Chapter 47 [ Danger ]

220 8 0
                                    



Dylan's POV


"'Wag na 'wag kang magkakamali, mr. Fernandez." Pagbabanta ni Amethyst sa akin. Nandito kami ngayon sa loob ng van habang nakapark dito sa harap ng Guan Company.

"I'll go now." Hindi na ako sumagot at tahimik lang na umupo dito habang namasid sa exit ng Guan Company.


- * -


"No, wait!" Napalingon naman silang dalawa sa akin.

"Promise me you won't hurt, Trixcy." Kita ko ang paglaki ng mga ngiti nila.

"Don't worry, darling. We won't harm her." At tumawa ng malakas si Amethyst.

I'm sorry Trixcy, sana mapatawad mo pa ako. Sorry kung ako ang magiging dahilan nang pagkawala ng kasiyahan mo. I'm sorry.


-


Nakaupo na ako ngayon sa isang sofa at nakatingin lang silang dalawa sa'kin.

"Ako na bahalang magpalabas kay Trixcy at ikaw naman ang bahalang dalhin siya dito nang walang ingay." Simula ni Amethyst.

"Promise me you won't hurt her." Natatakot ako sa pwedeng mangyari dahil sa gagawin ko. Ano ba dapat kong gawin para hindi ito matuloy? Ayokong madamay si Krizan at ayoko ring madamay si Trixcy hindi ko alam kung paano ako pipili. Pero nagtapos lang din sa susunod ako sa gusto nila.

"We won't. As long as you will follow what we want you to do." Walang emosyon na sabi ni James habang nakacross ang mga daliri at nakadikwatrong nakaupo.





- * -

Ngayon nalilito ako kung paano ko ito gagawin, na hindi nila makuha si Trixcy. I already texted Krizan, not to go outside her house, for her safety and she replied that she's on vacation with her friends at Palawan. I feel relief.

"Hoy, diba yan na yung Trixcy?" Natigilan naman ako sa pag-iisip nang magsalita ang alagad ni Amethyst. I wonder what happened, kasi umiiyak ngayon si Trixcy habang mabilis na naglakad. Hinintay ko lang na makalayo siya bago ko siya lalapitan.

"Ano ba utos sa'yo ni ma'am? Diba-" Hindi na ako nakinig at bumaba na ako mula sa van. Mabilis ako na naglakad para maabutan at parang hindi niya ako napansin na nakisabay ako sa paglakad niya kaya humarang na ako sa harapan niya at natigilan naman siya.

Tinaas niya ang tingin sa akin at kinagulat ko nang bigla niya akong yakapin. At mas lumala pa ang pag-iyak niya.

"Hey, what's wrong?" I asked while tapping her back.

"Just let me do this for a while." Umiiyak pa rin siya. Sa tuwing umiiyak talaga siya nasasaktan ako, bakit ba? Bakit kasi nagmahal ang puso ko nang may mahal ng iba?

Nakita ko nang umandar ang van dahan-dahan na papalapit sa amin. Now it's time.

Hinawakan ko ang kamay ni Trixcy. Pinagtaka niya naman ito kaya tiningnan niya ako na parang nagtatanong.

"Tatakbo tayo."

"Huh?" Natigilan naman siya sa pag-iyak.

"Isa..."

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya nang humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Dalawa... Trixcy magpapaliwanag ako sayo pag safe na tayo, okay?"

"Hindi kita maintindihan pero-"

"Tatlo!" At mabilis ko siya na hinila patakbo.

"Teka! Ang bilis mo namang tumakbo!"

Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon