Trixcy's POV
Bigla akong napabangon sa kama ko nang biglang nagflash muli sa panaginip ko ang sinabi ni Jared kagabi.
"To inform you that, I never regret kissing you."
"You have a soft lips."
"WAAAHHHHH! Bakit paulit-ulit sa isip ko 'yung mga sinabi niya kagabi?" pagmamaktol ko sabay ginulo ang buhok ko at pagulong-gulong sa kama, hanggang sa kakagulong ko ay nagapos ako ng kumot at nahulog sa kama.
"Arayy!" at nagpumilit akong makawala sa pagkakagapos sa kumot ko at umupo sa sahig indian seat kumbag, bumuga ako ng hangin para maalis ang magulo kong buhok na nakaharang sa mukha ko.
"Dahil sa'yo, Jared nagiging praning na ako!" inis kong sigaw. Mabilis akong tumayo at humarap sa salamin.
"Ang laki ng eyebags kooo!"
"Jiro, nasaan ka na ba at masyado mo na akong pinaghintay ng ganito katagal? Babalik ka ba talaga? Sabagay, apat na taon rin naman kitang hinintay eh, hindi mo'ko masisisi kung sa pagdating mo, hindi na rin kita kilala at hindi narin kita mahal." bigla kong talikod sa salamin at hindi namamalayang tumulo ang luhang galing sa mata ko. 'Bakit ka ngayon umiiyak ha, Trixcy?' Ngayon kasi ang araw na ito nang mawala si Jiro.
"Bakit ko ba inaalala ang araw na nawala ka Jiro?" sabi ko parin sa sarili ko habang umiiyak, bakit ba?
"Para ka tuloy'ng patay, kulang nalang magsindi na ako ng kandila sa puntod mo." at umiyak na ako ng todo.
"WAAAHHHHHHHH!!" para akong tanga dito, umiiyak mag-isa kala mo naman napaano. "Ayoko ng umiyak nang dahil sa araw na'to na inaalala nalang ang pag-alis mo! Hindi na ako iiyak ng ganito taon-taon! Kakalimutan na kita! Last na ang iyak na'to, kakalimutan na talaga kita! Promise yan gong-gung ka!" iyak parin ako ng iyak habang kinakausap ang unan ngayon. Wala na akong mapaglabasan nito eh.
"Kalimutan siya?" napalingon naman ako sa nagsalita na nagmula sa pinto.
"Da-Darian?" at umayos ako, nilagay ko ang unan sa kama ko at umupo ng parang wala lang. Kunwari okay lang ako, lagi talaga akong ganito kada taon nalang, simula ng umalis si Jiro tinandaan ko kasi ang araw na 'yun at parang tumatak na sa utak ko na mas namimiss ko siya pagdating ng araw na iyon.
"Tsk! Hindi na ako umuwi kagabi, kasi alam kong mangyayari ang araw na 'to." lumapit siya sa akin at hinarap ako, napatingin nalang ako sa sahig. Nung muntik na kasi akong malunod sa bath tub ay grabe ang pag-aalala nila, akala nila nagpakamatay na ako. Tsk! Kahit stress ako nun hindi ko man lang naisipang magpakamatay, paano nalang si Jiro kung babalik siya? Naligo lang naman kasi ako nun at dahil sa stress nakatulog ako sa bath tub, buti nalang andyan sila nakita agad nila ako. Simula nun ay lagi na akong sinasamahan ni Darian every year, gaya nalang ngayon.
"Lagi mo nalang sinasabi 'yan na hindi ka na iiyak, eh ano 'tong ginagawa mo ngayon ha, umuuyok?" ayan galit na siya.
"Namimiss ko lang kasi talaga siya eh, bakit ba?" hindi ko mapigilan ang luha kong umagos, umiiyak na ako ng umiiyak. Gaano ko ba talaga kamahal ang gong-gung na 'yun, at hanggang ngayon wala paring pinagbago sa nararamdaman ko?
"Ilabas mo lang 'yan, mahirap pigilan 'yan eh. Ang akin lang kasi para ka kasing baliw dyan, kanina pa kita pinagmasdan diyan, gugulong-gulong kapa sa kama at nahulog ka pa, binanggit mo pa si Jared dahil nagiging praning ka na dahil sa kanya, tapos nangyari humarap ka sa salamin tapos umiiyak na dahil si Jiro na naman ang naisip mo? Anong drama 'yun?"Waahhh! Grabe ang bibig niya wala talagang preno!
BINABASA MO ANG
Nothing's Changed [ BIAG: Book 2 ]
Romance[ COMPLETED ] UNEDITED Bumped Into Arrogant Gangster Book 2 Read the Book 1 if you want! Kamsahamnida! Hanggang kailan kaya maghihintay at aasa si Trixcy na babalik si Jiro? Pag bumalik ba siya ay gaya parin ba ng dati ang relasyon nila? O m...