♕[KABANATA 17]♕

4.3K 109 1
                                    

Alisha Point of view...

Naglalakad na kami ngayon pababa ng bundok, At ang masasabi ko lang mapayapa ang lugar na'to kesa sa pinang-galingan ko.

May mga nagbibilad ng pananim nag papakain ng hayop, nagtitinda, mamimili, at n-nagpe-perform?

'Wait anong bang klaseng lugar 'to?'

Napapansin kong lahat ng taong madadaanan namin o makakasalibong ay yumuyuko, si Principe Cayben dedma lang at ako syempre yumuyuko din.

Huwaran akong mag-aaral sa school namin kaya nasana'y na akong pag may makaka-salubong na nakangiti sakin o bumabati, Babatiin ko din.

"Sa'n na pala tayo pupunta Cayben?" tanong ko at sinabayan siyang maglakad.

"Sa palasyo."

"Talaga? Saang palasyo?"

"Sa palasyo ko!" sabi nito kaya bahagya akong napasimangot.

kala ko pa naman sa palasyo ng mga magulang ko, Gusto-gusto ko na kasilang makita.

"Hindi mo pwede silang biglain, ihahanda mo na natin sila! Sakay na." sabi niya at nilahad ang kamay nagtataka naman akong tumingin dito, Saka tumingin sa harapan ko.

Nanlaki ang mata kong napaatras ng makita 'kong isang makisig at magandang kulay brown na kabayong nasa harapan ko.

Umiiling ako at tinago ang dalawang kamay sa likod. "Ayoko nga! Hindi ako marunong sumakay d'yan! Mamaya mahulog pa ako e."

"Edi maglakad ka." sabi niya at sumampa na sa kabayo bago hinampas at pinatakbo ito.

"H-h-hoy!?" gulat kong sigaw habang nakaturo sa dinaanan niya.

Bwesit 'yon iniwan ako!? hindi ba pwede ditong pakipot? tch.

Maya-maya pa may karwaheng walang bobong ang tumapat sakin agad naman may nag lights on sakin pero agad ding napangiwi ng maalalang, wala pala akong pera.

Pero bahala na hindi naman ako pwedeng dito lang sa kalsada, hindi ko alam kong anong mga klaseng uri ang mga nandito, mamaya may vampire pa dito at sipsipin ang dugo ko. Kaya kakapalan ko na muna ngayon ang mukha ko.

Nginitian ko ng matamis si Kuyang driver ng karwahe ng makalapit ako. "Kuya pwede ho bang sumabay?" nahihiyang tanong ko.

Ngumiti naman siya sakin at tumango, kaya lumapad ang ngiti ko at dali-daling umakyat dito.
Pero nataranta ako ng bigla itong umandar.

"S-sandali kuya, hindi na ba tayo maghihintay ng pasahero mo?" takhang tanong ko pero nakangiti parin ito.

"Hindi na ho kaylangan."

"A-ah!? Pero saglit lang ho, Alam mo ba kong sa'n ako pupunta?"

"Wag ho kayong mag-alala, mapagkaka-tiwalaan n'yo ho ako." sabi nito, kaya pinili ko nalang manahimik.

Mala'y ko namang may pagkamanghuhula din pala ang mga tao dito.

Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin na may pagkamangha sa mukha. Hindi ko mapigilan dahil sa ganda ng mga dinadaanan namin.

Madaming taong naglalakad dito lahat sila mga nakangiti na parang walang problemang dinadaanan, kung ganito lang lagi ang makikita ko, mawawala ang stressed ko!

Dahil sa pagkamangha hindi ko na napansin na nakatigil na pala kami. napansin ko nalang na binubuksan ang isang malaking bakal na gate.

Pumasok d'on ang karwahe at tumigil kami sa gitna ng fountain kaya bumaba narin ako.

At halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa malaking-malaki at mataas na palasyong nasa harap ko. Kung gaano kalaki ang bakal na gate nila, Mas malaki pa ito.

May napansin akong isang piguta do'n kaya pinaliit ko ng bahagya ang mata ko dahil nay kalayuan din siya mula sa pwesto ko.

Ng naaninag ko na kung kanino ang pigurang 'yon, Tumayo ako ng tuwid at tinaasan siya ng kilay.

lumapit naman ito, kaya lalo ko siyang sinimangutan.

"Siraulo ka ano? bakit mo ako iniwan?!" inis kong tanong.

"Sabi mo ayaw mo, hindi ba?!."

"Oo nga! pero hindi mo dapat ako iniwan!."

"Pinasundo naman kita." sabi niya na kinagulat ko.

Pinasundo? kanino? Wait sa karwahe ba?

"Oo, sundo mo 'yon!" sabi niya, napapahiyang tumungo nalang ako, tss bakit hindi kasi sinabi ni kuya?

"Tch tara na kanina pa sila naghihintay." biglang sabi nito saka kinuha ang kamay ko at hinila.

Hinila ko din ito mula sa kanya, nagtataka naman siyang lumingon sakin. "Ayan na naman, Sino ba kasing naghihintay sakin?" tanong ko.

Nagulat kaming dalawa ng biglang bumukas ang malaking pinto at niluwa n'on ang magandang babae at lalake, kasama rin 'yong tatlo kasama ni Cayben sa Mall.

Patakbong lumapit sakin 'yong babae at yumakap.

"Kinagagalak kong nakita kana namin Prinsesa Sofia." naluluhang sabi nito mula sa pagka-kayakap sakin.

"Siguradong lalong ikagagalak ito ng hari at reyna ng Rivendale." Biglang sabi ng lalake.

"H-hello po." nahihiyang sabi ko, napakunot naman pareho ang kilay ng dalawa.

"H-hello?" sabay na tanong nila.

"A-ah Kamusta po."

"Masaya, Prinsesa Grania lalo na nakita kana namin." sabi ng babae.

"Kinatutuwa naming natagpuan kana ng iyong Principe." sabi naman ng lalake.

"H-ho?"

"Paumanhin Ama, Ina, ngunit mukhang kaylangan muna ng Prinsesang magpahinga." biglang sabat ni Cayben.

"Sige, Nagpahinga ka muna Prinsesa, pagkatapos ay saka tayo nagkwentuhan." sabi ng babae

"Sige, ihatid muna siya sa kanyang silid Principe Cayben." sabi ng lalake kay Cayben.

"Sige ho, mauna na kami Ina, Ama." paalam naman niya.

"Sige ho, kinagagalak ko rin hong m-makita kayo." paalam ko naman. Saka naglakad na

Tumango nalang ang babae at lalake na magulang pala ni Prince Cayben, Edi ibig sabihin ang magandang babae 'yon ay ang reyna at lalake 'yon ay ang hari?




The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon