♕[KABANATA 31]♕

2.9K 63 11
                                    


Naguguluhang napatingin ako kay Principe Cyben na abala sa pagpapalutang ng malalaking bato papunta sa harap ko. 

Hindi ko alam kong nagpapasikat ba siya sakin o ano, pero kinakabahan ako habang pinagpapatulkoy niya ang ginagawa niya. Ngayon ang pangalawang araw ng pageensayo namin at salamat sa diyos dahil hindi na ni Principe Cyben pinatuloy pasagutan niya sakin kahapon.

"Anong gagawin ko d'yan?" tanong ko agad sakanya ng makitang tapos niya nang ilagay ang mga bato sa harap ko.

"Kaylngan mong ibalik ang mga 'yn sa dati nilang kinalalagyan para maka-alis ka sa kinalalagyan mo." sagot nito. nanlaki ang mata kong napatingin sakanya.

Hindi ko namalayang napalibutan na pala niya ako ng mga bato, kaya pala bigla na lang akong ininitan sa pwesto ko dahil hanggang dibdib ko na agad ang taas nito ng hindi ko namamalayan. 

Inis na binalingan ko ulit ito ng tingin. "Pinaglalaruan mo bva talaga ako principe Cyben?" tanong ko. Dahil napapansin kong laging imposibble ang mga pinapagawa niya sakin. Nalala ko na naman tuloy 'yong panahon na lagi niya akong niloloko sa direksiyon, Siguro ay ito naman  ngayon ang daan niya para mapaglaruan ako!

"Hindi tayo naglalaro, Prinsesa Grania. Nageensayo tayo." aniya dahiulan kaya lalo naginit ang bunbunan ko at nagpapapadyak. Hindi ko gustong magtrantums dito pero hindi ko maiwasan, dahilo pakiramdam ko'y palagi niya kong pinaglalaruan.

Sinubukan ko itulak ang mga bato sa harap ko pero tila hindi manlang ito gumalaw.

Mukhang tuwang-tuwa naman si Principe Cyben na nakikitang nahihirapan ako dahil kumuha pa talaga siya ng pagkain--na hindi ko alam kong saan nang galing--at upuan saka umupo sa harap ko.

Sinubukan ko namang tumalon at sumampa sa bato para maka-alis pero napatigil ako nang may pumupulupot sa paa ko.

"H'wag kang madaya Prinsesa Grabnia, ginagawa natin ito para makapag-ensayo ka, at mailabas mo ang kapangyarihan mong tintaglay." biglang sabi ni Principe Cyben kaya sumuko na lamang ako sa pagpupumiglas sa mga baging na gustong pumulupot sa paa ko.

Maya-maya pa may naramdaman na naman akong gumagalaw sa paanan, Sinubukan ko itong tanawin pero masydong madilim dahil sa mga batong nakaharang.

Una'y akala ko'y ang mga baging lang kanina ngunit napagtanto kong masyado itong maiksi, med'yo mataba at mabalahibo. Napadasal ako bigla na sana hindi tama ang nasa isip ko na nage-exist sa mundong ito ang isa sa mga kinatatakutan ko.

Parang nabuhusan ako nnang malamig ng tubig nang mapagtanto kong isa nga itong malaking daga at nakumpirma ko iyon nang matanaw ko itong umaakyat sa mga bato. Gusto kong magpanic dahil parang gusto niya pa akong makaface to face pero naisip ko na kapag ginawa ko 'yon bago tumalon lamang ito sakin.

"Principe Cyben, Tulungan mo'ko, may daga." nangingig kong sabi dito.

"Ah, ganun ba?!" tila wala lang na turan nito. Kung siguro'y hindi ako nakakulong sa mga batong ito ay kanina ko pa siya nasakal. 

Naisip kong sumigaw nalang pero agad pumasok sa isip ko na wala nga pala saking makakarinig dito dahil nasa patag kaming bundok ng Kahariang Rivendale at baka magulat din ang daga, baka tumalon pa ito sakin.

Habang nakatingin ako sa mata ni Principe Cyben na tila nakikiusap ng tulong ay may biglang pumasok sa isip ko na sinabi ni Principe Cyben kahapon. 

  Kong anong layunin ng puso mo. 'yon ang tutugunin nito  dahil d'on napatingin ako sa dagang malapit nang magtagumpay makalabas . Napapikit na lmang ako at sinabi nang buong puso ang gusto kong mangyari sa mga oras na'to. 

"Nais kong makalabas dito." kasabay nang pagbigkas ko ang pagliwanag ko at magkawala ko sa mga batong ginawa ni Principe Cyben.

Napanganga ako at halos manlaki ang mata kong napatingin kay Principe Cyben na sa unang beses nakita siyang may malawak na ngiti s amukha.

"P-principe Cyben, nagawa ko!" tuwang tuwang saad ko. kaya bigla nalamng akong tumakbo papunta sa kanya at dinambahan ng yakap.

Parehas kaming natigilan dalawa sa ginawa. ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko dahil sa pagkakadikit namin. Unti-unti akong kumalas ng yakap sa kanya at nagiwas ng tingin.

"Ah-pasensya na, na carried away lang." agad kong sabi saka siya tingnan. mukha namang nakabawi na siya sa pagkakagulat kaya unti0unti narin siya napangiti.

"Masaya ako nagawa mong maka-alis sa mga batong ginawa mo Prinsesa Grania, Maganang simula 'yan sa paglabas ng 'yong ibang kakayahan." nakangiting wika nito. bigla akong nakaramdam ng pagkailang dahil sa ganda ng ngiti niya. 

Masaya rin ako dahil sa unang pakakataon nagawa ko ang gusto ko, kaylngan lang pala iyong gamitan ng puso para makamtam ko ang tunay kong layunin. bigla kong naalala ang sinabi nilang 'ang isnag bagay ay makukuha mo. basta't isinasa puso mo ito' at nagpapasalamat ako kay Principe cyben dahil siya ang nagturo no'n

"Ngunit hindi mo pa tapos ang pinapagawa ko. Kaylangan mo pang ilagay ang mga batong yan sa kanilang dating lalagyan." biglang sabi niya.

 napangiti nalang ako at agad na sumaludo. "Masusunod Mahal na Principe." saad ko ng may ngiti sa labi dahilan kaya nahawa narin siya at napangiti.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon