♕[KABANATA 24]♕

3.1K 84 1
                                    


I Dedicate this to you @Predegator thanks for supporting. i hope it's until the end.

***********

Sa lahat ng panaginip ko 'yon ang pinaka-ayoko nang maulit, pakiramdam ko'y hinang-hina ako kapag aalalahanin pa'yon. pinipilit kong alalahanin ang mga tao sa panaginip ko ngunit sadyang malabo ang mga mukha nila at tanging kay Principe Cyben lang ang malinaw.  

Nakatapat ako sa full size mirror--sa loob ng silid na binigay nila sakin--habang pinagmamasdan ang aking itsura. kaya naman pala nangyari ang masamang panaginip na 'yon dahil nakatulugan ko ang basa kong damit. 

pinilig ko nalang ang ulo ko ayoko nang maalala pa ang masamang panaginip na'yon lalo na't si Principe Cyben ang napahamak nang dahil sakin.

Napangiti nalang ako sa dahil sa ganda ng pinasuot nila saking damit kanina. long white off the shoulder dress ito may hanggang talampakan ko habang ang buhok ko naman ay hinayaan nilang nakalugay saka nilagyan ng flowercrown--gano'n daw kasi tumanggap ang hari at reyna ng dalagang babae--napapansin kong unti-unting nagiging kulay dilaw ang itim kong buhok ngunit pinagwalang bahala ko nalang ito.

Sinulyapan ko ulit ang aking sarili sa harap ng salamin bago lumabas. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatanaw sa malawak na hallway, napansin kong hindi tulad ng unang dating ko dito ay meron pa akong nakikitang mga naglilinis pero ngayon ay tila sarili ko nalang paghinga ang aking naririnig wala na akong nakikitang naglilinis o naligaw manlang na tao. siguro ay nagpapahinga na ang mga ito dahil tanghling tapat na.

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang titigan ang mga figurine na nakadikit sa mga dingding at iba't-ibang klase ng statwa.

 Mukhang naliligaw na naman ako dahil puro na naman mga kwarto ang nakikita ko sa bawat daan ko ng hallway.

Napatigil ako sa isang silid dahil bahagyang nakawang ang pinto nito. Pasilip ko itong tiningnan at inikot ang mata sa silid, mukha namang walang ibang tao kaya dahan-dahan na akong pumasok. siguro ay alaga ito sa linis dahil tila'y hindi nadadapuan ng alikabok ang mga gamit dito.

Ito lang 'ata ang parte ng palasyo magaan sa pakiramdam dahil sa aliwalas nito at kakaibang mga disenyo. Dahil narin siguro para ito sa sanggol payapa at magaan lang ng pintura ng silid na kulay neutral at lavander. Sa gilid ng kwarto may malaking kabinet na katabi ng tukador na puno ng mga stufftoys, may single bed at crib sa gitna nito ay may maliit na sala may magarbong chandelier din sa gitna na silid at ang pinakagusto ko sa lugar ay ang malaking binta na tanaw ang malawak at puno ng bulaklak na harden,

Napapikit ako at dinama ang  pumasok na hangin sa malaking bintana ngunit gano'n nalang ang pagkabigla ko ng may biglang magsalita mula sa likuran ko.

"Sino ang nagbigay sa'yo ng pahintulot na pumasok sa silid na ito?" sabi ng lalaki sa harap ko.

"Paumanhin ho' nakita ko lamang na nakabukas ang pinto hindi ko naman intensiyong pumasok ngunit namangha lan--"

"Sa susunod 'wag kang papasok ko saan ng walang pahintulot." putol nito sakin.

"Pasensya na po." nakayukong sabi ko ngunit agad ding nag-angat ang tingin dahilan kaya nakita ko kong pano niya pagmasdan ang silid ng puno ng pangungulila at lungkot. 

"Kanino ho' ba itong silid." biglang tanong ko kaya napatingin siya sakin at nabigla ako ng binigyan niya ako ng malungkot na ngiti.

 hindi ko alam kong bakit ngunit parang kinukurot ang aking puso habang nakatingin sakanya gusto ko siyang sunggaban ng yakap upang maibsan ang lungkot niya ngunit natatakot akong mapa-alis agad, kaya nanahimik nalang ako sa aking kinatatayuan.

"Maupo ka. kaylangan ko ng kakwentohan."anyaya niya habang pa-upo kaya agad akong tumalima at naupo narin sa tapat niya.

Nang makita ko ang mata niya tila'y nakita ko na'to. parang pamilyar na pamilyar ang bughaw niyang mata sakin.

Napabalik lang ang diwa ko nang siya na ang unang bumitaw ng tingin.

"Ang ganda ng silid na'to diba?" aniya habang nililibot ng tingin ang kabuong silid.

"Maganda nga po."

"Alam mo bang asawa ko mismo ang naglilinis at nag-aayos ng silid na'to." sabi niya saka ako binigyan ng malungkot na ngiti.

"Talaga? ang galing niya ho' talagang maganda at nakakagaan ng pakiramdam ang silid na ito. hindi naman po sa pangit ang palasyo ngunit napansin ko ho' nang pumasok ako sa palasyong ito ay nababalutan ng kalungkutaan ang paligid ngunit nang makita ko ang silid na ito saka ko lang nakita ang kaibahan ng loob nito at labas." 

"ganun rin ang aking nararamdaman kaya madalas ako sa silid na ito, at dahil narin ang anak namin mismo ang may gusto ng lugar na'to." aniya at tila may naalala dahil bahagya itong natawa." siguro kong nandito siya ay hindi lang ang silid na ito ang makikita mong maaliwalas at alaga. gusto kasi niya na lahat ng nakapaligid sakanya ay nakakahalina, magaan sa pakiramdam at puno ng saya ang paligid. Naalala ko pa noon kong pano malukot ang maganda niya mukha kapag nakakaramdam ng hindi maganda sa paligid o hindi maganda sa kanyang paningin. at kong hindi namin iyon napapansin ay kusa itong iiyak dahil para mataranta kami para lang hanapin ang hindi niya nagustuhan sa paligid." natatawang kwento niya.

Ramdam ko ang pangungulila sakanyang boses habang siya'y nagkukwento. hindi ko mapigilang hindi magtaka sa mga sinabi niya dahil parang may pinaghuhugutan ito at parang matagal niya nang hindi nakikita ang kanyang anak. 

"Asan ho' ba siya." hindi ko mapigilang tanong. umiling lang ito habang nakatingin sa binta kaya bigla akong napasinghap.

"W-wala n-na ho' b-a siya." na-linlangan tanong ko, kong totoo man ang aking iniisip hindi ko mapigilang malungkot para sakanya.

"Hindi. Hindi ko alam. Hindi namin alam. Walang nakaka-alam." sagot nito.

"Sino ho' bang may-ari ng silid na ito." tanong ko ulit kaya napatingin siya sakin, napansin kong nangingislap ang mata niya kaya kahit hindi pa mang bumabagsak ay alam kong nangingilid ang luha niya.

"Ang aming Prinsesa. Si Prinsesa Grania." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pakiramdam ko ay nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa revelisasyong nalaman ko. Agad bumalik sakin ang mga binilin ni Principe Cyben na huwag mo na akong magpapakilala sakanila.

Kaya pala ay pamilyar sakin ang Kahariang Rivendale dahil ito ang kaharian ng aking mga magulang, at nandito sa harapan ko ang Hari nito na walang iba kundi ang aking ama.

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit sa mga oras na'to,ngunit naalala ko si Principe Cyben alam kong may magandang plano siya para dito. Alam kong may tamang oras para ipaalam sakanila ang lahat na nasa harapan na nila ako. ayoko silang biglain na ako ang kanilang nawawalang anak na tinutukoy niya sa kwento. Ang Prinsesa Nila.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon