♕[KABANATA 30]♕

2.9K 53 4
                                    


Ngayon ang unang ensayo namin ni Principe Cyben at talagang kinakabahn ako sa mga ipapagawa niya sa'kin. Sana naman hindi niya ako pahirapan ng husto.

Natanaw ko nang naglalakad si Principe Cyben papunta sa direksyon ko na gamit na naman ang seryosong mukha, Dali-dali kong inayos ang sarili ko at tumayo ng maayos nang nasa harap ko na siya.

"Magandang Umaga Principe Cyben." bati ko dito. 

"Magandang Umaga rin, Prinsesa Grania." balik na bati nito ngunit nanatiling walang ekspresiyon ang mukha. Siguro talagang ipinaglihi si Principe Cyben sa sama ng loob dahil umagang-umaga ay nakasimangot na naman ang mukha niya.

"Ano ang ating page-ensayohan dito Principe Cyben?" tanong ko. Dahil kanina pa ako nagtataka kong bakit niya dito sa silid aklatan napiling magensayo.

"Kaylangan mo munang hasain ang talas ng iyong isip." sabi nito saka pumunta sa mga istante ng libro. "Upang matutunan mong kalkulahin ang mga bagay sa paligid mo." dagdag nito, nilabas niya sa istante ang kulay itim na makapal na libro saka dinala iyon sa harap ko.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya habang pabalik ang tingin ko sa kanya at sa libro. Magpoprotesta pa sana ako ngunit binigyan na ako ni Principe Cyben ng Wag-ka-nang-magtanong-buksan-mo-nalang-look.

Kaya dahan-dahan kong binuksan ang librong nilapag ni Principe Cyben sa harap ko ngunit hindi ko paman nabubuksan 'yon ay naisara ko agad dahil sa nasilip ko sa loob ng libro.

Napatingin ako kay Principe Cyben ng masama dahil mukhang pinagtitripan niya ako. alam kong nababasa niya ang isip ko kaya maaring alam niya rin ang kahinaan ko.

"Kahit ano pagawa mo sa'kin, wag lamang 'to." pagtanggi ko. hindi ko balak mabaliw dahil lamang sa librong binigay niya sa'kin. 

"Kong hindi mo masasagutan yan. hindi tatalas ang iyong isip kumalkula ng galaw ng iyong mga kalaban." sagot nito dahil kaya lalo akong napasimangot. 

"Hindi ba maaring sa ibang paraan mo nalang hasain ang aking isip wag lang dito?" reklamo ko. nabigla ako ng biglang ilapit ni Principe Cyben ang mukha niya sakin kaya agad akong napaatras. parang may bumabara sa lalamonan ko dahil sa ginawa niyang iyon.

"Hindi." sagot lamang nito. kaya wala akong nagawa kundi buksan ang libro. Dahan-dahan ko ulit iyong binuksan dahil may kabigatan din ang pabalat nito. 

Pagkabukas ko'y na gulantang ako sakin nakita. Pakiramdam ko'y luluwa ang mata ko nito kapag pinilit ko itong sagutan.

"Kaylangan mong matapos 'yan sa loob lamang ng isang araw. hindi ka makaka-alis sa kinauupuan mo hangga't wala kang nasasagutan kahit isa." aniya. siguro ko naging guro lamang si Principe Cyben ay malamang marami nang nagreklamong mag-aaral dahil sa kastriktohan niya. 

Grabe hindi ko akalain na hindi naman siya guro ngunit napakahirap ng pinapasagutan niya sakin. Nabigla ako ng kumha si Principe Cyben ng banko at naupo sa harap ko saka yumuko sa mesa. "Hindi mo manlang ba sakin eta-traslate sa tagalog ito?"takha kong tanong.

"Alam kong matalino ka Prinsesa Grania. kaya mona yan." sagot nito at balak pa yata akong tulugan. Pakiramdam ko'y nagdadahilan lang si Princip Cyben na matutulog siya ngunit hindi niya talaga alam sagutan ito.

"Seryoso?"di makapaniwala kong tanong. bigalanaman muling tinaas ni Principe Cyben ang kanyang ulo at tingnan ako sa mata.

 "Kaylan ba ako nagbiro Prinsesa Grania?" tanong rin nito. Bigla naman akong napaisip dahil parang hindi pa siya narinig nagbiro simula nang magkasama kami. "Ewan."sagot ko.

"Wala akong panahon para sa mga kalokohan. Kaya dapat seneryoso mo ang mga bagay." aniya at niyuko ulit ang ulo sa mesa.

Napabuntong hininga na lamang ako at tingnan ng di makapaniwala ang librong nasa harap ko. Pano ko masasagutan ang napakaraming numerong ito kong ang panuto ay hindi ko rin maintindihan. At wala man lang balak na magpaliwanag sakin.

Kahit siguro ang professor namin sa Engineering ay hindi kayang sagutan ang mga numerong nasa harap ko dahil sa daming problemang kaylangang solusyunan.

Napatingin na lamang ako kay Principe Cyben na parang nasa kalagitnaan na nang tulog nang may biglang umilaw na ideya sa isip ko.

tama kong ang paraan ni Principe Cyben para makapagisip ay pagtulog bakit hindi ko siya gayahin kong sa ganoon marefresh naman ang utak ko at pagkagising ko'y masagutan ko na ito, ngunit wala akong balak tumabi kay Principe Cyben lalo na't nasa iisang maliit na mesa lamang kami kaya saking silid na lang ako matutulog.

Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng mapansin ko ang dalawang harang na istante ng libro sa tig-kabilaang gilid ko.

Kaya't ang kinalabasan ay na korner ako sa dalawang istante ng libro sa gilid ko, sa pader na nasa likod ko at kay Principe Cyben na nasa Harap ko.

Mukhang kapag naging Gwardiya si Principe Cyben ay mapopromote siya agad kahit tulugan niya ang kanyang trabaho dahil sa galing niya humanap ng Diskarte.

Napabuntong hininga na lamang ako at napasubsub narin sa mesa. Mukhang wala na talaga akong takas kong sana'y tulad rin ako ni Principe Cyben na may kakayahang makapag teleport ay lagi ko na siyang natatakasan lalo na sa mga ganitong pangyayari.

Nagulat ako nang biglang magsalita ang tulog--este si Principe Cyben sa harap ko. "Kong anong nilalaman ng puso mo. 'yon ang tutugunin nito." wika nito habang nakatitig sa mga mata ko.

Minsan talaga'y hindi ko maintindihan ang pagkamata nito ni principe Cyben. hindi ko malaman kong saan ba niya hunuhugot ang mga iyon. Napahikab na lamang ako at tuluyang napapikit kahit pa naaninag ko si Principe Cyben na nakatingin sakin ay hindi ko na pinansin dahil tuluyan na akong nilamon ng antok.





The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon