Chapter 10

2 0 0
                                    


Chapter 10

Jessie! Jessie! humahangos na tawag ni Carla sa pangalan ko. Kakaratin niya lang sa loob ng klassroom.

Tinigil ko ang pagsusulat ko sa notebook at hinarap siya. Si Sunny at Bojie ay lumapit na rin sa amin.

Pinakalma ko muna si Carla bago pinagsalita. Sinabi niyang nasa clinic daw si Carlo. Naaksidente dahil niligtas nito si Bea during their practice. Yung unang pumasok sa isip ko ay tumakbo patungo sa clinic. Pero nalaman ko na nandon din si Bea, pareho silang may tinamong sugat.

Gusto kong puntahan ang boyfriend ko, pero naiiyak ako dahil hindi ko pa nakikita ay nagseselos na ako. Baka ano lang ang magawa ko pag nandon ako. Kay Carlo may tiwala ako, pero sa Beang yun. WALA!

Mahigpit na napahawak ako sa desk ko. Naiintindihan ng mga barkada ko ang nararamdaman ko ngayon.

Tara samahan ka naming pumunta sa clinic.

Uuwi na ako. sabi ko at niligpit ang mga gamit ko. Yun na lang ang dapat kung gawin para mapigil ko ang sarili ko na manakit ng tao.

Uuwi? Magpapatalo ka na lang sa Bea na yon? Nandon si Carlo kasama siya. Huwag ka ngang ganyan Jessie. sabi ni Carla. Kahit siya nanggigil din. Nakita ko na inawat siya ni Sunny.

Carla, baka kung ano pa ang magagawa ko sa Bea na yun.

Kami ang gagawa para sayo, matapang na sabi ni Carla.

Nasa likod lang ako. sabi naman ni Bojie. Kaya tinungo na namin ang Clinic kahit ba nag-aalinlangan ako.

CLINIC

Nasa door step na ako nang may narinig akong nagtatawanan sa loob. Carlo and Bea. Agad na sumikip ang dibdib ko. Parang ayoko ng tumuloy. Okay naman siguro siya kaya no need na ako.

Carla, please. Gusto ko ng umuwi. mahinang sabi ko. Dahil sa bawat dinig ko sa mga tawanan nila para akong unti unting naghihina, feeling ko para akong hinihila pababa e.

Napatango na lamang si Carla. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa Clinic. Ang bigat sa loob. Lalo na pagpinipigilan mong huwag umiyak.

Pagdating ng bahay, nasalubong ko si Mommy. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. At sa tuwing umuuwi ako na hindi si Carlo ang tagahatid ay magtatanong agad siya. Sinabi ko na gagabihin sa practice si Carlo. Hindi ko pinakita sa kanya kung gaano ako kalungkot sa mga oras na ito. Gusto kong sabihin sa kanya. PEro ayoko. Alam ko na nadadala lang ako ng aking emosyon.

Paakyat na ako ng hagdan nang humarang si Jed. Ate, sandali lang. sabi niya.

Ngumiti ako sa kanya. Anong atin, Jed? Ito ung feeling na pilit mong pinapakalma ang sarili mo at magmukhang okay, kahit na sa loob sasabog ka na.

Kanina sa school may nagpapabigay nitong letter. sabi niya sabay lahad ng letter na nakalagay sa kulay skyblue na envelope. Mukhang stationery pa. Inamoy ko ang bango.

Salamat, Jed sabi ko at nagtuloy na sa kwarto ko.

Nilapag ko ang letter sa tabi ng lampshade. Wala ako sa mood para basahin ang sulat na iyon. 

LOVING nobody but YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon