Chapter 24

1 0 0
                                    


Chapter 24

Nakita ko si Bea na lumabas sa opisina. Galit na galit ang mga mata na sumalubong sa akin.

How dare you! sabi niya na nakataas ang isang kilay pero pigil ang tono ng boses niya na magalit. Nandito ka na naman ba para guluhin ang mundo namin ni Carlo? So I tell you in advance na hindi ka makakalapit sa kanya. I spend so much time and effort at ayaw kong mabaliwala ang lahat ng hirap ko. sa dinami dami ng sinasabi niya wala kong maintindihan. Ano pa ba ang problema niya nasa kanya na si Carlo.

I'm here for my OJT. Im not like you Bea na gawin ang lahat masira lang ang isang relasyon.

Nakita ko na mapait siyang ngumiti. Mabuti at nagkakaintindihan tayo. sabi niya sabay irap.

Si Carlo naman ang lumabas sa opisina niya. Ni hindi nga niyang magawang tumingin sa gawi ko. Kinausap niya ulit ang secretary sa French language.

At tuloy – tuloy na lumabas ng opisina. Agad namang tumalima si Bea para sundan si Carlo. I think he doesn't like my presence here. Sa kadahilanang hindi ko alam. Dapat diba ako ang galit sa kanya dahil umalis siya na walang paalam. Dapat ako ang may sama ng loob ngayon.

Lumapit si Ms Anna.

Sabi niya sumunod ka daw sa kanya. Ewan ko kung bakit sumunod si Ms San Miguel. sabi niya.

Ano po ang ibig niyong sabihin?

Sumunod ka daw sa kanya. Ihahatid ka niya sa Villa.

Napalunok ako. Sa Villa?

Oo sabi nito na agad akong napatayo at sumunod sa kanila.

Naabutan ko sila sa Elevator at tila may hinihintay. Pumasok ako at pumwesto sa likod nila. Nakita ko kung paano nilagay ni Bea ang kamay sa mga braso ni Carlo na nagsasabing "He's mine."

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, kunwari deadma. PEro deep inside I hate seeing them like this.

Sa lobby ay patuloy ang pagsunod ko sa kanila. Hindi ko lubos maisip na mahirap pa la ang bunto-t na parang aso sa isang tao. Tumigil ako ng tumigil kami sa prking area hindi ko man lubusang tingnan nakita ko na kinausap naman ni Carlo si Bea in French. Napasimangot si Bea pero sumunod naman ito sa kanya pero bago tuluyang umalis ay tinapunan muna ako ng matalim na mga tingin. All I can do is to look away.

Pumasok si Carlo sa limo na sinakyan namin kanina. Naghihintay ang driver at sumenyas na papasok din ako kung saan pumasok si Carlo.

Maingat akong umupo. Walang imik sa amin dalawa. Yung parang magkatabi kami pero nasa magkabilang mundo. Kaya binaling ko ang aking tingin sa labas ng bintana at inaaliw ang mga matako sa mga magagandang gusaling aming nadadaanan. Magdapit hapon nap ala.

Maya maya nag ring ang phone ko.

Si Gello.

Hello kahit pagsagot maingat din.

O bakit ang hina ng boses mo? Nasa Villa ka na ba?

Akala ko ba mag re-rent ako..

Makatipid ka pag sa villa ka. At may bantay pa sayo. I cant be with you all the time to check on you.

Hindi na ako bata. I can handle myself.

Yeah. PEro siya lang ang taong tutulong sayo jan. Panatag ang loob ko pag siya kasama mo. So ingat ka ha. Minsan may pagkatanga ka pa naman.

Ang sakit mo naming magsalita. Pag nandito ka mapektusan talaga kita.

NArinig ko ang kanyang pag tawa.. Nakakainis talaga to. Feeling ko na manipula ako ng mokong.

Cge salamat. sabi ko and I ended the butoon baka san pa mapunta ang usapan.

Nagtext pa ang mokong.

"I bet magkatabi kayo ngayon. ;)

Ang baliw na yun! I murmured.

Ewan basta may nagsasabing tumingin sa gawi ni Carlo. Una kong napansin ang pointed nose at mapupuilang labi... ang gwapo niya nadagdagan pa, pero nang makita ang hindi madrawing na side view niya ay umiwas na ako.

Ang lapit lapit niya pero bakit ang layo pa rin.

Ilang minute nakarating na kami sa sinasabihing villa. Bumukas ang malaking bakal na gate. At bumungad sa akin ang isang napakagandang bahay.

Nakita ko na kinausap naman ni Carlo ang driver. Wala siyang balak na kausapin ako. Na para bang hangin lang ako sa kanya.

Tinulungan ko si manong driver sa maletang dala ko. Nang nasa living room kami may isang matandang babae na sumalubong sa amin. Kinausap na naman ito ni Carlo ng French at nagtuloy tuloy na sa grand staircase.

Hello Dear. Im Amora, caretaker of this villa. Kamusta? magiliw na bati niya.

Nakahinga ako ng maluwag akala ko hindi kami magkakaintindihan nito.

Hi po. Ako po si Jessie, Kaibigan ako nila Angelo. Mag O-JT po ako.

At si Sir Brent? Parang may mali ata sa kanya ngayon? sabi ng matanda na sa tingin ko nasa early 40s na. Kanina ko pa nahahalata. They called him Brent. Yung Carlo wala na.

Nagkibit balikat ako hindi ko masagot ang tanong niya.

Halika ituturo ko sayo ang silid mo. Siguro napaka special mong tao at doon ka sa room ni Sir Angelo matutulog. Actually tumawag na yun sa akin kaya naayos ko ang kwarto niya. Pinalitan ko ng mga beedsheet, unan kurtina na naayon sa babaeng mag oocupy non. sabi niya habang umaakyat kami ng hagdan.

Bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang napakalaking kwarto. Ang ganda. Parang kwarto ng isang prinsesa.

Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang magpasabi sa akin. nakangiti pa rin niyang sabi.

O by the way, ang ganda ganda mo pala sa personal. sabi niya na ipinagtataka ko.

Po?

Wala. Sige magpahinga ka muna dito at akoy maghahanda pa ng dinner niyo.

Yun lang at umalis na siya.

Umupo ako sa gilid ng kama. Dinama ko pa ang lambot non. This is my first time na matutulog na malayo sa pamilya. Parang nahohomesick na agad ako. I missed them already.

Nahiga ako sa kama at tumingin sa ceiling. My mind wander kung ano talaga ang kahihinatnan ko dito. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. PEro kailangan kong magfocus.

LOVING nobody but YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon