Alisha Point of view...
*knock* *knock* knock*
"Mahal na Prinsesa, male-late kana bumangon kana jan." nabalikwas ako sa higaan ng marinig ang tawag ni Ate mula sa pinto.
Badtrip naman. Ang ganda-ganda na ng panaginip ko, magtatapat na nang pag ibig si louie e.
Si Louie... ang Prince charming ko ang ultimate crush ko sa school. Panira naman si Ate eh, kahit kaylan talaga.
*knock* *knock*
"Alisha Oriana" Sigaw ni Ate. Ayan na tinawag na niya ako sa pangalan ko. Ibig sabihin naiinis na si Ate.
"Asshh... Oo na po, gigising na!" nakasimangot akong bumangon sa pagkakahiga at nagtungo na sa banyo.
Sigurado akong pag nagtagal pa ako sa higaan, hindi pa ako nakakarating sa mesa, mag-aalmusal mo na agad ako ng sermon.
Pagkatapos kong maligo at nagbihis ay bumaba na din ako. Naabutan ko si Ateng nagaayos ng mesa.
Si Ate Lily ang pinakamaganda kong ate, hindi ko alam ang edad niya kasi hindi niya sinasabi kahit magbirthday siya, puro secret lang ang sinasabi niya. Pero sa tansya ko sa edad niya mga nasa 23 years old pa lang siya. Maganda kasi siya, parang hindi nga siya tumatanda eh. Simula bata pa lang ako ganyan na mukha niya. Parang wala laging pinagdada-anang problema.
Kahit na sestress na siya sa kakulitan ko.
kami na lang dalawa sa buhay wala na daw kaming magulang. Hindi ko rin alam kong nasa'n sila kasi wala naman sinasabi si Ate kahit anong pilit ko. Sina-snob n'ya lang ako.
"Morning, Ate." bati ko ng makalapit sa mesa.
"Morning, ma-upo kana." nakangiting saad niya.
Dahan-dahan akong kumuha ng tasty bread at nilagyan ng peanut butter.
"Aba. Bilis-bilisan mo ang kilos, Mahal na Prinsesa mala-late kana." naka-pamaywang at nakataas ang kilay na sabi ni ate.
"Bakit? Anong oras na ba?" tanong ko habang nilalantakan ang tinapay.
"7:30 na siguro, tingnan mo sa orasan." sarkastikong sabi nito sabay turo sa pusang relo na nakasabit sa dingding.
"Ha? male-late na nga ako. Alis na ako, babye." nagpapanic kong sabi saka nagmamadaling kinuha ang bag ko at hinalikan si ate sa pisngi.
Naman oh. Male-late na naman ako. Mapapagalitan na naman ako ni Mr Coleman nito (First subject teacher) ang sungit-sungit pa mandin no'n.
7:30 na e kaylangan, 7:45 nandun na ako sa school. Bibilisan ko na lang pagbabike!
Kinuha ko na ang bike sa garahe namin. Narinig ko pang sumigaw si ate ng 'Ingat' pero hindi ko na pinansin at tuloy-tuloy nang lumabas.
Binilisan ko na ang pagpipidal. Gustong-gusto ko ang bike kasi Feel na feel ko yong hangin na dumadampi sa balat ko. Malamig pa naman ang hangin kapag umaga kahit marumi dahil sa mga usok ng mga sasakyan. Don't care ko yan.
Tumingin ako wrist watch ko. 7:30 na sana makaabot ako kahit dalawang kanto pa ang layo!. Tsk.
"Okay positive thingking lang, makakaabot ako." pagkausap ko sa sarili.
Pagkarating ko sa gate ng school tumingi ulit ako sa oras 7:46 na. GOSSHH. Isang minuto akong late at malayo-lyo pa ang building ng room ko.
Matapos kong iwan ang bike ko sa gate at pinabantay kay kuya guard. patakbo akong pumunta sa room ko.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyMahanap kaya nila ang nawawalang Prinsesa? Malaman kaya niya tunay na mundo niya? Makakabalik pa ba ang Prinsesa sa mundong pinagmulan niya? Matupad pa kaya ang nakasulat sa propesiya? O maghahari ang kasamaan sa mundo ng mga emortal na nilala...