♕[KABANATA 5]♕

5.8K 157 1
                                    

Alisha Point of view...


Papauwi na ako sa bahay, Ginabi narin ako sa school dahil sa walang kataposang practice at activity. 7PM na at madilim na ang parteng kalsadang tinatahak ko ngayon saka'y ang bisikleta ko.

Nagulat ako ng may biglang humarang na puting SUV sa tapat ko galing sa kabilang kanto. Lumabas dito limang mga nakaitim na lalaki at mga nakamaskara mga mata lang ang makikita sa kanila. 

Iikot ko na sana ang bike ko ng biglang humarang ang isang lalaki at hinawakan ito dahilan para hindi ako makaalis, may humarang rin sakin dalawang lalaki galing sa likod ko.

Nagpupumiglas ako at pilit wag umalis sa magkakaupo ko sa bike. pero lumabas ang isang lalaki galing sa van at tinanggal ng walang kahirap-hirap ang mga hita ko sa pagkakaipit sa upu-an ang bike ko. 

Napasinghap ako ng tinapon nila ang bike ko palayo nakita kong gumulong gulong ang natanggal na gulong nito.

Binalik ko ang tingin sa dalawang lalaking nagtapon ng bike ko.

Mahal na mahal ko ang bike kong yun bata pa ako ng neregalo sakin ni ate yun. Tapos walang pakundangan nyong itatapon lang, alagang-alaga ko yun. Kasama ko lagi yun sa pagikot-ikot ko sa park. Nang gigigil ako.

feeling ko biglang kumulo ang dugo sa loob ko sa nasaksihan at bigla akong lumakas. Nagpumiglas uli ako sa pagkakahawak nila sakin, Tinaas ko ang dalawa kong kamay dahilan para tumilapo ang dalawang nakahawak sakin sa malayo.

Binalingan ko nang tingin ang dalawang lalaking tumapon sa bike ko, nakita ko ang sunod-sunod nilang pang lunok at namumutla narin ang mga ito.

In-uppercut ko ang lalaking nasa unahan at nakatulog ito kaagad. Ang huling lalake naman ay nanginginig ng tumakbo pabalik ng van at mabilis ding nawalas ang SUv sa pangin ko.

Tinangnan ko ang kawawang bike ko at nilapitan ito. Parang gusto kong maiyak dahil nagtanggal-tanggal ang ilang part nito.

Wala akong choice kundi lakarin ang daan at bitbitin ang bike papuntang bahay.




Principe Cayben Point of view...



Nakaupo ako dito sa sala habanG malalim ang iniisip, kagundin ang iba pang principe dahil walang nagiingay at nagsasalita man lang kahit isa sa kanila.

Nakuha ang atensiyon namin nang biglang pumasok si Butler Isiah.

"Andito na po sila." nakayukong saad nito.

"Papasukin mo," mahinahong saad ko habang sa harap ng malaking tv nakatingin.

Narinig kong tinawag niya ang mga tauhang inutusan ko para takutin si Alisha.

Napalingon ako sa dalawang lalaking nanginginig ang buong katawan habang nakayuko sa harap namin.

"Mukhang tama ka nga Principe Cayben." ani ni principe Cylde habang nakatingin sa dalawang lalaki.

"Anong nangyari?" kalmadong tanong ko.

"P-patawarin nyo po k-kami...P-pasaen-siya na hindi n-namin na ta-takot ang b-babae," sabi nito. "Ma-malakas po s-siya." pagpapatuloy na saad nito.

Napangisi ako sa naisip, Sabi na nga ba hindi siya ordinaryong tao lang, Pinautos kong takutin si Alisha para malaman ko kung ano ba ang kaya niyang gawin.

"Makaka-alis na kayo." nakangiti kong saad. Yumukod dila at dali-daling umalis.

"Anong susunod na hakbang natin, Principe Cayben?" tanong ni Principe Cylde.

"Ibig sabihin... Malapit na tayong makauwi? kasama ang Prinsesa?" tanong ni principe Clymar.

Napaismid ako, 'Oo malapit ng bumalik ang nawawalang Prinsesa.'

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon