Chapter 11

2 0 0
                                        


Chapter 11

Matamlay ako na pumasok kinabukasan. KAhit anong cheer na ginagawa ng mga kasama ko ay hindi ako natutuwa. Nakapangalumbaba lang ako sa aking desk.

Maglulunch na.

Pumunta na kami sa cafeteria para maglunch.

Sa isang bilog na mesa ay nandon si Carlo at ang mga kaklase niya. Nandon din si Gelo. And worst sa pinakaayaw kong makita. Si BEA. Nagpapasikat na akala mo siya ang reyna.

Umiwas ako ng tingin. I was expecting Carlo na pupuntahan niya ako sa bahay kahapon. O di kaya hahanapin niya ako para kausapin. Pero nag expect ako sa wala. NAsanay kasi ako na pag hindi ako okay malalaman niya, magtatanong siya, susuyuin niya ako. PEro now WALA.

Umupo na rin kami sa round table. Nilabas ko na ang aking lunch box na hinanda ni mommy. Ganun din sila Carla Bojie at Sunny. PEro kanin lang ang laman ng lunch box nila at kailangan pa nilang bumili ng ulam.

Iniwan nila ako para bumili ng ulam nila. They asked kung ano ang ipapabili ko. Wala akong maiisip kaya hinintay ko na lang sila na bumalik.

Nakatoon ang tingin ko sa mga kabarkada ko na nagkukulitan pa habang nasa pilahan. Kahit paano seeing them like that makes me smile.

Naramdaman ko na lamang na may tumabi sa akin. Nagkabanggaan pa ang braso namin. Ayokong lingunin. Hindi sa natatakot ako kundi, hindi ko alam ang gagawin ko. Mababaw lang ako, baka maiyak pa ako.

Care to join? tanong niya. Nakita ko na nilapag niya ang tray na may pagkain. Doon lang ang tingin ko.

Tumango lang ako at walang imik. I heard him sighed.

I'm sorry, i don't know why i need to say sorry. But i'm sorry. Kung may nagawa ako please, sabihin mo para alam ko. Di ba sabi ko naman sayo pag-usapan natin kung may problema? sabi niya. Hindi ko siya matingnan. Dahil kapag ganito na siya lumalambot na ang puso ko. Naiiyak na ako. Medyo nagtampo ako sayo alam mo ba? Hinintay kitang dumating sa clicnic, pero ni anino mo wala. Minsan nagtatanong ako, do you really care for me?

Gusto ko siyang siogawan na nadon si Bea at hindi na ako kailangan. At sa sobrang selos ko makakasakit ako ng tao.

Mabuti naman at dumating na ang tatlo.

Hi there Carlo, glad sasabay ka sa amin. nakangiting sabi ni Carla.

Hindi ko kasi matiis. I just miss her. narining ko na sabi niya. I wanted to stop him saying those. Kasi the way he saying it, malapit sa taenga ko. Oo naririnig ko, kailangan pa bang ipamukha sa akin. Tsk!

Hindi pa rin ako kumibo, tahimik lang akong kumakain. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang asaran nila Carla at Bojie kahit sa harap ng pagkain.

At itong si Carlo, laging nilalagyan ng ulam ang lunchbox ko. Tapos kinukuha niya yung ulam na niluto ni mommy. Pinalapit niya pa sa akin ang baso na may juice. Gusto kung mainis para hindi ako kiligin.

Pag angat ko ng mukha nakita ko ang mapanuksong mga mukha nila Sunny at Carla. I gave them the look na nagsasabing "magsitigil nga kayo".

Napansin ko si Carlo na nagpunit ng pahina ng notebook niya at may sinulat. Nilagay niya iyon sa harap ng table ko.

"LET'S TALK, PLEASE" <3

Naka CAPSLOCK pa at may heart pa.

Sunny and Carla, giggles. Si Bojie, walang paki-alam, kain lang ng kain, hindi nahalata ni Carla na pati dessert nito ay kinain na ni Bojie, lagot to mamaya.

Niligpit ko na ang gamit ko. Tara na, sabi ko. Referring to Carlo. Nakita ko na alert agad siya, at napangiti. Ganun din ang mga kabarkada ko.

Hindi na ako nagreklamo nang inakbayan ako ni Carlo. Padaan kami sa gawi nila Bea. Sa gilid ng aking mga mata i saw how she smirked. Now alam niya kung sino sa aming dalawa ang naghahabol. Dahil alam ko si Carlo ay babalik at babalik sa akin. Hmp!

Nang makalabas kami sa Cafeteria ay nauna na akong naglakad sa parking lot kung nasaan ang kotse niya.

Buksan mo utos ko sa kanya. Binuksan naman niya. Pumasok ako at umupo sa front seat. Umupo naman siya sa driver seat. Pinaandar niya ang aircon.

I don't want to talk. All i want is to sleep. sabi ko at inirapan siya. Inayos ko ang pagkakaupo ko at sinandal ang ulo ko sa headboard ng upuan.

Its not comfortable to sleep here. sabi niya.

Okay doon na lang ako sa classroom sabi ko at akma ng bubuksan ang pinto ng kotse niya.

He stopped me by grabbing my hand. Okay. sabi niya. Just wait. at may kinuha sa backseat. Throwpillow.

Nilagay niya sa lap niya.

Now sleep here. utos niya

Tiningnan ko siya. No. walang ka emosyon na sabi ko.

Please. nakita ko ang pagsusumamo niya.

Kaya hiniga ko ang ulo ko sa lap niya na may throwpillow. From my view nakita ko ang cute na butas ng ilong niya. Huwag kang tumingin sa akin a, i warned him. Para ako lang ang malayang makakatitig sa kanya. At huwag ka ring ngingiti ngiti jan, sabi ko pa.

Napapikit na lamang siya at pinipigilang ngumiti. Natatawa ako sa reaction niya.

Napapikit na lamang ako. Having this moment, ay sapat na para maibsan ang nararamdaman ko mula pa kahapon. Alam ko wala siyang kasalanan. It was all BEa's fault. Akala niya hindi ko napapansin ang pinagagagwa niya. She was just simply doing things to get Carlo's attention.

Sabi ng huwag titingin e. sabi ko dahil kahit nakapikit ay naramdaman ko ang mga titig niya sa akin.

Maya maya naramdaman ko na nilagay niya sa gilid ng aking taenga ang ilang buhok na natatakip sa mukha ko.

Just sleep, nandito lang ako para bantayan ka. sabi niya. Pilit kung huwag ngumiti.

====

Nagising ako na masakit ang katawan ko. E ikaw ba naman matulog sa front seat ng kotse? Hindi man lang ako maka-unat ng maayos.

Nang tuluyan kong idilat ang aking mata. Nakita ko ang maamong mukha ni Carlo na natutulog, nakasandal ang ulo nito sa headboad ng upuan ng drivers seat. Lihim akong napangiti ng mapatingin ako sa relo ay lagpas one hour na akong nakatulog. Hindi na kami nakapasok sa aming klase.

Dahan dahan kong inaangat ang aking mga kamay para haplusin ang kanyang pisngi. At hindi ako nabigo. Mahinang dampi lang iyon baka magising ko. Nakangiti pa ako nang bigla siyang dumilat ng mata. huli na para ikubli ang ngiti ko at iiwas ko sana ang kamay ko nang bigla niya itong kunin at halikan, umiwas ako ng tingin.

Look at me please. sabi niya. Nagmamatigas pa rin ako. Please. hirit niya.

Sighed. Tiningnan ko siya pero wala ng ngiti. Cool lang. Then he smile.

Kung ano man nagawa ko please sorry na. sabi niya.

Layuan mo si Bea. Sa ganun mapapanatag ang loob ko. Kaya mo bang gawin? hamon ko.

Natahimik siya. So hindi niya kaya. Bigla akong bumangon. Nakakainis. Napakasimple lang ang hinihingi ko.

Lalayuan ko na siya. PEro sana intindihin mo na magkaklase kami. Hindi maiwasan na mag-uusap. Pero para sayo gagawin ko. sabi niya nong tumalikod na ako. Hinarap ko siya and i smile. Dahil sa saya niyakap ko siya. Not knowing na nahihirapan din siya.

Thank you.

LOVING nobody but YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon