Trixcy's POV
Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang magkausap kami ng taong kinalilituhan ko hanggang ngayon. Jiro.
Bumalik na rin ako sa pamilya ko at doon ko lang nalaman ang lahat ng nangyari sa akin, at totoo ang sinabi ni Jiro nang umagang 'yon. Noong umagang nagkausap kami at sinabi niya susunduin ako ng family ko ay totoo nga ang nangyari. Akala ko noong una ay nag jojoke lang siya na may daddy ako, pero totoo pala bumalik ang daddy ko limang taon na ang lumipas.
Umalis na rin ako sa Laguna at nakapagpaalam na ng maayos sa pamilyang nag magandang loob na tinulungan ako. Bilang pasasalamat ay ipinasok namin si Niña sa kompanya ni daddy, doon siya pinatrabaho ni dad as a return for helping me. Ayaw kasi nilang tumanggap ng pera kaya 'yon nalang. Mababait naman sila at naging masaya naman ang pag stay ko sa tahanan nila.
Sa ngayon ay wala parin akong maalala, ewan ko ba nawawalan na nga ako ng pag-asang maalala ang lahat. Hindi ko nga nalaman na may anak na pala si Sophia at si Joshua ang asawa niya which is bestfriend ni Jiro. Nag migrate na si Sophia at Joshua sa London, dahil na rin sa business nila. I can't deny na naiinggit ako kay Sophia kasi may asawa na siya, habang pinagarap lang namin na dapat sabay kaming ikasal pero nauna na pala siya.
Marami pala akong taong nakilala, kweninto pa nila na kaibigan ko raw si Darian na naging fiancee ni Alex na kaibigan din ni Jiro, umiyak pa nga siya dahil bakit daw nasali siya sa taong kinalimutan ko, pero tinawanan ko lang siya. Nabanggit din nila si Dylan, hindi ko 'yon nameet ngayon dahil sumunod daw ito sa parents niya sa Singapore pagkatapos ng insidente. Naging manliligaw ko daw siya ng dalawang taon, pero hindi ko raw ito sinagot dahil ayaw ko sa kanya at bestfriend lang talaga ang tingin ko. Ganyan ba ako kasama dati?
Si Fyzer naman masaya na medyo naiiyak, madaya daw ako kasi kinalimutan ko siya. Para siyang bata. Pati na rin si Rocky, may ike'kwento daw sana siya pagbalik ko pero nang malaman niyang hindi ko siya kilala mas nasaktan daw siya imbes na masaya siya. Pareho sila ni Fyzer umaakto na parang bata, no doubt magkakasundo sila.
Si Xander naman daw ay admirer ko dati, natawa lang ako kasi nang sabihin ni Rocky 'yon ay nag walkout si Xander. Si Andy naman ay wala daw akong dapat malaman kasi hindi daw kami close sa simula palang pinsan siya ni Jiro na ayaw sa akin. Pero si Julio siya daw 'yong corny magjoke noon, madalas daw siya nagjojoke pag nagagalit si Jiro. Speaking of Jiro, tatlong araw na rin ng hindi ko siya nakikita. Pagkatapos nang umagang 'yon, hindi na siya nagpakita pa. Naguilty ako sa mga sinabi ko sa kanya ng mga araw na iyon. Hindi kasi ako nagpigil eh! Kasalanan ko.
Nagmakaawa ako sa kanila na ikwento rin kung sino si Jiro pero lahat sila natahimik at ayaw na magsalita. Nakakalungkot lang kasi parang ang laki ng utang na loob ko sa taong 'yon. Parang sinasabi ng sistema ko may responsibilidad ako sa kanya at parang may mali rin sa nararamdaman ko. Sabik ko ng maalala ang lahat pero ang sabi ng doctor, wala na silang ideya kung maibabalik ko pa ba ang nawawalang memory ko.
Gusto kong malaman kung sino si Jiro, he's stranger for me and in my mind but something in my heart that he's someone to treasure.
- * -
"Hoy, Fyzer sabihin mo na kung sino si Jiro, please..." Sinundot ko si Fyzer sa tagiliran habang nagpupumilit ako na ikwento niya. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop kung saan ako ang nakipagkita sa kanya. I tried to pursue Rocky na sabihin sa akin pero tinatalikoran niya lang ako at si Fyzer nalang ang pag-asa ko.
"Trix, bakit mo ba gustong malaman ang pagkatao ni Jiro?" Parang naiinis niyang tanong at napakamut sa ulo niya. "Ang hirap naman kasi eh!"
"I'm curious, nag-iwan kasi siya ng katanungan sa isip ko bago siya umalis. Sige na, Fyzer." Parang bata kong makaawa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]
Romance[ COMPLETED ] UNEDITED Bumped Into Arrogant Gangster Book 2 Read the Book 1 if you want! Kamsahamnida! Hanggang kailan kaya maghihintay at aasa si Trixcy na babalik si Jiro? Pag bumalik ba siya ay gaya parin ba ng dati ang relasyon nila? O m...