Kanina pa ako gising ngunit pinili ko nalang munang magpanggap ng tulog habang nasa silid ko pa sila. Alam kong hinihintay nila ang paggising ko dahil ramdam ko ang presensya nilang nakapaibot sakin.
Hindi ko kasi alam kong didilat na ba ako o hindi dahil natatakot ako nasa oras na-idilat koa ng mata ko ay may mangyari na namang bago at hindi ko inaasahan. At natatakot ako na sa oras na 'yon magawa na ng mga gustong kumuha sakin ang gusto nilang gawin.
hindi ko makakalimutan kong kaninong boses ang narinig ko bago ako mawalan ng malay. Dumating siya.
Alam kong dumating si Ate Lily para iligtas na naman ako. hindi talaga siya pumapalyang dumating kapag nasa kapahamakan ako o kaylangan ko ng tulong dahil bigla-bigla nalang siyang dumadating sa kong saan kahit wala naman akong sinasabi sakanya minsan.
Gusto ko siyang yakapin at sabihin lahat ng hinaing ko ngunit natatakot ako na baka pati siya madamay. pati na mga magulang ko.
Narinig ko silang nagpaalam saglit na lalabas lang at babalik lang din bago ko marinig ang pagsara ng pinto.
Napahinga agad ako ng maluwag dahil pakiramdam ko'y kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko para lang hindi nila mahalata na nagtutulog-tulogan lang ako.
Nagulat ako ng may biglang may nagsalita malapit sa kaliwang tenga ko. "Itigil mona ang pagtutulog-tulogan wala na sila." bulong ni Principe Cyben. saka ko lang binuksan ng dahan-dahan ang mata ko.
Nilibot ko ang tingin sa kinalalagyan ko at napansin kong nasa sarili ko na pala akong silid sa palasyo nila Principe Cyben.
Naiilang akong napatingin sa kanya dahil parang kakaiba ang tingin na binibigay niya sakin ngayon. "Bakit nandito kapa?" tanong ko bago nagiwas ng tingin.
"Bakit hindi mo sinabi saking may natutunan kana sa isa sa iyong kakayahan?"tanong naman niya sa tanong ko.
"hindi mo naman tinanong e." sagot ko.
"Kaylangan ko pa bang itanong upang sabihin mo sa'kin ang bagay na 'yan?" nanghahamak niyang tanong. hindi ko alam na kaylangan ko palang sabihin sakanya lahat ng nangyayari sakin!.
"Ganito Principe Cyben, kaylngan mo rin magtanong para malaman mo ang nais mong malaman. Hindi naman ako manghuhula para malaman ang bumabagbag sayo o Nakakabasa ng isip, tulad mo." pagdadahilan ko ngunit seryoso parin siyang nakatingin sakin
"Paano mo natutunan 'yon?"
"Matagal-tagal narin simula no'ng..." Nag-aalangan kong sagot. hindi ko alam kong sasabihinn ko ba dahil parang kapag itinuloy ko ay lalo lang sisimangot mukha niya.
"No'ng?" muling tanong niya. this is it pansit sasabihin ko na, na simula nang pinanggigilan ko ang litrato niya. Akmang sasagot na ako nang unahan niya na niya ako sa pagsagot
"Nang-gigigil ka sa'kin?" di niya makapaniwalang tanong.
gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil nakalimutan ko na namang may kakayahan siyang basahin isip ko ngunit napasimangot agad ako ng mapagtanto kong mababasa naman niya ang isip ko pero nagtatanong pa. Sinasayang lang yata niya laway ko.
"Kaylan mo ba bibigyan ng privacy isip ko nang mapag-isipan ko naman ang mga bagay na dapat kong isipin ng pribado?" inis kong tanong. Napansin kong may gumalaw ng kunti ang labi niya kaya wala sa sarili akong napatitig do'n sa pag-aakalang ngingiti siya.
"Hindi mo kaylangang magsekreto. Sabihin mo sa'kin ang mga bagay na tumatakbo sa isip mo upang matulungan kita sa suliraning mong 'yan." wika niya kaya pagkakataon ko namang nguniti.
"Sige. Ang gumugulo lamang ng isip ko ay kong bakit hindi ko man lang makitang tumawa si Principe o ngumiti? ipinaglihi ba siya sa sama ng loob ng kanyang ina o talagang hindi kayang lumuwang ang mukha niya para ngumiti." nakangisi kong tanong dahilan kaya lalong sumimangot ang mukha niya at tumayo sa pagkakaupo.
"Kong iyan lamang ang bumabagabag sa'yo, mas mabuting isipin mo nalang kong pa-paano mo mapapalabas ang iyong ibang kapangyarihan." Sabi nito habang naglalakad papunta sa pinto. "Kaya ihanda mo ang sarili mo dahil kaylangan nating magensayo para sa paparating na kabilugan ng buwan." Saad nito bago mawala sa pangin ko.
Ako naman ay napasimangot ngayon dahil dapat pala'y hindi ko nalang sinabi ang bagay na'yon. ngayon tuloy kaylangan ko pang mag-ensayo kasama siya. pero ayos narin 'yon dahil nais ko muna ngayong mapag-isa
mas mabuting isipin mo nalang kong pa-paano mo mapapalabas ang iyong iba kapangyarihan.
Bigla kong narinig ang boses ni Principe Cybensa isip ko at wala sa sarili akong napatitig saking palad "Ibig sabihin may iba pa akong kapangyarihan?" wala sa sarili kong tanong.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
FantasyMahanap kaya nila ang nawawalang Prinsesa? Malaman kaya niya tunay na mundo niya? Makakabalik pa ba ang Prinsesa sa mundong pinagmulan niya? Matupad pa kaya ang nakasulat sa propesiya? O maghahari ang kasamaan sa mundo ng mga emortal na nilala...