Chapter 12
Lahat ginawa ni Carlo para iwasan si Bea. Alam ko yun dahil minsan sinabi sa akin ni Gelo na ang lakas daw ng tama ng pinsan niya sa akin dahil lahat ay gagawin nito huwag lang ako magtampo.
Tama ba ang ginawa ko na pagbawalan siya na kausapin o iwasan ang babaeng yun para sa ikakapanatag ng loob ko? tanong ko kina Bojie Sunny at Carla.
Tama lang yan, kaysa tumahimik ka. At isa pa alam naman ni Carlo kung ano ang dapat gawin. Sabi ni Sunny.
I'll do the same. sabi ni Carla.
In a man's point of view parang pinagbawalan mo na rin kami sa aming freedom. Pero pag mahal mo ang babae, siya ang laging una sa listahan. At base sa nakikita ko, Carlo do loves you, Jessie. Kaya swerte mo. sabi ni Bojie na nakapangit sa akin. May sense din naman pala ang isang to.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay dumating si Carlo na may dalang sandwiches at juice. Lahat kami meron.
Hinalikan niya ako sa pisngi. At sa tuwing titigan niya ako, hindi mawawala ang napakatamis na ngiti niya. Sino ba ang mag-aakala na, darating ang time na magugustuhan ko siya at mamahalin ng ganito.
Saglit lang ang oras na nilaan ni Carlo dahil may practice pa sila sa malalapit na graduation. Gusto kong manood pero may klase pa kami mamaya. Sinabi niyang susunduin na lang niya ako mamaya para ihatid sa bahay.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso kami sa Gym. Doon naratnan namin na nag iinsayo parin ang mga graduating fourth year students para sa graduation march.
Nang makita kami ni Carlo ay agad siyang pumunta sa direksyon namin. Nang makalapit sa akin ay hinalikan niya ako sa pisngi.
Manonood lang kami, sabi ko. At umupo na kami nila Bojie sunny at carla sa bleacher.
Last na to, sabi ni Carlo sa akin.
Nagpaalam na rin sila Sunny Bojie at Carla.
Naiwan ako na naghihintay kay Carlo. Nakita ko kung gaano ka frustrated si Bea para makuha ang attensyion ni Carlo. Pero everytime she tried Carlo look at my direction, smile and blew a flying kiss. Napapangiti ako sa ginagawa niya.
Atlast natapos rin ang kanilang insayo.
Tinungo na namin ang parking lot na nakaakbay siya sa akin.
Okay lang ba sayo na dumaan muna tayo sa bahay? tanong ni Carlo sa akin. Ito ang unang pagkakataon n yayain niya ako sa bahay nila.
Tiningnan ko ang akng relo. It say 4:30 in the afternoon. Tiningnan ko siya, gusto kong magtanong kung anong gagawin namin don. Sorry pero kinakabahan ako. Naramdaman niya yun.
Nandito sila mom and dad. I want you to meet them. nakangiiting wika niya sa akin.
My gosh! Meet his parents? Bigla na lang ako nakaramdaman ng mini race sa puso ko.
Relax. I already told them about you. Im really looking forward for this day. sabi pa niya at pinagbuksan na ako ng pinto ng kanyang kotse.
Abot abot ang kaba ko nang makita ko na papasok na kami sa gate ng exclusive subdivision kung saan ang bahay nila Carlo. 30 mins away from school.
Tinuro din ni Carlo sa akin ang bahay nila Gelo. May kulay skyblue at white ang 2stoery house nito. Ang laki at ang lapad ng lawn.
Sa wakas nakarating na kami ng bahay nila Carlo. Kung gaano ako nagandahan sa bahay nila Gelo ay mas doble pa ang bahay nila Carlo. Ganito pala kayaman ng boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
LOVING nobody but YOU
Подростковая литератураNaranasan mo na bang magmahal at the young age? Hanggang kailan mo kayang maghintay at umasa na babalik pa ang taong mahal mo? May road to forever nga ba? Tunghayan ang kwento ng pag-iibigan nila Carlo at Jessie.