♕[KABANATA 13]♕

4.5K 118 2
                                    


Alisha Point of view...

"Ate, Pasok na ako" paalam ko habang papunta sa pinto.

Matapos sabihin sakin ni ate ang katotohanan hindi parin nagbago ang pakikitungo namin sa isa't-isa parang lalo panga itong tumatag.

Humahanga ako kay ate dahil mula noon hanggang ngayon pala ay pinoprotektahan na niya ako hindi niya binigo ang diwatang nagsugo sa kanya lalo na ang mga magulang ko.

Pero hindi parin naalis ang lungkot ko tuwing naiisip ko na hindi ko pala totoong kadugo at kapamilya si ate.

Siya ang tinuring kong kapamilya sa loob ng walongpung taon. Siya ang kapatid, magulang at guardian angel ko. I'm so happy that she's became part of my life.

Napapangiti nalang ako habang lna-alala ang mga usapan namin ni ate ngayon maka-kampante na ako na wala siyang tinatago sakin. At kilala ko na ang totoong ako dahil alam ko na kung saan ako nanggaling at kung ano talaga kami.

Napatigil ako sa paglalakad ng mahahip ng mata ko ang matandang mukhang hinang-hina  at hirap ba hirap tumayo habang nakasandal sa gilid ng poste.

Nilapitan ko ito at bahagyang umupo para maging magkapantay kami.

"Lola, ayos lang po ba kayo?" tanong ko dito.

Nag-angat naman siya ng tingin sakin at halos mapasinghap ako ng magtama ang mga mata namin.

Napatotig lang ako sa napaka-gandang mata niya na halos nakahipnotismo sakin.

Napansin kong bahagya siyang ngumisi na nakapagpabalik sakin sa katinuan.

"Lola, ayos lang po ba kayo?" tanong ko uli dito bigla namang lumambot ang itsura niya.

"Hindi anak, gutom na gutom na ako ang tagal ko nang hindi nakakakain." malamyang sagot nito.

Dali-dali kong kinuha ang sandwich at tubig sa bag ng naalala kong may baon pala ako Saka binigay sa matanda. "La, ito po sa'yo nalang"

Naawa ako sa mga tulad nila imbes na nakahiga sila at nagpapahinga nalang ang matandang tulad niya ay nandito sila sa kalsada nagtatrabaho at nagtitiis ng init at sikat ng araw para lang may pangbuhay.

Nakatingin lang ako sakanya habang ganado siyang kinakain ang binigay ko.

Nakakatuwa siya panoorin habang kumakain para kasing lumalakas siya sa bawat subo ng tinapay.

Nang matapos siya ay saka lamang niya ako tinginan ngumiti naman ako kaagad.

"Kumusta po lola? busog na po ba kayo?" tanong ko.

Tumango naman siya at ngumiti na bahagya kong kinagulat dahil ang ganda ng ngipin niya ang puti at kumpleto parang alaga sa toothbrush hindi ko akalaing ang isang matandang tulad niya ay name-maintain parin ang kagandahan ng ngipin kala ko kasi ang isang matandang tulad niya ay wala ng ngipin.

Dapat ko sigurong tanungin kung aNing toothpaste niya.

"Salamat sayo, Anak." Seryosong sabi niya sakin habang tinititigan ako sa mata.

Agad akong kinabahan sa paraan ng pagtitig Niya sakin na parang sunusuyod ang kaloob-looban ko.

Umiwas ako ng tingin sakanya. "Sige po nay, Alis na po ako" Paalam ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapagpatigil sakin sa pag-alis.

"Sandali lang, may bibigay ako dahik mabuting kang bata." nakangiting sabi nito, agad naman akong umiling at nag hand gesture  na ayaw ko.

"Hindi na po kaylangan La, kusang loob ko pong binigay yung hindi na po kaylangan ng kapalit." para naman siyang nalungkot sa sagot ko at bahagya siyang yumuko.

Hay. nakaka konsensya nama 'tong iwan. "Sige na nga po, Ano po ba 'yon?" tanong ko.

Nag-angat siya ng ulo na may ngisi. Nagsisimula na akong mawerduhan sa matandang 'to kung hindi lang ako naawa sa kanya malamang natatakot na ako ngayon.

"Ito anak." nagulat ako ng pinakita niya sakin ang kulay gintong kwentas na may disenyong corona na may nakapalibot na mata.

Bakit siya may ganito? diba dapat tinatago niya ito kung importante sa kanya o kaya isinanla niya nalang para may pangkain siya.  Tatanggapin ko ba o hindi?

"Naku lola hindi ko po matatanggap yan, Sa'yo po yan"

"Hindi, gusto kong ibigay 'to sa mabuting batang tulad mo."

"Ah lola itago nyo nalang ho iyan sayang naman po ang ganda tapos ibibigay nyo lang sakin."

"Sige na, Anak wag mo na akong pahirapan." bimuntong hininga nalang ako at sinimulan kunin ang kwentas sa kamay niya.

Unti-unti na namang bumalik ang.ngisi niya. "Salamat po lola" sabi ko at pinagmasdan ang kwentas.

"Isuot mo na anak, at wag mong tatanggalin 'iyan." kusang nag-angat ang tingin ko pagkasabi jiya no'n.

Ngunit lalo kong kinagulat na wala na ang matanda sa harap ko. Palinga-linga ako sa paligod para hanapin ang matanda ngunit hindi Ko na ito makita.

Muli kong hinalik ang atensiyon ko sa kwentas. Pero nagtaka ako dahil hindi ko na ito hawak dahil nakasuot na ito sakin kahit wala naman akong matandaan na isinuot ko na ito.

Weird. Bakit daming weird na nangyari sakin? Weird na matanda at Weird na kwentas.

********************************

HAY GUYS. SALAMAT PO SA PATULOY NIYONG PAGSUPORTA SA 

The Lost Princess

SORRY PO SA TAGAL KONG HINDI NAKAPAG-UPDATE.

VOTE AND COMMENT LANG PO KAYO KUNG MAY GUSTO RIN PO KAYONG ISUGGEST E-MESSAGE NYO LANG PO O COMMENT.

Thank you readers and VOTE and COMMENT MORE para sipagin ang author  LOBYAH.

YOU WANT Action/Mystery/thrill/Romantic/TeenFiction?

Fearless Queen


The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon