Chapter 44 [ Troubled ]

351 13 0
                                    

Darian's POV 


"Naks! Ganda ng umaga natin ah?" Nakangiting bungad ko kay Trixcy nang makababa siya.

"Maganda kasi ako." Sabay pa siya nag flip hair. Aba! Aba! Kailan pa naging mataray ang babaeng 'to? 

"Esshhh! Sira na Trixcy, sira na ang umaga ko." Bara ko sa kanya.

"Grabe naman 'to!"

"Aray! Lakas ng pagkapalo mo sa braso ko ah!" Reklamo ko. Nabitawan ko tuloy yung tinidor.

"Hehehe! I love you, Dars!" saka niya ako niyakap. This is not the Trixcy that I know before. Hindi siya ganito kasaya, hindi siya ganito magsorry hehe at lalong hindi siya ganito sa akin. 

Hindi kaya!

"Trix, tibo kaba?" Out of nowhere kong tanong. Napabitaw naman siya at binatukan ako. "Aray!"

"May boyfriend na ako, Darian at isa pa bakit mo namang naisipang tomboy ako eh sa ganda kong 'to?" Agad ko naman siya na pina-upo.

"Kumain kana, Trixcy, baka gutom lang yan. Sige na 'wag kana mahiya." Kumunot naman noo niya. 

"Hehehe! So how's the date with Mr. De Guzman last night Ms. Monton?" Taas kilay kong tanong. 

Aba, ang sweet kaya nila kahapon sa office may kiss-kiss pang nalalaman, ang PDA kaya nila, pero kinikilig ako! Pero kawawa naman yung si kuya Carlo, huhuhu pinagkaitan na nga mukha, binigyan naman ni Jiro ng design yung mukha. Naawa talaga don.
Pero buti nga yun sa kanya ang rude niya kaya kahapon. Kung ako non nah! Baka tinapon ko na yung bolkan.

"Hmmm... Okay naman hehehe!" Natitili pa niyang sabi. Waahh! Ang daya kinikilig pa rin siya hanggang ngayon at nahahalata ko yun.

Waahhh!! Sa tagal kong naging kasama si Trixcy, ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya. 

I mean, yung brightness sa mukha niya ngayon at ang blooming niya tapos hindi mawala-wala ang ngiti niya. Ang sweet naman kasi si Jiro, si Alex puro kasi kamanyakan pero love ko naman hehehe.

"Okay? Baka sobrang okay na okay!" 

"Hahaha! Ano ba!" Eh? Tapos abot tenga ang ngiti niya. Waahhh curious na talaga ako mga ngiti niyang niyan. Para siyang praning kung tingnan tapos may kagat-kagat pa ng lower lip. Naiinggit tuloy ako. *pout*

*Beep! Beep!* 

"Nandiyan na yata siya. Hehehe! Mauna na ko sayo Darian ha. Bye!" At nagmadali na siyang umalis. Wow! As in Wow! Iwan ba naman akong mag-isa dito? Huh! 

- * - 

"Bunch!" Masigla kong bati kay Alex nang sinundo niya ako dito sa building na pinatatrabahoan ko para mag lunch. 

"Bunch." Tapos hinalikan niya ako sa noo. Yiee! Haha! "For you." Sabay niya bigay sa akin ng isang boquet ng red roses. Ugh! I hate red pero dahil bigay ng mahal ko, gusto ko hehe! 

"Thanks!"

"Thanks? That should be I love you. Hehehe" 

"Edi I love you!" Sagot ko nalang.

"Tsk! Napilitan ka lang eh!" Nakapout pa siya. Aba't kailan pa marunong mag pout ang isang 'to. Pero ngumiti parin ako kasi naman ang cute niya haha!

"I love you, bunch." Sweet kong sabi sabay halik sa pisngi niya. 

"Bunch, yung puso nagpaparty!"

"Sira! Tara na nga!" 

Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang magtaka dahil kanina pa balisa itong kasama ko. 

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon