"Ako si Marthus at nasa kaharian ka ng Rivendale." sagot niya. napaisip ako bigla dahil parang pamilyar sakin ang pangalang 'yon, hindi ko lang maalala kong saan ko ba narinig.
Napabalik ako sa diwa ko ng may pumitik na tapat ng mukha ko. "Mukhang nagiiba ang direksiyon ng utak mo binibini. Ano ang iyong pangalan?" aniya. nahihiyang ngumiti naman ako sa kanya.
"Pasensya na po. Ako po pala si Alisha." pakilala ko. ayokong sabihin ang totoo kong pangalan dahil baka 'yon pa ang maging dahilan para mahanap ako ni Prinsipe Cyben. Hindi naman siguro n'on alam ang ginagamit kong pangalan ng mawala ako.
"ikinagagalak kitang makilala binibining Alisha. Sige na magpahinga kana." sabi niya at nagtungo na sa pinto para ituloy ang naudlot na pagalis.
Binagsak ko ang katawan ko sa kama ng ako nalang naiwang mag-isa. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at antok ng makahiga na ako sa malambot na kama na'to, agad bumigat ang talukap ng mata ko kaya hinayaan ko nalang lamunin ako ng antok.
Napabalikwas ako ng higa ng marinig na sobrang ingay ng paligid. Agad kong inikot ang mata ko sa buong kwarto at nakatawag ng atensiyon ko ang itim na usok na dumaan sa mula sa bintana.
Sinundan ko ito kaya napalabas ang ng silid ngunit hindi ko inaasahan ang bumungad saking labanan. Puno ng dugo sa paligid. Nagkalat ang mga naglalaban na mga kawal, Ngunit napatoptop ako ng bibig na makita si Prinsipe Cyben sa di kalayuan.
Gusto ko sana itong sigawan dahil may nakita akong susugurin siya sa likuran ngunit agad din naman siyang humarap dito at kinumpas ang spadang hawak niya. Kong wala lang siguro kami ngayon sa laban kanina ko pa siya pinipintasan sa nakakabilib niyang itsura. Seryosong seryoso kasi ang mukha niya ngunit mukhang may hinahanap.
Nang magtagpo ang mata namin agad ko siyang nginitian at kumaway napansin kong napabuga siya ng hangin saka ako binigyan ng marahang ngiti at naglakad papunta sa direksiyon ko. pero hindi paman siya sakin nakakalapit agad nagbago ang reaksiyon ng mukha niya.
"Ito na ang oras na pinakahihintay ko. Ang pagkawala mo Prinsesa." ani ng nakakakilabot na boses sa likuran ko
Nilingon ko ito at do'n ko nakita ang babaeng nakaitim na belo at puro itim ang kasuotan. Tinaas niya ang kamay sa ere kasabay ng paglabas ng nagbabagang itim na usok.
Napapikit ako ng ibato niya iyon sa direksiyon ko, ngunit ilang sigundo na wala parin akong naramdaman kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mata.
Napasinghap ako ng makitang nasa harapan ko si Prinsipe Cyben at nakikipag laban ng kapangyarihan sa naka-itim na babae.
"Tulad karin ng iyong amang mahilig mangi-alam." nanggagalaiting sabi nito.
narinig ko naman itong ngumisi. "Dahil pareho kaming may puso at pinapahalagahan."sagot ni Prinsipe Cyben na kinahalakhak nito.
"Tingnan natin kong hanggang sa'an ka aabot Prinsipe Cyben. Kapag nawala ka, wala nang poprotekta sa pinapahalagahan at minamahal mong Prinsesa." aniya niya saka naglabas nang mas malakas na kapangyarihan, Napansin kong tila nahihirapan na si Prinsipe Cyben ngunit patuloy parin siyang nakikipag-tapatan dito.
"H-Hindi k-ko hahaya-an iyon." sabi ni nito. Hindi ko na napigilan luha kong sunod-sunod na pumatak. Hindi ako makapagniwalang nakatayo lang ako dito at pinapanuod si Prinsipe Cyben nahihirapan. Hindi ko hahayaang magtagumpay ang nais niya.
Wala sa sarili kong inangat ang kamay at tinapat sa babaeng naka-itim. Ramdam ko ang pag-iinit ng palad at pag-babago ng kulay ng mata ko. Nararamdam kong tila may komokontrol sa loob ng katawan ko ngunit hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin dahil mas nag-aalab ang nais kong taposin ang laban na'to at tulungan si prinsipe Cyben.
Ng maitapat ko na sakanya ang palad ko agad nawala ang kapangyarihang nasa palad niya saka napahawak niya sa leeg kasabay ng pagtaas niya sa ere.
Napatingin ako kay Prinsipe Cyben ng hindi binababa ang kamay, Mas lalong nagpagalit ng nararamdaman ko ng makita si prinsipe Cyben na hinang-hina ngunit tila gusto niya akog pigilan sa ginagawa ko. Umiling ako.
Hindi ako sanay na ganito siya. alam kong mas malakas siya sakin ngunit nang dahil sa babaeng nasa harap ko ngayon, nagkaganito siya.
Gustohin ko mang itigil 'to hindi ko magawa dahil mawawalan na ako nagkontrol sa sarili. Ramdam na ramdam ko na ang leeg niya sa kamay ko ngunit lalo ko pa iyong hinigpitan.
Naka-agaw lang ng atensiyon ko ang isang magandang babae at lalaki sa kabilang direksiyon ko. Mukha silang kaedad lamang ni Ate lily.
"Prinsesa, huwag mong dungisan ang iyong kamay ng dahil lang sa babaeng 'yan." malambing na sabi ng babae.
"Prinsesa, makinig ka sa amin, anak. Kami ang iyong magulang." sabi ng lalaki dahilan kaya lalong lumakas ang pintig ng puso ko. Dahan-dahan kong binaba ang aking kamay at lumapit sa dalawa. Ramdam ko ang pagpigil ng kamay ni Prinsipe Cyben ngunit tuloy-tuloy lang ako.
Ramdam ko ang pagkasabik sa kanila. nasasabik akong mayakap sila at maramdaraman ang pagmamahal na magulang na hindi ko naramdaman simula ng mag-kaisip ako.
Patuloy lang ako sa paglapit sakanila nang marinig ko ulit ang nakakakilabot na boses niya. "Uto-uto. tingin mo ganun mo nalang ako agad mapapabagsak!? Pagsisisihan mong hindi mo pa ako pinatay." sabi nito kasabay ng pagkawala ng babae at lalaki sa harapan ko.
Otomatiko akong napaharap sa kanya ngunit hindi ko inaasahan ng maglabas agad siya ng nagbabagang itim na usok at binato sa direksiyon ko. Ngunit agad nanlaki ang mata ko dahil sa biglang pagsulpot ni Prinsipe Cyben sa harap ko, pero hindi tulad kanina na kapangyarihan niya ang ginawang pananggalang dahil siya mismo ang bumagsak sa harap ko. Agad ko naman siyang sinalo kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Natulala ako pansamantala habang pinagmamasdan siyang nahihirapan sa harap ko. Hindi ako makapaniwalang sinalo niya 'yon para sakin, kahit pala mukhang siyang walang pakialam sa'kin ay kaya niya parin isakripisyo ang sarili niya upang maprotekstahan ako.
Lalong umagos ang masagana kong luha ng may lumabas na dugo mula sa bibig niya.
"Wag. Prinsipe Cyben, wag mo akong iwan."
"Prinsesa Grania." rinig kong bulong niya.
"Oo, Prinsipe Cyben. wag mo akong iiwan, pakiusap." hindi ko 'ata kakayanin mawala siya sa buhay ko, alam kong naging malaking parte narin siya nang pagkatao ko. Dahil sa kanya narating ko na ang totoo kong mundo at malapit ko nang makilala ang mga magulang ko.
"M-magi-i-ingat ka. Gra-grania." sabi niya at unti-unti nang pinikit ang mata na lalong nagpahagulgol sakin.
"No, Prinsipe Cyben, kaylangan ka namin. Kaylangan kita, kaya pakiusap lumaban ka." pilit kong gising sakanya, ngunit tila hindi niya naririnig.
"Prinsipe Cyben."
"Prinsipe Cyben."
"Binibini"
"Prinsipe Cyben, wag mo akong iwan"
"BINIBINI." mula sa pagkakapikit agad akong napadilat at napatayo ng bungaran ko ang daming mukha na nakatingin sakin na may pag-aalala.
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng pintig nito. ngunit napatigil ako ng maramdamang basang basa ng luha ang buong mukha ko.
"Nagkaroon ka ng masamang panaginip, Binibini."
*********
Yeheyy! naka-pagUD si ako ng sunod-sunod na araw. Thanks sa Vote nyo. Aja lang continue reading and follow me for didecation. LOve lotsss.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyMahanap kaya nila ang nawawalang Prinsesa? Malaman kaya niya tunay na mundo niya? Makakabalik pa ba ang Prinsesa sa mundong pinagmulan niya? Matupad pa kaya ang nakasulat sa propesiya? O maghahari ang kasamaan sa mundo ng mga emortal na nilala...