3rd Person
"I love you, babe!" masiglang sabi ito ng nobya sa kanya.
"I love you too, babe." sabay niya ito hinalikan sa noo at inakbayan. Masayang naglalakad ang magkasintihan ngayon papunta sa isang park. Ala sa'is na rin ng hapon nang mamasyal sila kaya medyo madilim-dilim na.
"Babe, saan mo gusto kumain, huh?" nakangiting tanong ng nobyo.
"Kahit saan babe basta komportable akong kasama ka." hindi naman mawala-wala ang ngiti ng babae habang baglalakad sila. Hindi niya maipaliwag ang saya.
"Sige, dadalhin na lang kita sa romantikong restaurant at pagkatapos mamasyal tayo sa park." Masayang sagot ng lalake sa kanya, sabay kinurot ang pisngi nito. Namula naman ang babae.
"I like that, wait taxi!" malayo pa ang taxi ang pinara na nila ito nang may biglang humintong navy blue na van sa harapan nila. Sa sobrang gulat ay agad na pumaharap ang lalake sa van na kasabay nito ang pagbaba ng mga taong naka-itim na maskara. Marami-rami ang mga ito kaya kinakabahan at bakas ang takot na namumuo sa pagitan ng magkasintahan.
"B-babe, s-sino s-sila?" nanginginig sa takot na tanong ng babae.
"We've been searching for you so long, at ang hirap mo nga naman talagang hanapin!?" nang makababa ang isa sa mga ito at sumunod naman ang iba pang mga kasamahan. Kumunot naman ang kanyang noo at dahan-dahan sila na napaatras.
"At anong kailangan niyo sa'min?!" Pigil na inis na tanong niya.
"Sa amin?" may diin pa ito at napabungis-ngis. "Ang totoo 'ikaw' lang ang kailangan na'min, but since na may kasama ka pala, bakit di nalang natin siya isama, para mas masaya?" Nakakatakot ang paraan ng pananalita ng lalakeng di makilala dahil sa nakatakip ang mukha nito at tanging bibig lang at mata ang makikita sa kanila.
"Ba-babe, natatakot ako." naiiyak na sabi nito. Napalingon naman siya sa girlfriend niya at tumingin rin pabalik sa mga taong humarang sa kanila. Nasa sampo ang mga bilang ito.
"Mga brad, kung ako lang ang kailangan niyo, ako lang ang isama niyo. Sasama ako pero," at lumingon siya sa girlfriend niya. "Wag lang siya." at bumalik ulit ang tingin niya sa mga ito.
"Woah! Hahaha it's hero!" at nakisabay namang tumawa ang mga kasama niya. "That's really sweet!" at nawala ang tawa nito at napalitan ng seryosong mukha at galit na tingin. "Pero hindi ako nadadala sa pakiusap. Sige, ikarga ang dalawang 'yan!" ma-awtoridad niya na utos sa mga bata nito. Agad naman na sumunod ang iba pero lumaban pa ang lalake at bakipagsuntukan ito sa mga taong humarang sa kanila.
"Ang sabi ko sasama ako mag-isa!" Galit niyang sigaw sabay sipa sa dibdib ng lalakeng papunta sa kanya at sinabayan ito ng sapak sa panga at sinipa ito sa leeg. Tumba.
"Wag niyo lang idadamay ang girlfreind ko!" sigaw niya ulit. At sabay-sabay na sinipa at sinapak ang tatlong lalake na sumugod sa kanya at sinapak pa ang isang pasugod palang, sasapakin sana siya pabalik nito nang yumuko siya at pumunta sa likoran ng kalaban sabay na binaliktad ang kamay nito patalikod, saka ito sinipa sa tuhod at binale ang kamay. Sapol!'
Halos mapatumba niya na ang lahat at hindi niya na namamalayang hawak na pala ng kalaban ang nobya niya.
"Lalaban ka pa ba, huh? O mamamatay muna ang girlfreind mo?" lumingon naman siya nang magsalita ang isang may hawak sa babae habang tinutukan ito ng baril. Umiiyak na ang babae at nanghihina na dahil sa takot. Nakaramdam naman siya ng galit at inis sa lalakeng may hawak dito.
BINABASA MO ANG
Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]
Romance[ COMPLETED ] UNEDITED Bumped Into Arrogant Gangster Book 2 Read the Book 1 if you want! Kamsahamnida! Hanggang kailan kaya maghihintay at aasa si Trixcy na babalik si Jiro? Pag bumalik ba siya ay gaya parin ba ng dati ang relasyon nila? O m...