Chapter 4

4 0 0
                                    


CHAPTER 4

Pasukan na naman. Namimiss ko tuloy ang summer. It was a wonderful summer for me so far. Paano ba naman kasama ko lagi si Carlo. Akalain mo yun buong summer nasa bahay lang ako. Lalabas lang pagkasama si Carlo. Mag -aaouting kasama nila mommy daddy at Jed. Dati kasi kung saan saan kami napapadpad nila Bojie Carla at Sunny. Sila ang mga buddies ko sa school.

Sinamahan ako ni Carlo na mag enroll for second year at siya naman sa fourth year.

Nakakapagod pala! reklamo ko. Dati rati si mommy ang laging nagpapa enroll sa akin. Cge lang, worth it naman kasama ko naman si Carlo.

Pinapawisan ka na..sabi ni Carlo at pinaunasan ng kanyang panyo ang mukha at leeg ko. Linga linga naman ako baka may makakita. Pagtingin ko kay Carlo ay titig na titig siya sa akin hawak pa rin ang chin ko.

Oh, bakit na naman. ? lagi ko kasi siyang nahuhuling nakatitig sa akin pero pagtinatanong ngingiti lang naman. Na para bang siya na ang pinakamasaya sa buong mundo.

Napagusapan namin ni Carlo na pag nasa school kami bawas bawasan lang ang too much PDA. High school pa lang kami kaya dapat hindi kami masyadong nagpapakita na hindi maganda tingnan.

IIlan lang din ang nakakaalam sa relasyon namin. Mas peaceful pag konti lang ang nakakaalam. Walang masyadong involve. Naging smooth ang aming relasyon.

Library.

KAsama ko ang aking mga barkada at kaklase na sina Carla, bojie, at Sunny. Mababait sila at mahilig mag-aral. Hindi sila tulad ng mga ibang studyante na mga pasaway. Kaya gusto rin sila ni Carlo. He said i'm with a good circle of friends.

Tapos na ba kayo sa assignment natin? tanong ko sa kanila. Meron kasi kaming assignment sa aral pan.

Si Carla ay nakita ko na tila bored na. Malamang tapos na ito.

Si Bojie, tanging lalaki sa grupo ay nagbabasa ng Encylopedia. Sa amin ito ang pinaka bookworm.

Si Sunny naman, ang pinaka kulelat at ayon nagsusulat pa din.

Tiniklop ko na ang aking assignment notebook nang mahagip ko ng tanaw si Carlo na nasa pinakadulo ng bookshelf. Kumakaway at nagaanyaya na lapitan ko siya. Tiningnan din nila Carla, Bojie at Sunny ang direksyon na tinitingnan ko. At binggo. Palihim na naghahampasan na ang mga ito dahil sa kilig.

Puntahan mo na si Papa Carlo, Jessie. pabulong na sabi ni Sunny na inagaw pa ang assignment notebook ko. Kami na bahala sa mga dala mo.

At kung matagalan naman kayo. Sa classroom ka na lang namin hihintayin. Sabi naman ni Carla na pigil sa pagtitili. Dahil sa tatlong ito, siya ang no.1 fan ng aming loveteam.

Girls, sssshhh. tanging nasabi naman ni Bojie na nakatoon pa rin ang tingin sa Binabasa nitong encyclopedia.

Tumayo na ako at tinungo ang kinaroroonan ni Carlo.

Pagdating ko doon pasimlpeng pumipili ako ng mga libro sa bookshelf. Si Carlo ay ganon din sa magkabilang shelf sa harapan ko. Sabay na ang hakbang namin hanggang sa makarating kami sa pinakadulo.hinila niya ang kamay ko at dinala pa sa mas pinakadulo at maraming bookshelf na hindi madalas pinupuntahan ng mga studyante.

He cupped my face and he put his forehead on my forehead. Sa makakita sa amin ngayon baka ang iisipin ay naghahalikan kami.

How's your day? mahinang tanong niya habang ganun pa din ang position namin.

Kinikilig.. bigla kong sagot na nagpangiti bigla sa kanya. Yay! ano bang nasabi ko. E kasi naman, what im feeling right now is kinikilig e. "I-i mean, great." sabi ko at ngumiti na din sa kanya.

LOVING nobody but YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon