Trixcy's POV
Nagising ako sa ingay ng isang batang lalake, hindi ko alam kung saan nanggaling ang tawa ng batang 'yon at wala naman akong interes na alamin 'yun. Teka...
Napabangon agad ako sa kama at iginala ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Hindi ko kwarto 'to! Mabilis naman akong tumayo at lalabas na sana nang maalala kong bahay nga pala ito ng parents ko.
Stupid Trixcy, stupid!
Napatawa nalang ako mag-isa. Tssk! Baliw na yata ako? Dito nga pala ako dumiretso kagabi at hindi ko alam kung bakit? Mababaliw pa yata ako nang maalala ko ang nangyari kagabi.
'FLASHBACK'
Pagkatapos kong sabihin ang huling linya 'yun ay agad akong lumabas ng coffee shop dahil parang nahihiya na nagagalit ako sa sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang pahalagahan at suklian ang nagawa ni Dylan. Ang hirap sa parte ng kunsensiya ko.
Pagkalabas na pagkalabas ko do'n ay di ko inaasahang may biglang humigit sa braso ko at saka kinagulat ko nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
'Dylan, anong ginagawa mo? Ayoko ng mga ginagawa mo dahil mas pinahihirapan mo lang akong mag-isip kung paano ka lalayo sa'kin?'
Bigla kong naisip 'yun nang mayakap niya ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Naipikit ko na lamang ang aking mata at ikinuyom ang aking mga kamay.
'Anong gagawin ko Dyl? May pinagsamahan rin tayo, naging magkaibigan tayo sa apat na taon na 'yun. Bakit ganito? Parang iisipin ko pa lang na hindi kita mahal nararamdaman ko na ang sakit na darating sayo.' kung pwede ko lang sanang diktahan ang puso ko.'
"Kung ano man ang gusto mo, hindi ko magagawa dahil nakayanan ko ngang manatili sa tabi mo nang apat na taon, kakayanin ko rin kahit gaano pa 'yan katagal." Natigilan naman ako sa sinabi niya, at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Malungkot, mahirap, guilty at masakit rin to para sa'kin. "I can't let you go like this Trix, isa lang ang hinihiling ko ang hayaan mo akong iparamdam sa'yong mahal kita. Hanggang sa magsawa ako at ako na ang kusang lalayo sayo." usal niya at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa'kin.
'Dylan tama na, please...'
"Sabihin mo ng obsess ako pero, ito 'yung nararamdam ko. Hindi ko magawang pigilan kahit anong pilit na gawin kong paraan. I can't go." at ikinalaki naman ng mga mata ko ang paghalik niya sa buhok ko.
'Nakakadalawa ka na ahh!'
Di katagalan ay kusa rin siyang bumitaw sa'kin at hinawakan ang pisngi ko, dahilan para magtama ang mga mata namin.
"Hindi yata ako magsasawang gawin 'to?" nakangiti niyang sabi.
Iniwas ko naman ang paningin ko ang hinawakan ang kamay niya para mabitawan niya ang pisngi ko at tiningnan siya ng seryoso.
"Pag sinabi kong tama na tama na Dyl, you're not stupid aren't you?" hindi ko mapigilang mainis.
"I'm stupid? I think yes.'" tatangu-tango pa siya "kasi kahit alam ko ng hindi naman ako ang mahal mo, ito parin naman ako habol ng habol sa'yo kahit alam kong nasasaktan na ako. I am that stupid, Trix. I don't know how to give up on you." kitang-kita ko namang pigil ang luha niya nang sinabi ito.
Napapikit na lamang ako, hindi ko alam kung paano mag react sa sinasabi niya. This really crazy!
BINABASA MO ANG
Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]
Romance[ COMPLETED ] UNEDITED Bumped Into Arrogant Gangster Book 2 Read the Book 1 if you want! Kamsahamnida! Hanggang kailan kaya maghihintay at aasa si Trixcy na babalik si Jiro? Pag bumalik ba siya ay gaya parin ba ng dati ang relasyon nila? O m...