[Note: Once again, I'm sorry for the super late UD! I don't want to explain because you did not bother to ask me, then HAHAHA! BTW, Vote and comments are highly appreciated from my brain cells and back bone LOL! ]
Trixcy's POV
"I love you." sabi ko ito sa kanya ng may ngiti sa labi ng napakatamis. Kumikinang ang mukha niya, napakagwapo.
"I love you too, Trixcy."
"Mahal na mahal kita." dahan-dahan namang lumapit ang mukha niya sa akin.
"Mahal na mahal din kita. Hoo! Wiki-wiki!" Napadilat naman ako ng mata nang marinig na babae ang sumagot nito. At kinagulat ko naman nang bumungad sa akin ang maputing mukha mabilis naman akong napasigaw.
"WAAHHHHHHHH!"
"KYAAHHHHHHHH!" Paulit-ulit akong sumigaw.
"Aray! Bakit mo pinitik noo ko?" inis kong sabi. Tinanggal niya naman agad ang nakatakip na puting mask sa mukha niya at saka siya tumawa ng tumawa.
"HAHAHA! Ano ha, masarap ba panaginip natin? May pa 'I love you, I love you ka pa huh!' Shemay ka Trixcy, ano kinilig ka pa ba?" Pang-aasar niya.
"Tsk!" sabay ko naman siya iniwan at bumaba na ako. Nang makababa ako ay nakita ko sina Joshua, Sophia, Alex, Rocky at Fyzer na nakaupo sa sala.
"Gising ka na pala, Trix." Saad ni Rocky dahilan para mapatingin silang lahat sa'kin.
"Oo, gising na si sleeping beauty, mukhang nag de'day dreaming pa nga eh." Sagot ni Darian na ngayon ay nasa likoran ko na. Tsk! pahamak talaga ng moment ang babaeng ito.
"Tsk! Shut up." pagtataray ko sa kanya at tumabi ako kay, Rocky.
"Gash! Kakagising mo lang tatabi ka agad sa'kin? Aissh!" para pa itong nandidiri.
"Aba! Ang arte nito, hindi ako galing sa uma para mandiri ka ng ganyan sa'kin. Bakla! este Torpe pala, torpe!" sabay ko siyang inirapan. Sanay naman akong harapin sila ng ganito para saan pa ang pagkakaibigan kung itatago ko ang amoy kong kakagising lang diba? Itong si Rocky kasi, maarte lang talaga at mahilig mang-asar. Palibhasa di kayang pagtripan si Darian. HAHAHAHA Torpe!
"Anong- hoy Trixcy... wag kang magkalat dito." bulong niya sa akin.
"Hala! Ano 'yan? May sekreto kayong dalawa huh!" Inis na sabi ni Sophia.
"Hehehehe..." sabay akong nagpeace sign sa kanya na ngayon ay naka pout na.
"May nagugustohan na ba ang, mabato? HAHAHA!" pang-aasar sa kanya ni Fyzie na tumatawa pa at nakahawak sa tiyan niya. Tsk! Kahit kailan talaga napakabaliw niya.
"Shut up, Fyzer!" at aksyong sisipain niya ito. Hinawakan naman nila Joshua at Alex si Fyzer sa magkabilang braso, napasigaw naman ito.
"Waahhh!! Wag niyo ako gahasa-in!" sigaw ni Fyzer na may kasamang nakakabaliw na galaw, para talaga siyang gagahasain sa kilos niya ngayon. Napa make-face naman ang tatlo saka aksyong tatadyakan ulit siya ni Rocky.
Ang kukulit at ang shu-shunga parin nila.
"Hmmp! Tama na nga 'yan, para kayong mga sira-ulo, ang aga-aga eh." sabay hawak ni Darian sa balikat ni Rocky para pigilan ito. Natahimik naman siya sabay napatingin sa kamay ni Darian na nasa balikat niya, nakita ko pa ang sunod-sunod na paglunok niya at lumipat ang tingin kay Darian. 'Gasshh!! Rocky, ang obvious mo naman kiligin!' Hahaha!
"Oh! Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Malditang saad ni Darian na nakataas pa ang kilay.
'Sige lang, Dars sungitan mo pa!' sabay ako napatingin kay Alex na ngayon ay nasa kanila lang rin ang tingin actually kaming lahat.
Sana ako lang ang nakakahalata na namumula si, Rocky!
"Pssh! Yuck, 'wag mo nga akong hawakan! Grrr!" kunwari nandidiri pa ito.
Anak ka ng teteng, Rocky!
"Pfft! Asa ka namang hahawakan kita! Wag nga kasi assuming, Rocky. Alam mo pinigilan lang kita, uulitin ko pinigilan lang kita." Sabay niya smirk at umupo sa tabi ko.
"Pssh! Palusot!" He muttered. Tsk! Tsk! Poor, Rocky.
"Alam niyo kayong dalawa, bihira ko lang kayong makita na mag-uusap at sa ganyang paraan pa!?" Umiling na lamang si Fyzer.
"Minsan? Eh palagi ngang nang-aasar ang mabato na eh!" Darian
"W-what? Hey, bakit ba tinatawag niyo kong mabato, ha!?"
"Ang slow mo, Rocky edi mabato pangalan mo naman 'yan eh! Hahahahaha!" Nakitawa na rin ang lahat kay Fyzer.
Si Rocky naman di na maipinta ang mukha sa inis, ikaw ba naman pagtulongan ng lahat.
"Maiba tayo, Alex diba may sasabihin ka?" Tanong ni Joshua
"Onga, naiba lang ang usapan nang dumating 'tong mga 'to eh." Sabay turo sa'min ni Sophia.
"Aba, sising-sisi naman ako Sophia!" Darian
"Ang iingay niyo talagang mga babe, patuloy mo nga Alex." Rocky
"Nagsalita ang maingay mong pwet!"
"Hey, stop arguing! Alam niyong may sasabihin 'yung tao eh!" Suway ko sa dalawa, kung nakakayaman lang sana ang pag-aaway ng dalawa edo sana hahayaan ko sila. Palibhasa 'tong Rocky na'to torpe, si Darian namang manhid! Tsk!
Hindi naman siguro unfair kung nasa side ako ni, Rocky at hindi kay Alex hahaha akin-akin lang naman eh!
"That's what I like about you, Trix." Sabay kindat ni Fyzer sa akin.
"Aish! Isa ka pang epal eh!" Sabay ko siyang binatukan.
"Nagbibiro lang eh."
"Hahaha! Pag narinig ni Jiro yung sinabi mo Fyzer, nako baka nasa labas ka na ngayon!" At nagtawanan ang lahat.
'I really missed him.' napatingin na lang ako sa ibaba.
"Hoy, guys may sasabihin si Alex. Sige na Alex ano 'yun?"
Sabay na natahimik ang lahat. Alam kong nakatingin silang lahat sa akin ngayon. Hinihintay nila akong magsalita, maybe?
"Ehem! It's about, Xander."
Sabay-sabay kaming napatingin kay, Alex.
"What about him?"
Matagal ng nakalabas mula sa preso si Xander, ang akala ko magpapakita siya amin dahil malaya na siya pero nalaman nalang namin na lumipad agad siya sa ibang bansa. Nakakalungkot lang dahil sa tagal niyang hindi nakita ang ina at kapatid niya.
"Babalik na siya dito."
Nabuo naman ang ngiti sa mga labi ko. Finally!
"Kailan?" Mas excited pa ako sa kanila. Hahaha
"Sa susunod na araw, at doon tayo sa resort ko."
"Masaya ako para sa kanya, at least ngayon maihaharap niya na ang sarili sa atin." May mga ngiti na sabi ni Rocky.
Nahihiya si Xander na magpakita sa amin ulit dahil kagaya ko, we're blaming ourselves of what happened few.years ago.
"Tungkol sa party ni Ezekiel at Yesha bukas, invited din ba kayo?" Nagtatakang tanong ni Sophia. Nagkatinginan naman ang lahat.
BINABASA MO ANG
Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]
Romance[ COMPLETED ] UNEDITED Bumped Into Arrogant Gangster Book 2 Read the Book 1 if you want! Kamsahamnida! Hanggang kailan kaya maghihintay at aasa si Trixcy na babalik si Jiro? Pag bumalik ba siya ay gaya parin ba ng dati ang relasyon nila? O m...