Chapter 23 [ Who is Jiro? ]

562 26 22
                                    


- 3rd Person -

"Jared saan ka pupunta?" Tanong ni Ezekiel nang matapos kasing kumanta si Jared ay akmang lalabas siya, dahil nakita niyang pinilit ni Dylan si Trixcy na sinama palabas.

"Ha? Sa labas may client kasi na tumawag sasagutin ko lang." Palusot niya pa.

"Ahh, balik ka ha!"

"Sige." At nagmadali na siyang lumabas, sa paglalakad niya palabas ay tinitingnan niya ang bawat paligid sakaling makita ang kanyang hinahanap. Sa di kalayuan ay may naririnig siyang boses ng isang babae.

"Dylan akala ko klaro na sayo ang lahat?"

"Akala ko rin Trix pero di ko mapigilan eh, di ko pala kaya." sabay hinawakan ni Dylan ang kamay ni Trixcy, pero agad rin itong naiwas ni Trixcy.


Nakita naman ni Jared at narinig ang pinag-uusapan ng dalawa. Lalapit sana siya para makompirma ang nangyari sa dalawa. Naglakad na siya palapit nang biglang sumagot si Trixcy kay Dylan.

"Dylan  nadala ka lang sa emosiyon mo, bukas na natin ito pag-usapan." akmang aalis na siya nang bigla siyang hinigit ni Dylan sa wrist at agarang hinalikan na ikinagulat naman niya.


Ikinahinto niya ang ginawang paghalik ni Dylan kay Trixcy. Dahan-dahan siyang umatras at tumalikod hindi niya malaman kung ano ba talaga ang kanyang nararamdaman ngayon. Nanginginit ang kanyang buong katawan at nanatiling nakatayo.

Agad naman na itinulak ni Trixcy si Dylan kasabay nito ang malakas na sampal.

"Dylan what's wrong with you!" Nangingiyak niyang sabi. "Why did you do that?"

"Dahil mahal kita, Trixcy mahal na mahal kita hindi mo ba talaga nahahalata? Hindi ko alam ang gagawin ko dahil, hindi ko na kayang tingnan ka lang habang titig na titig ka kay Jared." 

"Ano bang koneksyon ni Jared dito? Nagkakaganyan ka lang ba Dylan, dahil kay Jared?" Nakakunot noo niya na tanong dito habang dahan-dahan parin na tumulo ang luha niya.

"Ano nga bang pinaglalaban ko diba? Di mo naman ako magawang mahalin, dahil simula ng dumating si Jared iba kana. Nararamdaman ko 'yun."

"Dylan naiinis ako sa'yo ngayon! Bakit mo ba 'yan sinasabi? Dylan magkaibigan tayo, pero parang iba kana ngayon?" nanggigil na sa inis si Trixcy.

"Oo, mainis ka lang! Naiinis din ako sa sarili ko eh! Naisip ko kaya hindi mo man lang magawang tumanggi kay Jared at di maalis ang tingin, dahil kamukha niya si Jiro at iniisip mo na siya si Jiro. Nararamdaman ko 'yun Trixcy eh! Apat na taon na pero bakit di mo siya magawang kalimutan?" This time tumulo na ang luhang kanina pa pinipigilan ni Dylan.
"Hanggang kailan kaba aasa na babalikan ka pa niya? Kung mahal ka niya di ka niya iniwan o binalikan ka na sana noon pa!" Para namang nanigas si Trixcy sa sinabi ni Dylan at di niya ng magawang magsalita.

"Ganyan ka ba talaga?" Nasaktan si Trixcy dahil sa mga nasabi ni Dylan, di niya na alam ang isasagot kaya pinili niya na lamang na umalis at iwan si Dylan.

"Trixcy, I'm sorry!" hinabol niya pa ito at hinawakan ang kamay pero pumiglas din ito.  Hindi na siya pinansin at pumara na ng taxi si Trixcy at umuwi. Imbis ay magsaya sila ito, at luha ang kanyang dala-dala.

Narating ni Trixcy ang kanyang bahay, walang lakas niyang binuksan ang pinto ng kanyang kwarto isinara ito at napasandal, sabay na napahawak sa kanyang ulo ang magkabila niyang kamay.

"Siguro tama si Dylan." Binuhos ni Trixcy ang lahat ng kanyang luha, dahan-dahan siyang napaupo sa sahig, nag mukha na siyang batang iniwan ng ina.

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon