♕[KABANATA 26]♕

2.8K 78 0
                                    


Napapangiti ako habang napapatingin sa dalawang taong magkayakap mula sa bintana. Kong titingnan sila mukha silang walang pinagdadaanang problema sa buhay at kuntento na sa isa't isa.. Napansin kong bumalik na ang dating saya sa mukha ng Hari at Reyna dahil hindi na ito tulad ng dating mukhang namatayan.

Binalik ko na lamang ang atensiyon sa aking pinipinta nang makaramdam ako na may umupo sa upuan na nasa harap ko. Tumingin ako kay Prinsesa Kira na kau-upo lang doon ngunit matalim agad ang tingin  sakin.

"Masyadong kang pabida." bungad nito.

nagtataka naman akong tumingin sakanya. "A-anong ginawa ko?" tanong ko. wala akong natatandaang nagpabida ako sa kahit sino dito o baka pabida talaga ako sa paningin niya.

"Hindi mo ba nakikita? Simula nang magustuhan ka nang reyna, sa'yo na lahat ng ibinibigay ang atensiyon ng mga tao rito. Maging ang Hari." nangigigil na wika nito. 

Napayuko na lamang ako "Paumanhin." hindi ko namamalayang ganun na pala ang turing sa'kin dito at maging siya nawawalan na nang atensiyon.

"Wag mong iisiping porket na sa'yo ang atensiyon nila ay sa'yo narin napupunta ang trono, dahil kapag nakita na nila si Prinsesa Grania,sa kanya mapupunta ang korona o kaya naman... sakin." mataray na sani nito saka sinabayan ng maliit na halakhak na nagpatayo sa balahibo ko dahil tila'y narinig ko na iyon sa kong saan.

"Hindi ko naman binabalak na agawan ng trono si Prinsesa Grania o sayo man." dahil sakin talaga yun. gusto ko sanang isa tinig iyon at ipamukha sa kanya ngunit pinigilan ko nalang ang sarili ko.

"Dapat lang. at maaari bang lumayo-layo ka sa reyna. hindi magandang tingnan na ang isang sampid na mas malapit sa Reyna kesa sa Anak."sabi nito sabay pinasadahan ng tingin ang magarang damit na nasa tabi niya. "At ito. wag na wag mong susuotin. dahil ako dapat ang magsusuot niyan." sabi nito na kinabigla ko. hindi iyon maaari dahil ng Reyna mismo ang nagdesenyo n'yon napara sakin. Baka hindi matuwa ang Reyna kapag hindi ko sinuot iyon mamayang gabi.

"Prinsesa Kira h-hindi pwe--"

"Opps. wag ka nang kumontra. wala nang bawian. pumayag kana e." putol nito sa sasabihin ko. Nagtataka naman ako dahil wala akong matandaang pumayag na akong siya ang magsusuot.

Hindi ko na magawang magprotesta pa dahil lumapit na ang Hari at Reyna  na kinalalagyan namin.

"Handa na ba kayong dalawa mamaya?" agad na tanong ng Reyna nang makalapit saka ngumiti.

 Tumango na lamang ako sa Reyna na tumabi sakin saka ako tumingin kay Prinsesa Kira na nakataas ang kilay sakin ngunit agad ding ngumiti ng plastik nang balingan siya ng Reyna. "Palagi naman akong handa, Ina." sagot nito.

"Mayroon ka nabang masusuot Prinsesa Kira?" tanong ng Hari dito "Kung wala ay dalawa naman ang pinagawa ng Iyong Ina kaya iyon na lamang ang sa'yo." dagdag nito na kinaliwanang ng mukha ni Prinsesa Kira.

Inutusan ng Hari ang dalawang tagabantay na nasa loob ng silid na kuhanin ang isa pang damit na pinagawa ng Reyna.

Hindi nakaligtas sa pangingin ko ang bahagyang pagngiwi ni Prinsesa Kira nang makita ang pulang damit.


 Simple ngunit elegante itong tingnan. Kong ako ang papipiliin ay 'yon lamang ang aking pipiliin. masyado kasing magarbo ang damit na ibinigay ng Reyna at hindi ako Komportable doon.

Napabalik ang diwa ko nang hamlusin ng Reyna ang buhok ko saka bumulong. "Nasasabik na akong ma-ayusan ka Prinsesa Alisha." anya. Tumango nalamang ako saka ngumiti. 

Simula nang mgkausap kami ng Reyna ay palaging may Prinsesa ang tawag niya sakin kasama ang Pangalan ko, pinipilit ko siyang sanaying Alisha nalang ngunit sandyang matigas ang ulo ng Reyna kaya hindi niya iyon tinatanggal. Iniisip ko nalang na baka lahat ng babaeng nakikilala ng Reyna ay may Prinsesa ang tawag niya kaya pinagwalang bahala ko nalang 'yon.

Tumingin ako sa Pwesto ng Hari at kay Prinsesa Kira na masama ang tingin sakin samantala ang Hari ay nakangiting pinagmamasdan lamang kami.

"Nakakatuwang makitang magkakasama ang mga babae sa buhay ko."

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon