Chapter 25
Jessie gising na... sabi ni mommy.
Mom, 5minutes please.
Biglang hinablot ni mommy ang kumot. Ang lakas non a.
Umupo ako sa kama at kumurap kurap. Nagulat ako dahil nag iba ang mukha ni mommy.
Nananaginip ka ng gising?
Ms. Amora! sabi ko at nagsink in sa akin ang lahat na nandito na pala ako sa Paris at wala sa bahay. Naku unang araw ko pa naman ngayon sa OJT tapos late ako.
Anong oras na po? bumangon ako, natataranta, hindi alam ang unang gagawin.
Easy.. natatawang sabi ni Ms. Amora.
Maaga pa. PEro ginising na kita. Sinabi sa akin Ni Sir Brent na gisingin ka ng maaga. Sabi kasi niya ang hirap mo daw gisingin. Which is true naman. Ang hirap mong gisinging bata ka.
Sige maligo ka na at mag aayos hihintayin ka namin sa baba.
Sinabi ni Carlo yun? I mean ni Sir Brent? tanong ko.
Oo, nagkakape na un sa baba.
Sige po.
Ano bang susuotin ko?
Tiiningnan ko ang laman ng maleta na binigay sa akin ni Gello. Napamangha ako sa mga damit na nandon. Mas prepared pa sa akin yun a.
Matapos maligo at mag ayos ay bumabab na ako. I wear a jeans, a leather jacket with white top and a boots.
Sa baba nakita ko si Carlo na umiinom ng kape. Pagtingin niya sa gawi ko ay muntik na niyang maibuga ang iniinom at natarantang tumayo.
Manang Amora! agad na tawag niya. Kinausap na naman niya ito ng French at tumalikod. Hindi ko alam kung saan pupunta.
Bumaling sa akin si Ms Amora. Ikaw mag almusal ka na daw. At bilisan mo. Maghihintay lang siya sa labas. Sabay kayong aalis.
Wala talaga siyang balak na pansinin ako. Nakakalungkot lang kasi yung taong kilalang kilala mo noon ay stranger na ngayon. Hindi ba niya alam kung gaano ko siya na miss? Kung gaano ko inasam na makita siyang muli tapos malamig na pakikitungo lang ang ibiibigay niya sa akin? Nasaan ang hustisya?
Walang imik kaming magkatabi sa loob ng limo. Ang hirap pigilan ng puso kong tinatambol naman ngayon.
All of a sudden sa hindi malamang dahilan agad na tumigil ang limo. Muntik na akong mapasubsob sa headboard ng isang upuan kung hindi lang maagap si Carlo at hinawakan ako sa magkabilang braso. Ramdam ko ang bigat ng kamay niya.
Kaya napatingin ako sa kanya at worried face ang nakikita ko sa kanya. Agad naman niya akong binitawan na parang wala lang at pagalit na sinigawan ang driver in French.
Gusto kong magpasalamat sa ginawa niya pero mas pinili ko na lang na tumahimik.
ala kaming imikan hanggan sa dumating kami LE MONT HOTEL and RESTO t naghiwalay ng landa. Siya sa opisin niy at ako naman sa kitchen
Sa kitchen ay tinuruan ako magluto ng recipe ng hotel.
Ang bilis mong matuto, sabi ni Head Chef na si Henry. Isang pinoy na na nasa mid 30's niya.
Alam mo parang hindi bagay sayong mag chef. You look gorgeous, sabi ni Jessica na Assistant ng Head chef.
Ngumiti lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
LOVING nobody but YOU
Dla nastolatkówNaranasan mo na bang magmahal at the young age? Hanggang kailan mo kayang maghintay at umasa na babalik pa ang taong mahal mo? May road to forever nga ba? Tunghayan ang kwento ng pag-iibigan nila Carlo at Jessie.