Alex's POV
"Hello bunch!" Bati ko kay Darian nang sinundo ko siya. Pero ang layo lang paningin niya, parang may iniisip siya.
"Bunch, okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong.
"Huh?" Parang wala sa sarili niyang sabi. "You look worried, what happened?"
"Bunch!" Saka siya tumayo sa sofa at pinalupot ang kamay niya sa braso ko at hinila ako palabas ng kompanya ni Jared.
"Bunch, diba sabi mo bestfriend kayo ni Jared- ahh I mean Jiro noon?"
"Until now. Why did you ask?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Pumasok naman kami kotse.
"Alam mo may mali kanina eh." Natigilan naman ako."Anong ibig mong sabihin?"
"Nawala ni Trixcy ang cellphone niya noong nakaraang araw tapos kanina may lalaking nakahelmet na nagbigay sa akin ng isang maliit na box, pero Trixcy naman ang nakalagay na pangalan sa box kaya binigay ko'to kay Trixcy. Nang buksan namin ay cellphone niya na ang nandoon pero ang pinagtataka ko, may pictures nila ni Jared na magkasama at halatang nasa malayo ang kumaha ng mga pictures na 'yun." kumunot naman noo ko sa kwento niya.
"Continue."
"Tapos parang nawala ang saya ni Trixcy at Jared nang makita nila 'yun pagkatapos. Bakakalito nga eh, ano bang sa likod ng picture na yun at parang alam nila na ano yun?"
"Malamang pictures, kakasabi mo nga lang eh."
"Lanjo ka talaga!" sabay niya ko sinabunutan.
"Aray! Ano ba Darian nagmamaneho ako!" Suway ko sa kanya.
"Alexuis Foreman, seryoso din ako!" Natawa nalang ako sa reaksiyon niya.Ayaw ko lang naman na iniisip niya yun dahil parang ang delikado kung makikialam pa siya. Ayokong madamay siya sa gulong 'to.
"I think he's back."
"Sino?"
"Better not know about it, Darian."
"Tssk! Gusto ko lang naman malaman eh." Di ko na siya pinansin at tahimik na akong nagmaneho. Nag-aalala na ngayon si Jiro, parang kagaya lang noon ang mga pangyayari.
Hinatid ko muna si Darian sa bahay niya, which is magkasama naman sila ni Trixcy sa iisang bahay.
"May pupuntahan ka pa ba, Alex?"
"Uhmm." I nodded."Mag-ingat ka." at pumasok na siya sa loob. Nagtungo naman ako sa office ni Jiro.
Jiro / Jared's POV
Nandito parin ako sa office kahit alas otso na ng gabi. Iniisip ko parin ang nangyari kanina. Kailangan kong mahanap agad kung sino ang may gawa nito. Kikilos na ako bago pa nila ako maunahan.
Hawak ko ngayon ang cellphone ni Trixcy, habang tinitingnan ko ito ay iniisip ko kung paano ko hahanapin ang may pakana nito. It's just one simple threats, but I can't help myself to worry. Paano kung sa simpleng pictures na'to mapapahamak si Trixcy, hindi ko na hahayaan pang mangyari ulit yun.
"Sabi ko na nga ba at nandito ka pa." Naputol ang pag-iisip ko nang bigla nalang pumasok si Alex sa office ko at diretsong umupo sa upuan na nasa harap ng table ko.
"What brought you here?" I said.
"I heard from, Darian." Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"So?" Walang gana kong sabi.
"Umalis ka na." kinakunot naman ng noo ko ang sinabi niya. Is this Alex?
BINABASA MO ANG
Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]
Romance[ COMPLETED ] UNEDITED Bumped Into Arrogant Gangster Book 2 Read the Book 1 if you want! Kamsahamnida! Hanggang kailan kaya maghihintay at aasa si Trixcy na babalik si Jiro? Pag bumalik ba siya ay gaya parin ba ng dati ang relasyon nila? O m...