Chapter 8 [ Cute Niyo ]

682 56 28
                                    


          [ 8: Cute Niyo Kasing Dalawa ]

_________________

[A/N: errors ahead! So please bear with me! Thankies 😘 BTW sorry for the delayed update. ^.^]

_________________

           -  Trixcy  -

       Andito kami ngayon sa Resto ni Dylan, of course si Darian ang nagsuggest na dito na kami mag lunch syempre alam ko na nasa kukuti ng babaetang ito eh.

At tungkol sa sinabi ni Darian kanina sakin na narinig ng amo kong maldito, ay, napahiya siya sa sarili niya, ang chismosa kasi yan tuloy anong napala niya. 'Yung babaeng tinutukoy pala niya kanina na girlfriend ni Jared daw kuno ay kapatid pala ni sir , which is 'yung babae ring tinulungan ko sa mall nung nakaraang linggo. What a big world but a small town.

Ang awkward, kasi sabay kaming apat ngayon na kakain. Ako, si Darian, Jared at si Yesha na kapatid ni Jared. Sabay naraw kaming kumain para makabawi siya, ayaw ko sana pero itong si Darian ay gomura na. Masarap daw kasi pag libre. Tinatanong niyo kung bakit kasama si Jared? Nagpapa-choosy ito kanina, kaya ayon kinaladkad ni Yesha ayaw pa kasi sumama napaka kill joy!

Nang nakita ako ni Yesha kanina ang saya niya, dahil makakatulog na raw siya ng hindi nakakulob sa kama. At treat niya ngayon ito, napakabait na bata unlike to her moody and cold brother malaki depetensiya!

"Di mo sinabi sa'kin kuya na nakikita mo na pala si Trixcy." pagbasag ni Yesha sa nakakabinging pagitan namin.

"The hell I know that she is." walang emosyon na sagot niya naman. Grabe talaga ang cold niya! Pati sa kapatid niya ganyan siya makikitungo? Pero 'yung kagabi sweet naman sila siguro trip niya lang 'to.

"Ang lamig." bulong naman ni Darian, pero 'yung akala mo naman na bulong ay tanging pwet niya lang makakarinig eh pati kami rinig namin. Ang itsura tuloy ni Jared di na maipinta sa subrang sakit nito manitig.

"Whatever! By the way Trixcy na deposit ko na pala sa account mo 'yung nahiram ko, salamat ulit ha at pasensiya ka na." mahinhin pala itong si Yesha, pero nung sa mall ay para siyang witch kung magalit.

"Nako, wala 'yun Yesha nagkataon lang na nagmamadali ako nun kaya napilitan akong tulungan ka." sa totoo lang naawa lang ako sa kanya instead na awa ang sabihin ko ay napilitan lang, syempre baka mabutasan ko 'yung ego niya no.

"Ay, ang bad napilitan ka lang pala. Pero inferness ha, you paid my items without knowing the amount. Hahaha!" sabay pa kaming napatawa. Hindi ako mabait sadyang naawa lang ako sa kanya that time. "Bahala ka na kung bakit, basta para sa akin mabait ka I considered you as a precious  friend dahil sa pagtulong mo sa'kin."

"Psh! Napilitan, sinabi mo pang mabait siya ha!" With all the sarcasm, I'm sure kay Yesha niya ito sinasabi pero ako tinatamaan niya eh! Lokong maldito 'to ah!

"Kuya! Don't say such thing! Tinulungan na nga ako ng tao eh." suway ni Yesha, tama nga Yesha ipaglaban mo'ko. Ajah!

"Tao ba 'yan? Mukha namang mole 'yan eh." Aba't napaka-! Gusto niya yata akong maiinis eh, kahit boss ko'tong kulugong 'to papatulan ko'to eh! Sa tulong na ginawa ko sa kanya kanina ito 'yung igaganti niya? Pshycopat!

"Aba't hoy! Maldito kang kulugo ka, ako mukhang mole? Buti nga akin pisikal lang eh! Sayo ha! Daig mo pa ugali ng tigre sa sobrang sama!" Tiningnan ko lang siya ng masama. Napatawa nalang si Darian at Yesha, hindi ko alam kung ano pinagtatawanan nila basta ako naiinis na.

"What? Did I heard you call me kulugo? Itong mukha kong ito kulugo? Damn you!" napailing pa siya. Hindi makapaniwala.

"Hindi ka pa naman siguro masyadong binge diba? Well, you heard that right?!" sabay kong cross ng braso ko at ni'roled ang mata. Magtataray ako kahit ngayon lang, wala akong pake kung ano sasabihin ni Yesha basta naiinis ako sa kuya niyang immature!

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon