CHAPTER 7
Christmas is in the air...
Nasa salas ako at nanonood ng flame of recca nang may narinig akong nangangaroling. Napansin ko na agad na lumabas si JEd.
Jessie, may barya sa taas ng Ref. Kunin mo ibigay mo sa nangangaroling. sabi ni mommy na kakababa lang ng hagdan.
Napatayo ako. Okay po. at tinungo ang Ref para kunin ang mga barya. Binilang ko 20pesos. PWede na yun ipamigay sa mga batang nangangaroling.
Malapit na ako sa pinto nang maayos kong marinig ang mga boses ng mga nangangaroling. Sounds familiar, lalo na angg boses na ang pangit pakinggan. Boses ni Bojie. Nilakad takbo ko na palabas.
At hindi nga ako nagkamali. Silang tatlo nga ang nangangaroling; CArla, Sunny, Bojie. Yung instrument nila ang ung yari sa punukpok na tansan, binutasan sa gitna at ginawang tambourine, yari sa tansan. Ay nakakamiss tp, daya di nila ako sinama.
PEro ang nakaagaw pansin ang isang lalaki na nag gigitara,nakasandal sa pader sa labas hindi ko maaninag ang mukha niya dahil naka cap ito at medyo natatabunan ang mukha niya dahil nakayuko. Pero kilalang kilala ko kung sino.
Lumabas ako ng gate. Sumunod si JEd.
Lumapit ako sa nagigitara na agad naman huminto para harapin ako. His smile. Urggg nakakaadik.
Daya hindi nyo ako sinama sa caroling nyo.
Sinusundo ka nga namin. Sabi ni Bojie.
Ilan ang binigay ng mommy mo? tanong naman ni Carla hindi na makalapit si Carlo dahil napalibutan ako ng tatlo. Pinakita ko ang barya.
Okay na yan. - Si Sunny.
Ate pwede po bang sumama? tanong ni JEd. Napatango ako. Nakita ko ang tuwa sa mukha niya. Alam ko na gustong gusto nitong mangaroling.
NAgpaalam muna kami kay mommy na pinayagan naman kami.
Bago kami tuluyang umalis ay hinila ako ni Carlo. Ang ikli ng shorts mo, pwede bang palitan? mahinang bulong niya sa akin.
Pangit ba tingnan? tanong ko. Napailing siya.
Never mind. Just stay close with me, okay. sabi niya napatango na lang ako.
NAkalimang bahay na kami. Alternate lang ang ginawa namin sa mga bahay bahay. Nakaktuwa talaga mangaroling. Merong galante, meron ding kuripot, pero ang mahalaga nagbibigay.
Pwede ba ate wag mo na pong pakantahin si Kuya Bojie, ang pangit ng boses. sabi ni Jed.
Ouch sakit naman pre, kunwari sabi ni Bojie.
Tawa ng tawa lang sila Sunny lalo na si Carla.
Hindi nagsisinungaling ang bata Bojie - Carla, walang humpay ang tawa.
Makalait ka Carla akala mo kagandahan ang boses mo. sabi ni Bojie.
Mas okay ang boses ni Carla, kuya Bojie.
Carla? NAsaan ang ate don? Ikaw bata ka? - Bojie...
Kami ni Carlo nakasunod lang sa kanila. MAgkahawak kamay kaming dalawa.
Nilalamig ka na ba? tanong ni Carlo. Pinahawak niya sa akin ang gitara at hinubad ang jacket niya. Nakalimutan ko kasing magsuot kanina. Too excited kasi.
It's okay I'm fine sabi ko. Pero pinasuot pa rin niya sa akin ang jacket niya. Amoy na amoy ko ang mabangong ccologne niya.
Thanks.
Always welcome.
Nakita ko na sumenyas si Carla sa bahay na aming ccarolingan.
Nagsimula na kaming kumanta.
NAsa kalagitnaan kami nang biglang lumabas ang isang babae. Of all people bahay pala ni Bea ang napuntahan namin.
Nakita ko kung paano naglakbay ang mga mata niya kay Carlo. Ni hindi nga kami nakikita.
Thank you! Thank you ang babait ninyo.! kanta nila Bojie Sunny at Carla. Nagtaka naman si Jed na hindi pa tapos ang caroling at hindi pa kami bingyan ng pera ay nagpa thank you na.
Hey wait hindi niyo ba tatanggapin ang ibibigay ko. sabi ni Bea na napakumot ng noo.
Nakatalikod naman ang tatlo kong kaibigan. Si Carlo naman ay napahawak ng mahigpit sa kamay ko.
