Nagising si Prinsesa Grania na sa isang madilim na palasyo.
Napapalibutan ang bawat sulok ng mga kandila at mga armadong kawal.Huli na nang mapansin niyang siya'y naka kadina sa pinakagitna ng palasyo kaharap ng altar nito.
"Mabuti naman at nagising na ang mahal na prinsesa!"wika ng isang babaeng na nakaitim nasa altar at nakatalikod mula sa kanya.
"Anong ginagawa ko dito? anong kaylangan n'yo sakin?" tanong niya.
"Hmm. Hingay-hinay lang. Ayoko nang maraming tanong. Mabilis pa naman ang marindi!"
pananakot nito."Wala akong makialam. Pakawalan mo'ko." sigaw niya
"Hindi ba mangungulila ka sa tunay na pamilya? Tunutupad ko lang ang iyong gusto. Sa piling ko!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Akin kana ngayon Prinsesa Grania. ibibigay ko sayo ang pamilyang nais mo, basta sumunod kalang sa mga gusto ko."
"bakit mo'to ginagawa sakin?" nagtatakang tanong niya
"Sandali lamang yan! Maya-maya kakalma kana."
Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito. Nais niyang pumiglas at gamitin ang buong lakas sa pagkakakadina, ngunit kada gagawin niya iyon ay napapapikit siya sa sakit na nararamdaman.
Sa huli pinili na lamang niyang sumuko dahil sa panghihina napahiga na siya at ipipikit na ang mata ngunit nakaramdam ulit siya nang pananakit ng ulo."AhhHHHHHH" napahawak siya sa sariling buhok. tila mahihibang siya sa sakit noon.
pakiramdam niya'y sasabog na ang utak niya sa sakit. ngunit mayron pang siyang ibang pwersa nararamdam sa loob niya. Tila kinokontrol siya nito hanggang sa unti-unting nawawala ang sakit.
"TUMAYO ka aking lingkod." utos ni Victoria
Dahan dahan siyang tumayo habang nakayuko ang mga ulo. "Makinig ka sa mga sasabihin ko. ikaw na mula ngayon si Vira ang aking magiting na lingkod at ang lahat ng sasabihin ko ang iyong susundin wala nang iba." utos ng reyna
Dahan-dahan itinaas ni Vira ang kanyang ulo saka yumukod sa reyna. "Masusunod Mahal na Reyna." aniya na may panlilisik na mata.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyMahanap kaya nila ang nawawalang Prinsesa? Malaman kaya niya tunay na mundo niya? Makakabalik pa ba ang Prinsesa sa mundong pinagmulan niya? Matupad pa kaya ang nakasulat sa propesiya? O maghahari ang kasamaan sa mundo ng mga emortal na nilala...