"Kaya kong hindi ako nagkakamali, alam na nila na ikaw ang kanilang nawawalang anak, Prinsesa Grania."
Kung gano'n pala sa mga araw na magkakasama kami ay nagpapanggap lang silang walang alam. iNilihim nila sa'kin na nakakabasa rin sila nang isip. Pakiramdam ko'y nagmukha akong tanga sa pagtatago ng sikretong simula palang ay alam na nila na nila ang katotohanan.
Hindi ko namalayang lumilipad na naman pala ang isip ko kaya nagulat nalang ako sa biglang paghila sakin ni Principe Cyben mula sa gitna. Nagtataka akong lumingon sa paligid dahil karamihan sa mga panauhin ay natataranta at takot na takot, may iba ring nagtatakbuhan sa labas.
Dinala ako ni Principe Cyben sa malaking silid, una ko agad nakita ang malaki niyang larawang nakasabit sa unahan ng kama kaya alam kong nang silid niya iyon.
Napansin niya sigurong ando'n agad ang atensiyon ko kaya dali-dali niya iyong tinakpan ng itim na tela bago pinagpatuloy ang pagsara ng mga bintana ng silid.
"Anong nagyayari Principe Cyben?" takha kong tanong. di ko alam kong bakit ngayon ko lang nagawang magtanong gayung kanina pa ako napapantastikohan sa nangyayari.
Hindi naman ko pinansin nito at tuloy lang sa kanyang ginagawa nang masigurong sarado na ang lahat saka niya lamang ako binalingan ng atensiyon.
"Wag na wag kang lalabas nang silid na ito Prinsesa Grania, Pakiusap. Maliwanag ba?" aniya.
hindi ko na magawang sumagot dahil dali-dali na siyang lumabas nang silid at iniwan akong magisa sa loob.
Napaupo na lamang ako sa malaki niyang kama at napatulala sa kawalan. Pakiramdam ko'y masyado nang mahaba ang araw na ito. Napansin ko simula nang mapunta ako sa mundong ito hindi na naubusan nang sorpresa ang buhay ko, palagi nalang may bago, palagi nalang may nagyayari.
Nabalik ang atensiyon ko sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok ang isang katulong. Tumayo agad ako at lumapit sa kanya. "Ano nangyayari sa labas? Maaari mo bang sabihin sakin?" pakiusap ko.
Nananatili naman itong nakayuko at bahagyang lumayo sa'kin. "Hindi ho ako maaring makipagusap sayo. Mahal na Prinsesa." mahinahong sabi nito.
Umiiling lamang ako at muling lumapit sakanya upang mahawakan ang kamay niya. "Pakiusap, sabihin mo sa'kin kong anong nangyayari sa labas. hindi ko na kayang laging walang alam." pakiusap ko.
Napaatras ako sa gulat nang bigla niyang inangat ang ulo at sinalubong ang tingin ko dahilan kaya nakita ko muli ang mata ng matandang nagbigay sakin ng kwentas.
"Nagkakagulo sa labas dahil sa paglusob ng mga Halimaw na gustong kumuha saiyo. " sabi niya habang nakatingin diretso sa mata ko. "Ngunit huwag kang mag-alala Prinsesa, Tutulungan kitang makatakas sa kanila. Kaya sumama ka sakin." dagdag niya habang palapit nang palapit sa direksiyon ko.
Mabilis akong lumayo sa kanya ngunit napansin kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. "Wala kang magagawa Mahal na Prinsesa, kaylangan mong sumama sa'kin."
." Sinabi ni Principe Cyben na hindi ako pwedeng lumabas sa silid n ito, kaya dito lang ako."
"Wag nang matigas ang ulo Prinsesa, upang hindi kana mapahamak at masaktan." wika niya.
kinikilabutan ako habang nakikipag-usap sakanya, mukhang gigil na gigil siya habang nakikipagusap sakin at nanlalaki pa ang mga mata habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Pakiramdam ko'y bumalik ang dating naramdaman ko nang mapanaginipan ko ang masamang panaginip na pinipilit ko nang kalimutan.
Mabalis na dumampot ako nang paso na nasa gilid ko at binato sa kanya ngunit mabilis niya rin itong nailagan habang naglalakad palapit sa'kin.
"Huwag mo nang pahirapan ang sarili mong lumaban Prinsesa, dahil sa ayaw at gusto mo mapupunta ka sa'kin ngayong gabi." aniya.
"Hindi ako papayag." sigaw ko at lakas loob siyang sinugod ngunit bigla nalang itong nawala sa paningin ko na parang bula.
Tinakpan ko ang tenga ko nang mapuno ng halakhak niya ang silid. inikot ko ang tingin ko sa paligid ngunit ni anino niya ay hindi ko makita tanging malakas na halakhak niya lang ang aking naririnig.
Napasubsob ako sa gilid ng kama ng tadyakan niya ako mula sa likod ngunit parin ito nagpapakita. Agad naman akong tumayo at pinakiramdama ang paligid ko.
"Wag kang makipaglaro sa'kin, pagpakita ka." inis na sigaw ko. muli ko namang narinig ang tila demonyo niyang halakhak sa kong saan.
"Nakakatuwa ka Prinsesa Grania, kong 'yan ang gusto mo, Masusunod." saad nito bago lumabas sa harapan ko. Nabigla ako sa biglang paglabas niya ngunit hindi ako nagpatinag at nanatiling nakipagsukatan ng tingin s kanya.
"Ano ang kaylangan mo sa'kin?" lkas loob kong tanong.
"Ikaw mismo prinsesa. kaylangan kita upang manumbalik ang dati kong kapangyarihan." aniya habang dahan dahang lumalapit.
"Pwes, wag ka nang umasam na makukuha mo 'ko." sabi ko saka pinagbabato siya nang mga bagay na lumutang dahil sa pagkumpas ko.
Natutunan ko ito nang sobrang inis ko kay Principe Cyben kaya pinanggigilan kong titigan ang litrato niya ngunit nagulat nalang ako nang magkagutay-gutay iyon
Napansin kong hindi siya tinatamaan ng ibinabato ko kaya sandali ko muna iyong tinigil.
"Hindi pa sapat ang kapangyarihan mo saakin Prinsesa. Wala pa sa kalingkingan ng kaya kong gawin ang kaya mo." saad nito. nanlaki ang mata ko nang sa isang iglap ay nakalutang na ako sa ere at nahihirapang huminga.
Pakiramdm ko' pinipigilan niya ang pagjinga ko. wala akong masagap na hangin at kahit anong hampas ko sa dibdib ko hindi iyon lumuluwag.
Nanlalabo na ang pangingin ko ang pakiramandam ko'y wala na akong hangin at lakas sa katawan kaya tuluyan ko nang naipikit ang mata ko ngunit bago pa ako mawalan ng ulirat napangiti ako.
"Hindi ko hahayaang may gawi ka ulit sa Prinsesa."
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyMahanap kaya nila ang nawawalang Prinsesa? Malaman kaya niya tunay na mundo niya? Makakabalik pa ba ang Prinsesa sa mundong pinagmulan niya? Matupad pa kaya ang nakasulat sa propesiya? O maghahari ang kasamaan sa mundo ng mga emortal na nilala...