Si Jed ang lumapit kay Bea para tanggapin ang pera. NArinig ko pa siyang nagpa thank you.
Hey, tawag ulit ni Bea at lumabas na ng gate. Care to join me? tanong niya. Magkasabay na humarap ang tatlo.
Sorry pauwi na kami. Kapagod na eh. sabi ni Bojie. Himala siya pa ang unang nagsabi.
Yeah, i want to go home na rin. si Carla.
Tara na guys. si Sunny at hinawakan sa kamay si JEd. Matalinong bata si Jed kahit hindi niya naiintindihan ang mga nagyayari. I know his little mind is asking.
Nakita ko na lalapit sana si Bea kay Carlo pero pinaharap ako ni Carlo sa kanya.
Are you tired na babe? malambing nitong tanong. Napatango ako. Gusto kung lingunin ang reaction ni Bea. Nakita ko kasi paano ngumiti na parang aso ang tatlo.
My boyfriend wasnt rude at all. nagawa pa nitong magpaalam kay Bea. Pero sa akin siya nakatingin.
Nagsimula na kaming maglakad palayo sa bahay nila Bea. Gusto ko siyang lingunin para makita ang nag ngingitngit na mukha niya pero binalewala ko na lang. Napapangiti na lamang ako sa ginawa ni Carlo at ng mga kaibigan ko.
======
Kung dati rati inaantok ako tuwing sumasama ako tuwing simbang gabi, ngayon hindi na. Katabi ko si Carlo sa kaliwa ko. Sa kanan sila Jed, mommy at daddy. Nandito rin, sila Bojie, Carla at Sunny na kasunod lang ni Carlo sa upuan. Tatapusin ko talaga ang simbang gabing ito at sabi nga nila pagnakompleto mo daw ang simbang gabi ay magkakatotoo lahat ng hiling mo. Ang hiling ko? Sana kami ni Carlo hanggang sa huli. Hindi naman sigurong masamang hilingin iyon. Napapngiti ako sa iniisip ko.
PEro biglang naglaho nang makita ko ang mala laser beam na mata ni Bea na nakaupo sa kabilang side at nakatitig sa boyfriend ko. Lord, patawad nakakaisip ako ng masama dahil nakakita ako ng bruha. Huhuhu. Mabuti na lang at hindi napapatingin sa gawi ni Bea si Carlo. Hinawakan ko ang kamay ni Carlo. Napatingin siya sa gawi ko at napasmile dahil sa ginawa ko. Pasimpley kong tiningnan si Bea. Nakita ko paano naglakbay ang mga mata niya sa magkahawk kamay namin ni Carlo. Mamatay siya sa inggit. BWAHAHA.
======
Dahil palaging wala ang mga magulang ni Carlo ay sa amin na siya nag noche buena.
NAsa ilalim kami ng christmas tree with my brother Jed. Nasa kitchen naman sina mommy at daddy.
I'm so excited to open my gifts. Thanks in advance ate Jessie, kuya Carlo. nakangiting sabi ni Jed na excited na sa pagbukas ng kanyang mga regalo.
Inakbayan ako ni Carlo. Nakaupo kaming magkatabi. Excited ka na rin ba sa regalo ko sayo? he asked.
Napangiti ako. Yes, pero kontento na ako na kasama ka ngayong pasko. Ang sarap pala ng feeling Carlo. Ito ang ating first christmas together as a couple. Sana tuloy tuloy na. Sa new year dito ka na rin a. sabi ko sa kanya. Napakaselfish ko man, pero gusto ko nasa tabi ko siya lagi. Na kapag hindi ko siya nakikita naiisip at na mimiss ko agad siya. Dati hindi naman ganito.
Nakangiti rin siya. Uu dito ako magbabagong taon, malakas ka sa akin e. at niyakap na lang ako ng mahigpit.
PEro pumagitna si Jed. Ako naman ang yayakap kay ate. sabi niya. Natawa na lamang kami ni Carlo.
Group hug na lang! sabi ni Carlo na ginawa naman namin.
Ito na ang pinakamasayang pasko ng buhay ko. Nanonoot kasi ang saya e.
BINABASA MO ANG
LOVING nobody but YOU
Fiksi RemajaNaranasan mo na bang magmahal at the young age? Hanggang kailan mo kayang maghintay at umasa na babalik pa ang taong mahal mo? May road to forever nga ba? Tunghayan ang kwento ng pag-iibigan nila Carlo at Jessie.