♕[KABANATA 9]♕

5.4K 117 0
                                    


Alisha Point of view...

Kanina pa ako pasulyap-sulyap kay Ate na ko sa couch habang nanunuod ng t.v pero mukhang wala naman sa t.v ang atensiyon ni ate dahil kanina pasiya mukhang malalim ang iniisip at panay buntong-hinanga.

"May problema ba, ate?" tanong ko, kanina ko pa gustong itanong yan kaso nauunahan ako ng buntong-hininga niya. pero mukhang wala siyang narinig.

"Ate?" ulit ko habang nakatingin sa kanya, Ang lalim ng iniisip hindi man lang anko napapansin halos sumisigaw na ako.

"Ate?" ulit ko pa at this time sumigaw na talaga ako.

"Huh?" takhang tanong niya, na parang hindi napansin na sumugaw na ako.


Lily Point of view...

Kanina ko pa iniisip kong sisimulang sabihin kay Alis ang tungkol sa tutuong mundo namin, pano ko ba to sisimulan wala akong maisip na tamang salita para magsimula.

Kagagaling ko lang kanina sa mundo namin dahil pinatawag ako ni ama dahil may kaylangan daw siyang sabihin sakin.

☜☚ FLASHBACK ☛☞

Kanina ko pa tiningnan si Alis naghihintay ako ng pagkakataong magkatakas kailangan kong umalis ng hindi niya napapansin at siguradong magtatanong yan kong san ako pupunta.

Ng makahanap ako ng shimpo dahil pumasok si Alis sa kwarto ay nagmadali na lumabas ng bahay at umalis.

Pumunta ako sa puno na pinto papunta sa mundo namin, pagkapasok ko dito aliwalas at preskong hangin kaagad ang bumungad sakin, Nangunot ang noo ko ng mapansin ko ang ibang halaman at bulaklak na natutuyot na at ang iba'y bulok na. 

Paano nangyari to? nang huling punta ko rito ay napakapayapa at naggagandahan ang mga halaman sa paligid. May hindi magandang nangyayari sa dalawang kaharian. Sigurado akong tungkol dito ang paguusapan namin ni Ama kaya niya ako pinatawag.

Nagpatuloy na ako at hindi nalang pinansin ang mga nabubulok nabulaklak, Pagpunta ko sa mundo ng mga paroa nakita ko ang ibang abala sa knilang ginagawa mga kanya-kanyang trabaho ang inaatupag nila kaya siguro nila ako hindi napansin.

Nangnasa tapat na ako ng aming tahanan ay tumigil muna ako, nanglabas muna ako ng buntong hininga bago buksan ang pinto. palagi akong binabalitaan ni ama tungkol sa dalawang kaharian kapag pumupunta ako dito lingid sa kaalaman ni alis.

Ang aking ama at ina ay isa sa mga matatas na opisyal ng mga paroa, sila ang nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mundo ng mga paroa.

Nakita ko si ama sa kanyang upoan at si  ina na nasa gilid nito halatang ako ang hinhintay nila kaya nang makita nula ako at tumayo na si Ama at lumapit sakin si Ina.

"Lily anak" si Ina at yumakap sakin, binalik ko ang yakap kay ina at tumingin kay ama na nakangiti saakin. Humiwalay nang yakap si Ina.

"Lily, sumunod ka sa silid aklatan tayo magusap" seryosong sabi ni papa sabay nauna ng maglakad papunta sa silid aklatan.

Sumunod narin ako kasama ni ina. Nang makarating kami sa silid aklatan nakita ko ng nakaupo si ama sa kanyang sariling puwesto kaya umupo narin ako sa tapat niya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Lily" seryosong saad niya. "Makinig kang mabuti." Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

"Nagkakagulo na ang dalawang kaharian, nalalapit na ang tamang panahon para matupad ang nakasulat sa propisiya na magiisang dibdib ang principe at prinsesa para maging isang ang dalawang kaharian, Kaylangan nang makabalik ng prinsesa sa kaharian ng Riverdale bago pa man patupad ang banta ni Reyna Victoria. Kaylangan mo nang sabihin ang totoo sa prinsesa kong ano talaga siya at saan siya galing." tuloy-tuloy na wika nito.

Tumungo na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot, naramdaman ko naman na hinawakan ni ina ang balikat ko tiningnan ko ito ngumiti si ina. 

Tumango-tango nalang ako at tumayo na. "Naiintindihan ko ama, Mauna na po ako." pagpapaalam ko. Tumalikod na ako at nagumpisang umalis ng magsalita uli si Ama. "Magtiwala ka sakanya."  lumingon uli ako sandali at ngumiti .

 kahit mahirap sakin kaylangan konbg gawin ang tama kaylangan para sa kapakanan ng mamamayan ng dalawang kaharian at undo naming mga paroa, alam kong sa huli ito rin ang mangyayari at ito ang kapalaran ng prinsesa. Maswerte pa ako dahil na kilala ko ng lubos ang prinsesa at naging kapatid ng maikling panahon.


☚☜ END OF FLASHBACK ☞☛


Kailangan ko ng sabihin sa kanya sa lalong madaling panahon bago pa limala ang problema ng dalawang kaharian, sa prinsesa nakasalalay ang mortal world.

"Ate?" nabalik ako sa diwa ng tawagin ako ni Alis. 

gulat akong tumingin sakanya"Huh?" takhang tanong ko. anjan pala siya hindi ko ng napansin sa lalim ng iniisip ko.

"Grabi Ate, Saan na napunta utak mo? kanina pa kita tinatawag, sumisigaw na nga ako. Hindi mo parin ako pinapanin." may pagkainis at pagkatampo na saad nito, Ito na siguro ang tamang tyempo para sabihin sa kanya ang totoo, hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito.

Mabilis akong humarao sa kanya at kinuha ang kamay niya, tila nagulat naman ito. "May kaylangan kang malaman, tungkol sa kung ano talaga tayo at kung ano ka." seryoso kong saad dito, tiningnan ko siya sa mga mata at nakita ko duto ang pagaabang kong anong sumod kong sasabihin.


The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon