Alisha Point of view...
Pagkaparada ko ng bike sa garahe ay dumeritso na akong pumasok sa loob ng bahay. Nabutan ko si Ateng prenting naka-upo sa sofa habang nanunuod ng teleserye.
"I'm home, Ate." sabi ko at tumabi sa kanya sa pag-upo.
Tiningnan ako nito at ngumiti sandali bago ibalik ang tingin sa pinanonood.
"How's school?" maya-maya'y tanong nito.
Bigla ko namang naalala yong grupo ng limang lalaki sa caffeteria kanina. 'yong magtama ang tingin namin no'ng mukhang leader nila, kakaiba ang mata niya. Kahit siguro sino hindi gugustuhing makipagtitigan sa kanya. Alam kong hindi basta-basta ang lalaking yun, hindi pa nagkakamali ang Instintc ko.
Hanggang sa bumalik kami sa room hindi parin mawala sa isip ko yong lalaki sa isip ko. Nacucurious ako kong ano ba talaga siya.
Alam kong kakaiba siya, alam kong kagaya namin siya, dahil alam kong iba kami sa mga normal na tao hindi man sabihin sakin ni Ate.
Bumalik ako sa diwa ko ng magsalita sa gilid ko si Ate. "Lutang na naman ang kapatid ko." sabi niya habang umiiling.
"Huh?" parang-tangang tanong ko. Bakit ko pa ba kasi iniisip ang lalaking yun? Baka siya ang maging paraan para malaman ko kung ano ba talaga kami!.
"Ano iniisip mo?" tanong ni Ate.
Umiiling ako. "Wala ate. Iniisip ko lang si Louie hindi ko kasi siya nakita kanina." paliwanag ko.
Hindi na nagtanong si Ate, ayaw niya kasi na pinag-uusapan si Louie, Bakit? Hindi ko rin alam kay Ate kung bakit ayaw niya kay louie ko. Pero hindi niya ako pinipigilan kung ano ang gusto ko. Lagi siyang nakasuporta sakin.
Lily Point of view...
Iniisip ko parin kung ano bang iniisip ni Alisha. Alam kong hindi si Louie ang iniisip niya dahil kapag ang lalaking 'yon siguradong nagi-inarte o nakangiti na iyon.
Alam kong may mas malalim pa siyang iniisip. Iniisip ko rin kong baka ang iniisip niya ay kung ano ba talaga kami. Bata palang siya marami na siyang tanong. Matalino si Alisha kaya hindi magta-tagal malalaman niya kung ano talaga siya sa sarili niyang paraan.
Hinahayaan ko siya dahil alam kung yun naman talaga ang dapat. Ngunit natatakot din akong malaman niya nag totoo dahil alam kong mawawala siya sakin kapag nangyari yon.
Simula ng ibinigay ni diwatang Elle sakin si Alisha siya na naging pamilya ko dito sa mundo ng tao pero kung gusto niya talagang malaman at bumalik sa kung ano talaga siya dapat. bukal sa loob kong tatanggap 'yon.
Nandito ako ngayon sa opisina ko saking kwarto. Pinipilit kalimutan ang agam-agam sa puso ko sa pamamagitan ng pagbabasa ng ibang case na hawak ko.
Isa akong Attorney. Kilala akong attorney dahil sa dami na nang nahawakan kong kaso at lahat iyon ay naipanalo ko. Ang mga kaso hinahawakan ko ay ang mga taong nagsasabi lang ng totoo base narin sa kulay ng aura nila, mahirap man o mayaman.
Ayokong may naargrabyado. Bago pa akong maging tao isa na akong mataas na opisyal na naghahatol sa mundo naming mga paroa. Kaya ngayon pinapagpatuloy ko ang propesyon ko sa mundo naman ng mga tao.
Pero ngayon kahit anong pilit kong intindihin ang mga papeles na hawak ko wala paring pumapasok dahil sa mga agam-agam ko.
Kumunot-noo ko ng may marinig na may nag doorbell. Sino naman kaya ang bibisita sa hating-gabi na, wala naman akong inaasahang bisita maging si Alisha wala namang sinabi sakin at tulog na.
Binaba ko muna ang mga papeles na hawak ko sa desk, at lumabas na ng kwarto.
Pagkalabas ko ng gate, luminga-linga ako sa kaliwa harap at kanan nganit walang tao. Napatingin ako sa baba at may nakita doon .
Isa itong papel ng mga diwata. May kumikinang na nakasulat doon, binasa ko ito lalong nadagdagan ang agam-agam aking nararamdaman.
"Malapit na ang tamang panahon"
Bumalik ako sa loob ng bahay ng may naalala ako, tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader.
Ang oras ngayon ay ang oras ng pagpasok ni Diwatang elle sa mundo ng mga tao kasama si ang sanggol si Alisha ang kapatid ko. Ang mahal na Prinsesa.
____________
Hey! VOTE and COMMENT siyaka Follow nyo narin ako. hehe
THANK YOU READERS...
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyMahanap kaya nila ang nawawalang Prinsesa? Malaman kaya niya tunay na mundo niya? Makakabalik pa ba ang Prinsesa sa mundong pinagmulan niya? Matupad pa kaya ang nakasulat sa propesiya? O maghahari ang kasamaan sa mundo ng mga emortal na nilala...