Hindi ako mapakali sa loob ng silid ko hindi ko alam kong nong una kong maramdaman ang pagkasabik ba o pagkakaba.
Hindi ko narin magawang humanga sa itsura ko ngayon dahil tila hindi ko na makilala ang sarili ko sa salamin dahil sa ginawa nilang pagayos sakin lalo na nang maisuot ko na ang pinagawa ng Reyna para sakin.
( Princess kira's gown)
( Our Princess gown)
Hindi tulad ng inaasahan na sana ay magpapalit kami ng damit ni Prinsesa Kira -- na sakanya ang blue gown at sakin ang dark -- ay hindi natuloy dahil ang Reyna mismo ang nagpasuot sakin n'yon.
Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat ng may biglang kumatok sa pinto. dun ko lang naalala na ako nalang ang naiwan sa palasyo dahil sinadya kong magpaiwan at paunahin na sila.
Nagpakawala na lamang ako nang buntong hininga bago buksan ang pinto at sumunod sa mga katiwalang pinaghabilinan ng Reyna sakin papunta sa magarang karwahing naghihintay at papunta sa pagtitipon na hanggang ngayon ay hindi ko alam kong para saan.
Nakalimutan ko kasing itanong man lamang sa mga katiwala kung anong meron sa pagtitipon na 'yon at hindi ko ring magawang magtanong sa Reyna dahil baka isipin niya napipilitan lamang akong sumama ngayong gabi.
Maya-maya pa natanaw ko na ang napaka-pamilyar na lugar kaya mahina akong nananalangin na sana ay hindi kami do'n tumigil at hindi doon ang punta namin, ngunit sadyang mapaglaro talaga 'ata ang tadhana dahil d'on mismo pumasok ang karwaheng sinasakyan ko.
Lalo akong nakaramdam ng kaba ng niyaya na akong bumaba ng isang mataas na opisyal ng kawal base sa naiiba niya uniporme.
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang nakalahad niyang palad saka lumabas sa kinalalagyan ko. walang tao sa labas maliban sa mga kawal na nakahilira sa daan patungo sa mataas na hagdan. Dinig na dinig ko mula sa kinatatayuan ko ang masayang tugtugin mula sa loob kaya alam kong nagkakasiyahan na sila.
Nagsimula na kaming maglakad palapit sa malaking hagdan ng palasyo ni Principe Cyben. kahit ayoko pang bumalik sa lugar na ito ay wala akong magagawa dahil ayokong sumama ang loob ng Reyna kapag hindi niya ako nakita sa pagtitipon ngayong gabi. baka ito narin ang pagkakataon ko para matanong si Principe Cyven tungkol sa plano niya at aaminin ko nasasabik narin akong makita siyang muli.
Lalakasan ko narin ang loob kong magtanong ngayon palang upang may nalalaman naman ako kahit papano sa pinapasok ko ngayong gabi.
"Anong okasyon ba sa loob? bakit may pagdiriwang na nagaganap" tanong ko, halata sa itsura ng kawal ang pagkagulat sa bigla kong pagtanong.
"K-kaarawan po ng Mahal na Principe Cyben." hindi ko napansin na nasa pinto na pala kami ng sumagot ito kaya balak ko na sanang umatras nalang ngunit nataranta na ako sa biglang pagbukas ng malaking pinto.
Sa mga oras na'to pinanalangin ko na sana ay kagaya ni Principe Cyben ay nakakapagteleport nalang ako o kaya ay nangangain talaga ang lupa sa mga gustong magpakain dahil iyon lang ang natanging paraan ko para maka-alis dito ngunit sadyang hindi kadalasan nangyayari ang mga ninanais mo sa buhay.
Halos lahat nang nagsasayaw ay napatigil at napatingin sa direksyo ko saka sila nagbulungan.. Gustong gusto ko nang umatras at tumakbo paalis sa lugar na'yon ngunit pakiramdam ko ay nadikit na ang mga paa ko sa sahig dahil halos hindi ako makagalaw. nangliliit ako sa mga tingin na ipinupukol nila sa'kin pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na'to.
Nang mapabalik ako sa diwa ko at akmang tatalikod na ako nang may biglang magsalita malapit sa tenga ko.
"San ka na naman pupunta?" tanong nito. Halos magtayuan ang balahibo ko dahil sa hininga niyang tumatama sa tenga ko.
"A-alis na ako." sagot ko. naramdam ko ang pagyakap niya sakin mula sa likod kasabay nang pagsinghapan ng mga tao sa paligid.
"Iiwan mo na naman ako?" tanong niya. hindi ko maintindihan kong anong gusto niyang ipahiwatig ngunit kinikilig ang buong sistema ko. ramdam ko ang pagwala na mga paru-paru sa tiyn ko at pagragundon ng puso ko.
"A-ano bang ibig mong sabihin, Principe Cyben?" hindi ko alam kong naiintindihan niya pa ang mga pinagsasabi ko o hindi, dahil hindi ko maiwasang hindi manginig kapag malapit siya.
"Huwag mong iisiping hindi ka nababagay sa lugar na'to, dahil ikaw ang kanilang magiging sunod na Reyna kapag dumating ang araw na pinakahihinatay ko. kaya pakiusap wag mo muli akong iiwan Prinsesa ko." seryosong wika niya habang malapit parin sa tenga ko.
Lalo kong hindi naintindihan ang mga gusto niyang sabihin dahil doon. Pinipilit kong ipasok sa utak ko at unawain lahat ng sinabi niya ngunit walang ibang pumapasok doon kundi ang yakap niya mula sa likod ko sa harap ng maraming tao.
Naramdaman ko ang pagkawala niya sakin sa mga yakap niya saka niya ako inalalayang makababa sa tatlong baitang na hagdan saka kami nang lakad sa pinakagitna at nagsimulang sumayaw.
Kong kanina ay gusto ko nang umalis sa lugar na'to at lumubog sa lupa, ngayon ay parang ayoko nang matapos ang mga sandaling ito. gusto kong patigilin ang oras na nasa mga kamay lang ako ni Principe Cyben dahil pakiramdam ko ligtas ako sa mga kamay niya at walang ibang makakapanakit sakin.
Naputol ang pag-iisip ko nang muli siyang magsalita at nagbukas ng bagong paksa.
"Hindi ba binalaan kitang, huwag mo nang magpapakita sa Hari at Reyna nang Rivendale." biglang ungkat nito. seryoso ang boses niya ngunit malumanay paring makatitig sakin kaya agad akong napayuko dahil pakiramdam ko hindi ko kayang salubungin ang titig niya.
"P-paumanhin. hindi ko intensyong guluhin ang plano mo." hinging tawad ko.
"Alam mo ba kong anong naging dahilan ng iyong pagsuway sakin?" bigla akong naalarma dahil sa sinabi niya, kinakabahang sinabayan ko ang titig niya dahil pakiramdam ko hindi maganda iyon.
"Lahat ng Pamilya ng mga maharlika ay nakakabasa ng isip, tulad ko." panimula nito. kumunot ang noo ko ngunit unti-unti ko naring naiintindihan ang nais niyang ipahiwatig. nanlaki ang mata kong tumingin sakanya saka sa dalawang taong nakatayo di kalayuan samin na may malawak na ngiti. hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagpahid ng Reyna sa kanyang pisngi saka tumango sakin.
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga at napapikit sa huling sinabi ni Principe Cyben. "Kaya kong hindi ako nagkakamali, alam na nila na ikaw ang kanilang nawawalang anak, Prinsesa Grania."
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyMahanap kaya nila ang nawawalang Prinsesa? Malaman kaya niya tunay na mundo niya? Makakabalik pa ba ang Prinsesa sa mundong pinagmulan niya? Matupad pa kaya ang nakasulat sa propesiya? O maghahari ang kasamaan sa mundo ng mga emortal na nilala...