Harry's pov
Limang oras na kaming nag hahanap pero hindi parin namin nakikita si julie. Grabi na talaga ang pag aalala ko.
"Ano nakita nyo na sya??" Tanong sakin ni gaston na hinihingal pa.
"Hindi pa nga eh' inikot na namin ang lugar na to"
"Guys! Nakita nyo na??"
walang sumagot kay melman kaya bigla nyang sinuntok ung puno sa gilid nya.
"Sa mga itsura nyo. Mukhang hindi nyo pa sya nakikita. San ba kase nag punta yun si julie"Asan kana ba kase julie??
Julie's pov
Teka...asan ako. Minulat ko ang mata ko ng dahan dahan at nakita ko ang isang lalaki.
"Si-sino ka??"
"Mas mabuting wag mo nalang alamin"
"Teka.. anong ginagawa mo??"
Lumapit sya sakin at tinitigan nya ko. Ung mata nya unti unting nagiging red at hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kanya.Hanggang sa hindi ko na alam ang ng yayari. Nawawala na ko sa sarili ko at nawalan ng malay.
Ta'lon's pov
Ano kaseng ng yari bakit bigla nalang syang nawala.
Bigla nalang akong sinuntok ni harry ng hindi ko alam kung bakit.
Hinawakan nila si harry.
"Hoy! Hindi ngayon ang tamang panahon para mag suntukan kayo" sabi ni gaston habang hawak hawak nya si harry
"Te-teka harry. Ano bang ginawa ko sayo??"
"Sakin wala pero kay julie malaki. Pag may ng yaring masama kay julie sisiguraduhin kong pag sisisihan mo"Pinunsan ko ang dugo sa labi ko.
Panong malaki anong kasalanan ko sa kanya. Hindi ko maintindihan.Sinubukan kong hanapin sya pero wala parin hinanap ko narin pati amoy ng dugo nya pero wla.
Anong ng gagawin ko pag may mang yaring masama kay julie hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Ano ta'lon nakita mo na ba sya??"
"Hindi pa nga eh"
Nang biglang may lumabas sa dilim.
"Ok lang ako"
"Julie" nandito na sya at mukhang ok nga lang sya.Biglang lumapit si julie kay gaston at ang mukha nya ibang iba hindi ko mapaliwag kung ano. May mali sa mga mata nya masyadong walang imusyon.
"Gaston pagod nako pwede mo ba kong iuwi na"
"Si-sige"
Binuhat ni gaston si julie at may pinag bago sa kanya."Te-teka si julie ba yun?"
"Sya nga"
"Pero bakit nya kasama si gaston??"
"Hindi ko rin alam"At gusto kong malaman.
Julie's pov
Napaka dali naman nito.
Napaka dali ko silang paikutin sa palad ko."Mukhang nag sasaya ka. Na kakaabala ba ko"
"Master clark"
"Pasensya na nagulat ba kita"
"Hindi naman po"
Lumapit sya sakin at hinawakan nya ang baba ko
"Masaya ka ba sa ginagawa mo??"
"Lahat ay umaayon sa plano"
"Mabuti pag patuloy mo lang ang ginagawa mo"
"Masusunod"Umalis sya ng nakangiti. Tapos biglang pumasok si harry.
"Ha-harry anong ginagawa mo dito"
"Kakamustahin lang kita"
"Ito ok lang"
"Ahhh ok. Labas na ko"Tumalikod sya at lalabas na sana sya.
"Teka harry"
"Bakit??"
"Sigurado ka bang yun lang ang pinunta mo dito"
"What do you mean??"
"Diba pumunta ka rito dahil sakin"Hinawakan ko ang dibdib nya at dahan dahan ko syang hahalikan. Pero nilayo nya ko.
"Teka kala ko ba gusto mo ko??"
"Oo pero hindi ikaw to. Hindi ka ganto dati"
Tumawa ako at ng may pag ka sarcastic
"HAAA! Nag papatawa ka ba. Ako parin to si julie"
"Siguro nga"Tapos lumabas sya. Medyo na bad trip ako dun parang sya lang ang mahirap maikutin. Masmabuti pang mawala sya.
Mga ilang minuto ay lumabas ako para tignan kung anong ginagawa nila.
"Oh! Julie. Mabuti naman lumabas kana"
"Mukhang na miss nyo ko ha"
Bakit ba kase kailangan ko pang maki halobilo sa kanila."Mabuti pang bumaba ka na dito"
Bumaba ako para samahan sila.
Nang naka upo na ko ay bigla sumakit ang ulo ko.
"Teka julie ok ka lang ba"
Ano to bakit ganito ang pakiramdam ko.
Teka nahihilo ako na giging dalawa sila hanggang sa mawalan ako ng malay.Ta'lon pov
Nawalan ng malay si julie at nag alala kaming lahat.
"Ano bang nang yayari kay julie"
"Hindi ko rin alam"
Anong gagawin namin. Ano ba kaseng nang yayari kay julie."Hayaan nyong ipaliwanag ko"
Nag tinginan kaming lahat sa taas at nakita namin ang isang lalaking naka upo sa hawakan ng hagdan."Sino ka at anong ginagawa mo dito??"
"Ahh! Ako ba hayaan nyong sya ang mag paliwanag" tapos bigla nyang pinitik ang mga daliri nya tapos bigla nalang tumayo si julie at ang mga mata nya parang nawalam mg kulay walang buhay."Master clark" ng hahawakan ko si julie ay bigla nalang syang nawala at napunta sya sa tabini clark.
"Nag lilingkod ka ba kay marshell??"
"Actually hindi"
"Pero bakit mo to ginagawa??"
"Hindi naman pwedeng kayo lang ang makinabang sa kanya"Tapos humarap sa kanya si julie at hinawi ni julie ang buhok nya pakabila.
At bigla nalang syang kinagat ni clark at dahil sa kagat ni clark ay ng hihina si julie."Tigilan mo yan. Pinapatay mo sya"
Sigaw ko sa kanya.
Susugod sana ako pero pinigilan ako ni harry.
"Anong ginagawa mo"
"Pag ginawa mo ang binabalak mo lalong mapapahamak si julie"Nang mawalan ng malay si julie ay binitawan nya na ito.
"Tandaan nyo to babalik ako para kunin ang akin"
Nawala sya kaya bigla nalang tumumba si julie.
Nag kakamali ka sa oras na bumalik ka hindi ko na hahayaang makatakas ka pa.
BINABASA MO ANG
Center BLOOD
VampireMay mga bagay na hindi mapaliwanag at hindi kapa ni paniwala tulad ng happy ending o' kahit ang mga magic or what. Maniniwala kaba kung sabihin sayo ng mga classmate mo o' ang kaibigan mo na vampire sila. Ano kaya ang mang yayari kay julie Anne na k...