center 2: may new life

29 0 2
                                    

Julie's pov

Maaga akong gumising para mag handa kase si mama kahit madami pa kong oras para sa kanya late na'ko
Ewan ko ba dun' pero... masaya akong nag karon ako ng magulang na kasing bait at kasing ganda nya.

"Julie bumaba kana para kumain at bilisan mo ang kilos baka malate ka''
"Opo ma baba na" pag katapos kong mag ayos ng buhok ay bumaba na agad ako at dinala ko narin ung mga gamit ko. Feeling ko dun' nako titira halos lahat kase ng damit ko pinadala ni mama ayaw na ata akong mauwiin ni mama dito ah!

"Ma pwede nyo po ba ako ihatid sa bus stop medyo madami kase akong dala eh''
"Oo naman ikaw pa"

Nakatayo kami ni mama at lolo D sa bus stop. Malulungkot talaga ako kase matagal kong hindi makikita si mama.

"Ma aalis na po ako mag iingat po kayo dito ok" tyaka ko niyakap si mama at lolo D.
"Mag iingat ka rin dun' mag aral mabuti" tumango nalang ako kay mama at sumakay na'ko.

Umupo ako malapit sa bintana at tumingin sa malayo. Ma mimiss ko ang lugar nato.

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at pinikit ko ang mata ko. Hindi ko na mamalayang unting unti na'kong na kakatulog.

Maya maya ay nagising ako dahil biglang umalog ng malakas ang bus.
Kinuha ko ang cellphone ko ng tignan ko ang oras ay 12:00. Tanghali na pala ganon ba kalayo to. Biglang huminto ung bus para mag pakarga.

Malapit na ba'ko na babagot na kase ako dito eh' gusto ko ng bumaba.

Sama lamang na mimiss na ko ni mama.
Ngayong aalis na ko sa bahay namin hindi ko na mahihintay si papa.
Kase kada taong lumipas hinihintay ko sa papa. Sa mga birthday,Pasko, miski araw ng patay. Hinintay ko sya kase baka sakali maisipan nyang bumalik.

Pero.... kada tatanongin ko si mama about sa kanya hindi sumasagot si mama, ung tipong may tinatago sya sakin about  kay papa.

Minsan iniisip ko nlang na baka ayaw na ni mama balikan ang nakaraan. Baka dahil din kay papa kaya hindi na nag asawa si mama.

Hindi nya makalimutan si papa Haysst! Kung alam ko ang nang yari sakanila nung nag sasama pa sila.

Tumingin ako ng malayo, tapos may na alala ako ung necklace pala. Sabi ni lolo D wag kong huhubarin to kahit anong mang yari promise ko yun sa kanya kaya sinuot ko nlang.

Habang sinusuot ko ay biglang umalog ng malakas kaya na hulog ung necklace, agad naman akong yumuko para kuhain to.

Hinanap ko ung kwintas. Nung una hindi ko sya makita kase nasa paa pala nung lalaki sa likod ko.

Dahan dahan kong inaabot, ng mahawakan ko ay dahan dahan ko ding hinihila. Nagulat ako kase biglang gumalaw ung paa nya. Ano bato ang taba taba na nga antukin pa. Nahihiya kase akong gisingin tong baboy na to. Nung umusog ung paa nya lalo nya itong nadaganan ayo ko namang hatakin baka mapigtal kaya dahan dahan kong inaangat ung paa nya.

HAYYYY! Sawakas nakuha ko din.
Nang nasuot ko na ay biglang tumigil ung bus,  tumayo ako agad at kinuha ung mga gamit ko.

Ano bato ang dami kong dala balak ko atang dito na tumira ah!

Pababa na ako ng bus. Habang iniisa isa ko ilabas ung mga gamit ko ay tinulungan na ko ni manong driver.

"Salamat po ule sa pag tulong" sabay yuko.
"Walang ano naman. Mag iingat ka"
Tyaka sinara ni kuya ung pinto nya at umalis na.

Humarap ako salikod ko at nakita ko ang napakalaking gate WOW! Siguro pag binenta to ang mahal. Totoong gold bato, ng hawakan ko ay bigla itong bumukas.

Nang makapasok na ko ay bigla naman itong sumara.
At biglang may kumuha ng bitbit ko.

"Dito po tayo ma'am" wow ganon ba ko katanda. Pero ang galang nya may konting problema lang. Parang hindi kase na sisikatan ng araw yung balat nya ang potla nya.

Unknown's pov

''Hey! Bro look. Mukhang may bagong transfer" lumingon ako ng makita ko ung babae ay may pamilyar akong naramdaman.

"Parang isang lang syang ordinary human"
"Tama ka isa syang mahinang tao" nakaka suklam anong ginagawa ng taong yan dito.

"Gusto mo tapusin na natin sya??"
"Wag muna subay bayan muna natin sya may kutob akong may iba sa kanya. Kaya mag palanig muna tayo"

Pag nalaman kong tama ang kutob ko. Ako mismo ang tatapos sa kanya.
Tyaka ako ngumiti ng sarcastic

Center BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon