Chapter 15

1 0 0
                                    


Chapter 15

Unang araw na wala si Carlo. And its lonely as hell. Bakit pa niya ako sinanay na nandito siya tapos aalis lang ng walang paalam. Days passed na ang tamlay tamlay ko. Parang nawalan ako ng gana sa buhay. Ayoko nito. I want Carlo back. I miss him so much. I miss everything about him!

Jessie! tawag ni Sunny.

Napalingon ako sa kanila magkakasama na naman silang tatlo. But This time kasabay nila si Gelo. Bigla akong nalungkot. Medyo hawig kasi ni Carlo ang pinsan niyang ito.

Tapos ka naba mag pa sign ng mga clearance mo? tanong ni Carla.

Tiningnan ko ang clearance sheet ko. Ni isa wala pa akong na papirmahan.

Tumabi sa akin si Gelo. At agad naman akong inakbayan, kung nandito lang si Carlo nasapak na ito. Tinabig ko ang kanyang kamay.

Wala naman si Carlo para magselos, kaya malaya na tayo. Joke lang. Nagawa pa nitong magbiro.

Gelo wag ka na ngang mang asar. Nakikita mo namang nalulungkot at hindi pa makapag move on itong si Jessie. Graduate ka na kaya pwede ba lumayas ka dito?! sabi ni Sunny na naiirita sa pagmumukha ni Gelo tuwing umaaligid ito sa amin.

E, anong magagawa ko ibinilin sa akin itong si Jessie, bantayan ko daw baka maagaw ng iba.

Weeee di nga. sabay pa nila Carla at Sunny. Mukhang may hiddin agenda kasi itong si Gelo mula ng nawala si Carlo ay naging mabait ito sa amin, lalong lalo na sa akin. Choosy pa kasi ang isang to' kung sana hindi niya ako binasted noon hindi ko mararamdaman ang lahat ng ito.

Umabot sa puntong gabi gabi na lang akong umiiyak. Halos hindi makakain sa kakaisip sa kanya at ang sakit na dulot nito. Mukha na nga akong zombie at nangngayayat na rin ako.Kung wala ang mga mapagmahal at understanding parents ko mental ang bagsak ko. I was too young for this heartbreak.

Sumunod na araw sinunod ko ang payo nila mommy at daddy pati na ng mga kaibigan ko. I let myself rest and stop thinking about Carlo. But that doesn't mean I stop loving him. Dahil pilitin ko man maging busy sa panahon na wala akong ginagawa he's there at the corner of my mind. Minsan may time pa nga na naiiyak pa rin ako at natatawa pag naalala ko ang mga moment naming together. Para nga akong sira e.

At itong si Gelo hindi na ako tinantanan. Parang si Carlo dati. Pero hindi ko magawang tarayan ito. Infairness naging mabuting kaibigan kami ni Gelo. He is the pnly way para malaman ko ang tungkol kay Carlo, kahit konting info lang. Malaman na maayos siya okay na ako don. Kahit may bahagi ng puso ko na umaasang maalala niya ako at puntahan.

Hanggang sa naka graduate ako ng High School. Nandiyan pa rin si Gelo. Bilang kaibigan. Graduating na rin siya sa college sa susunod na buwan. Business add ang kinuha nito at nalaman ko na same sila ng course ni Carlo. Gusto ko nang magtanong kay Gelo, pero lagi ko na lang hinihintay ang mga updates niya kung meron man.

Naging close na nga rin siya sa mga magulang ko, kay Jed at sa mga kaibigan ko.

Say cheese! sabi ni Gelo sabay click ng camera. Kasama ko ang family at mga matalik kong kaibigan.

O Gelo ikaw naman sumama sa kanila sabi naman ni Sunny.

Okay! sabi ni Gelo at tumabi sa akin. At hindi pa nakontento, inakbayan pa ako. Ngingiti n asana ako nang may napansing familiar na mukha na biglang naglaho sa mga nag uumpukang mga studyante na kasama ang mga family at friends nila. I blink my eyes twice to see to it na hindi ako nagkamali sa nakita. Kahit imposimble ang nakita ko.

Are you okay? tanong ni Gelo.

Napatango na lang ako, ayokong mag explain sa nakikita ko. NApahawak na lang ako sa dibdib dahil biglang bumilis ang takbo ng puso ko na tila hindi ako makahinga.

Guys.. sabay nila Carla at Bojie na magkaholding hands.

Officially on na kami. Nakangiting sabi ni Carla. Sa sobrang busy ko at focus sa ibang bagay, hindi ko na nasubaysbayan kung ano man ang meron sa kanila ni Bojie at Carla. Ang kanilang mga asaran, away, pikonan ay nauwi sa pagmamahalan. Im really happy for them pero sa kbila ng isip ko, nagsasabing sana nandito si Carlo.

Double celebration! sigaw ni Gelo.

LOVING nobody but YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon