"Sandali laaang! Sige naaa!" he's acting so childish. He's acting cute and I can't resist. Ugh. Hindi ako makahindi. Nakakainis!

"F-fine. I'll just lock the house." I can't look straight at him. I'm under his spell. How to break this?

Nang nasiguro kong nasara ko na ang bahay, lumabas na ko ulit at nakita siyang nakasandal sa motor--- sandali, may motor siya?

"Motor?"

"Hindi. Cargo ship. Kitang motorcycle 'diba? Magtatanong pa eh."

"Tss... Umalis ka na nga. Nakakabwisit ka!" pabalik na sana ako sa loob ng bahay pero hinigit niya ang kamay ko.
I suddenly felt an unexplainable current flowing through my veins. Hindi puwede 'to.

"Don't ask the obvious kasi. Hahaha. Sorry na." AAHHH~ Akala ko ayos na ko simula nang nagsembreak eh. Ano 'to ngayon? Nganga? Kinikilig na naman ako--- I mean hindi ko na naman maintindihan 'tong mga binibigay niyang pakiramdam sa'kin.

Nakakainis.

"Here. Put this on." isinuot niya sa'kin ang isang helmet. He adjusted the straps. Habang ginagawa niya 'yon, medyo nalalapit niya ang mukha niya sa'kin dahil hindi niya gaanong makita ang ginagawa niya dahil madilim na nga at tanging ang yellow street lights lang ang nagbibigay liwanag.

The Love Game (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon