♕[KABANATA 10]♕

5.1K 105 0
                                    

 


Lily Point of view...


 "May kaylangan kang malaman, tungkol sa kung ano talaga tayo at kung ano ka." seryoso kong saad dito, tiningnan ko siya sa mga mata at nakita ko duto ang pagaabang kong anong sumod kong sasabihin.


Huminga mo na ako ng malalim, at bumungtong hininga bago ko simulan.


☛☞ FLASHBACK ☜☚

Abala ang mga paroa sa kani-kanilang mga ginagawa, Ako nagbabantay at nagmamasid sa kong anong mga ginagawa nila.

Napatingin ako sa kalangitan dahil medyo nagdidilim ito kahit tanghaling tapat, parang papatak ang malakas na ulan kaya pinatig ko muna sila sa kani-kanilang ginagawa at punauwi.

Pagkatapos kong suriin na wala ng ibang paroang nagtatrabaho at nakauwi na sa kanilang mga tahanan ay nauwi narin ako, pagkapasok ko sa bahay naabutan ko si Ama na nakadungaw sa veranda ng bahay at nakatingin siya sa kalangitan.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya, nakita kong umi-iling si Ama habang nakatingin sa langit. 

"Ama? May problema ba?" nagaala-lang tanong ko, ngayon ko lang si Amang nakita na parang balisa, kaya alam kong meron sa kanyang bumabagabag.

"Masama ang kutob ko, Lily anak." sabi ni Ama na nakatingin parin sa kalangitan. Agad naman akong nabalot ng kaba sa tinuran niya, hindi pa binibigo si ama ng pakiramdam niya alam niya at nararamdaman niya kong paparating bang masama o wala. "Nararamdaman kong may mangyayaring masama mamayang gabi sa dalawang kaharian lalo na sa prinsesa" patuloy ni ama hindi siya nagpapaligoy-ligoy kapag sigurado siya sa sinasabi niya.

"Pero papano, Ama?" tanong ko, dahil balita ko matagal ng walang gustong lumaban sa dalawang kaharian dahil protektado ito ng mga diwata at ng dating reyna ng dalawang kaharian ng ito'y iisa palang.

"Hindi ko, lily. Ang sigurado ako ay malakas ang pwersang ito may gamit siya ng itom na salamangka." paliwanang ni ama habang nakatingin sa mga mata ko nakikita ko dito ang labis na pagaalala siguradong napamahal narin si ama sa dalawang kaharian dahil sa kagandahan pinapakita nila sa mga paroa pati na sa ibang kaharian nasasakupan nila kaya narin walang kumakalaban dito.

"Kung ganun Ama, pabibigyan ko sila ng babala, para makapaghanda sila." sabi ko tumango lang siya bilang pagsang-ayon at binalik ang atensiyon sa kalangitan.

Iniwan ko na si ama doon at Nagmadali akong umalis sa palasyo ng mga paroa bago iyon ay nagbilin muna ako sa aking kanang-kamay na bigyan ng babala ang kahi at reyna, Mag-isa kong binabagtas ngayon ang kagubatan malapit sa dalawang kaharian upang makipagkita sa diwatang Elle dahil kaylangan niyang malaman ang mangyayari mamayang gabi at kaylangan rin nilang mapaghandaan ng ibang diwata ito. 

Naging kaybigan ko si Diwatang Elle ng minsang magawi ako dito at may makitang isang mangangaso na magpuputol ng puno tinakot ko ito dahilan kaya hindi natuloy ang ginagawa niya, nang hindi ko alam ng araw nayun ay pinapanuod din pala ni Diwatang Elle ang pangangaso at nakita niya ang ginawa ko dun ko nalaman na dito siya nakatira sa kagubatan dahil daw mahilig siya sa mga puno at halaman at para daw mas mabantayan niya ang dalawang kaharian.

"Diwatang Elle, Diwatang elle" tawag ko, 

"Lily"Tawag sakin mula sa likod kaya agad naman akong napalingon dito, nakita ko ang isang napakagandang diwata na kumikinang, may ngiti sa labi niya ngunit hindi iyon tugma sakung anong nasa mata niya.

"Diwatang Elle, pumunta ako rito para ipaalam sayo na malakas ang pakiramdam ng aking Ama na may magaganap na magaalsa sa dalawang kaharian."sabi ko ng makalapit ako sa kanya, agad namang nawala ang ngiti niya sa labi.

"Alam ko lily, naramdaman ko rin." mahinahong sabi nito sabay hawak ng kamay ko. "Kaya kaylangan ko ng tulong mo." dagdag nito nakatingin lang ako sa kanya na parang binabasa ko ano ang iniisip niya.

"Anong matutulong ko?" kunot-noong tanong ko. Ano namang naitutulong ng isang maliit na nilalang sa isang diwatang makapangyarihan. 

"Bantayan mo ang Prinsesa wag mong hahayaang mawala siya sa paningin mo." seryosong sabi nito.

"Pero--" hindi pa ako tapos magsalita ay pinutol na niya agad.

"Alam kong kaya mo lily, may tiwala ako sayo." sabi nito saka ako nginitian. Hindi mo na ako sumagot at hinitay ang susunod niya sasabihin. "May kailangan lag akong puntahan, at gawin susunod din ako." sabi nito saka ako nilagpasan sunondan ko siya nang tingin nang huminto siya at tumingin saakin na parang hinihintay ang magiging sagot ko. "Sige Diwatang Elle, Maiingat ka." sabi ko dito nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nito pero mababakas na malungkot parin ito sa mangyayari mamaya, tumango nalang ako at nagumpisa ng umalis sa lugar para pumunta sa Kaharian ng prinsesa.


Continuous...

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon