♕[KABANATA 11]♕

5K 93 1
                                    


Continoution...

Hapon pa lang ngunit madilim na ang paligid nangnakarating ako sa kahariang Riverdale nakita ko sa ibaba ang napakaraming kawal na mga nakahanay at ang Haring Maddox, sigurado akong naghahanda na sila sa mangyayari mamaya.

Nagpatuloy na ako sa silid ng prinsesa dumaan ako sa bintana ng kaharian naabutan ko si Reyna Emelia na kinakausap habang pinapatulog ang prinsesa pati ang dalawang alipin.

Maya-maya pa ng masigurado ni Reyna Emelia na tulog na ang prinsesa ay tumayo na ito at naghabilin sa prinsesa hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil may kahinaan ang bosesa nito at medyo malayo ako sa gawi nila. Bago umalis si Reyna ng silid ay hinalikan muna nito sa noo ang prinsesa nang tumayo na ito dun ko lang napansin na nakasuot ito ng Kalasag.

Nanatili lamang ako nagtatayo sa gilid ng kurtena ng bintana ng prinsesa hindi ako napapansin ng dalawang bantay dahil abala ito sa pagkukwentohan.

nakatingin lamang ako sa prinsesa sa maamong mukha nito, Kawawang prinsesa bata pa ay may banta na ang buhay, Nakita ko sa mukha nito ang Kapayapaang hatid niya sa buong kaharian, sigurado akong balang araw kapag siya na ang hinirang na bagong reyna at nag-isa na ang dalawang kaharian lalong lalakas at uusbong ang mundo ng mga immortal, hatid niya ay kapayapaan. Nakikita kong hahangaan ang prinsesa sa taglay nitong ganda at kabutihang puso tulad ng kanyang mga magulang.

Habang pinagmamasdan ko ang prinsesa ay napabaling ako sa ibaba ng may nariig na nagkakagulo malamang naguumpisa na ang kaguluhan, nakita ko ang mga kawal na ginagawa nila ang kanilang makakaya, napabaling ako sa may gitnang parte at nakita ko ang Hari at Reyna na sabay na nakikipaglaban gamit ang mga sandata nila at kapangyarihan.

Nahagip ng mata ko mula dito sa kinatatayuan ko sa gilid ng bintana na may itim na usok na pumasok mula sa labas. Lumingon ako sa kinarorounan nbg prinsesa at nakita ko si Reyna Victoria ang isa sa kababata ng mga hari at reyna na hinahaplos ang mukha ng prinsesa  habang nakangiti sa prinsesa, napatingin ako sa gawi ng mga taga-bantay na nakahandusay na sa sahig at walang malay.

Napatingin ako kay Reyna Victoria na ngayon ay kawak na ang prinsesa ng magsalita ito. "Napakagandang Prinsesa ngunit Kaawa-awa din dahil ngayon kana mababawian ng buhay sa mga kamay ko. HAHAHAHAHAH." pagkatapos sabihin ang mga katagang yun ay tuimawa siya ng napakalakas ang tawang iyon ay nakapanayo ng mga balahibo ko sa katawan, nakakatakot ito punong-puno ng itim na aura at kita ang galit sa mga mata nito.

Lalong bumilis ang pintig ng puso ko sa takot ng umpisahan na niyang dalhin ang prinsesa palabas gusto kong pigilan ito ngunit alam kong kapag ginawa ko iyon ay maaari ako ang unang mabawian ng buhay at hindi ko mabantayan ang prinsesa tulad ng sabi ni Diwatang Elle.

Wala akong nagawa kundi sundan si Reyna Victorian kung saan niya dadalhin ang prinsesa.

Dinala nito ang prinsesa sa gitna ng kagubatan. Nakitang kong nilapag nito ang prinsesa sa isang bato. nagtago ako sa gilid ng puno malapit sa kanila. Napansin kong may kinuha ito sa ilalaim ng kanyang kasuotan, dahan-dahan niyang nilabas iyon at nakita kong isa iyong patalim, tinaas niya iyon sa pwesto ng prinsesa, Lalabas na sana ako ng maunahan ako ng puting bagay na ikinahiga ng masamang reyna sa lupa.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng puting bagay at nakita ko dun si Diwatang Elle na nakataas ang kamay, Nakita ko pang lumingon ito sa gawi ko bago lumapit sa pwesto ni Reyna Victoria at prinsesa.

Nakita ng dalawang mata ko kung paano sila nagtapatan ng kapangyarihan ngunit di nagtagal natalo si Reyna Victoria, hindi na nakakapagtaka kung bakit natalo si Reyna Victoria ni Diwatang Elle dahil sadyang makapangyihan ang Diwata lalo na kapag ito'y ginagalit.

Maya-maya pa ay untio-unting dinadala ng hangin si Reyna Victoria ngunit bago ito mawala sa hangin ay may sinabi ito na kinabalisa ng Diwata.

"Magbabalik ako, at pagbabalik ko mamamatay ang batang iyang at maglalaho ang dalawang kahariang iyong iniingatan."kita ko sa mata nito ang takot at pagkabahala, nang tuluyan ng mawala si Reyna Victoria sa hangin ay dahan-dahan akong lumapit sa kanilang dalawa.

Hindi muna ako nagsalita at pinagmasdas ang diwatang nasa harapan ko, Nakita kong mukhang may malalim itong iniisip, naputol lamang iyon ng biglang umiiyak ang prinsesa.

"Hindi maaari." biglang sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong hindi maaari Diwata?" takhang tanong ko.

"Hindi maaring mamatay ang prinsesa, kaylangang matupad ang propesiya."tuloy-tuloy na sabi nito habang nakatingin sa prinsesa.

"Huwag munang isipin ang sinabi ni Reyna Victoria Diwata, wala na siya, wala nang papatay sa prinsesa." paliwanag ko. Alam ko kung anong propesiya ang tinutukoy ng diwata dahil madalas iyong baggitin ni ama.

Umiling ang diwata. "Hindi pa siya wala, Inilayo ko lamang siya dito para hindi niya maituloy ang gagawin sa prinsesa, Hindi pa ligtas ang prinsesa. Alam kong babalik siya at gagawin kong ano ang banta niya at kapag nagyari iyon hindi ko alam kong mapipigilan pa natin siya, kaylangan mailayo ko muna rito ang prinsesa hanggang hindi niya pa kayang protektahan ang sarili niya." tuloy-tuloy na paliwanag nito.

Bigla akong nabahala tungkol sa prinsesa. "Anong plano mo Diwata?" tanong ko ng magproseso na sa aking isipan ang bsinabi ng diwata.

"Buo na ang disesyon ko, kaylangan dalhin natin sa mundo ng mga tao ang prinsesa, Dahil sigurado akong hindi siya masusundan ni Victoria doon."

"Sigurado ka na ba riyan Diwata?" paninigurado ko, siguradong malulungkot ng husto ang hari at reyna kapag nawalay sa kanila ang kaisa-isang prinsesa. Tumango ito. Wala na akong magagawa kung ano ang disesyon ng Diwata dahil alam kong iniisip lamang nito ang kapakanan ng prinsesa. ang kaylangan ko nalang gawin ay pagkatiwala sa kanya ang lahat.

Continuous...

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon