♕[KABANATA 18]♕

4.2K 96 3
                                    

Alisha Point of view...

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng katok galing sa labas.

Inis na kinuha ko ang unan sa gilid ko habang nakapikit, pero hindi ko pa man nakukuha may humawak na agad ng kamay ko.

"Tss, katok, katok pa nasa loob na naman pala, 5mins pa ate." nakapikit na sabi ko saka dumapa.

"Wala kana sa dating tirahan mo Prinsesa Grania, bumangon kana d'yan." sabi nito kaya agad akong napaupo sa kama,

tch bakit ba nakalimutan ko agad na nasa palasyo na ako ngayon? 'palasyo ng mahangin na si Prince Cayben, hindi palasyo ni Alisha!'

"Bakit na naman ba Prince Cayben?, ikaw na ang nagsabi diba kaylangan ko ng pahinga, kaya please lang lumayas-layas ka muna sa kwarto ko." taboy ko sakanya,

napagitna naman ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay, napapikit nalang ako habang hinihintay ang pagbalibag ko sa sahig pero hindi nangyari.

Kaya nakahinga-hinga ako ng maluwag ng hindi naman tumama ang likod ko sa sa--

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung bakit niya ako hinawakan. dahil ngayon basang-basa na ako habang patuloy na bumabagsak ang malakas na agos ng tubig mula sa taas papunta sa ulo ko.

Dahan-dahan kong dinilat ang isa kong mata sumunod ang isa pa,

napapanganga akong tumingin sa panagdalhan sakin ni Prince.Cayben.

Gusto ko sana siyang singhalan, pero hindi nalang dahil dinala niya naman ako sa napakagandang lugar na'to.

Mataas na talon, at mala kristal na linaw ng ilog ang kinalalagyan ko ngayon. Ang paligid ay may nagliliparang kumikinang na paru-paru, may malalaking bato sa gilid ng ilog, at may gazebo sa gilid ng malaking-making puno ng narra.

At nandoon si Prince Cayben habang may kawak na libro at nakapatong ang dalawang paa sa upuan.

Umahon na ako at nagsimulang maglakad papunta sa kanya, habang papalapit ako napansin kong masyado siyang seryoso sa binabasa.

"Anong binabass mo Prince Cayben?" tanong ko ng makalapit, napakunot ang noo ko ng dali-dali niya itong niligpit.

"Wala iyon. Ano gising kana? tara na." yaya niya at nilahad ang kamay sakin, naa-alangang tinanggap ko naman ito.

Nakapikit lang ako habang hawak niya. napadilat lang ako ng siya na mismo ang magtanggal ng kamay namin.

Malaking advantage din talaga ang magkaro'n ng kapangyarihang makapag teleport, pwede kang pumunta kong saan mo gustohin.

Tulad ni Prince Cayben, kaya n'yang mambuso kahit ano mang oras na gugustohin niya. Tulad ng pagpasok niya ng walang paalam sa kwarto ko. tch

Ngayon ang problema ko naman kong ano ang ipapampalit ko dito sa basa kong damit, bakit kasi hindi niya muna ako sinabihan na 'yon pala ang pampagising niya sakin edi sana gumasing ako agad tss.

Padabog na naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto ko ng may kumatok.

Bumonga sakin ang nakayukong babae habang naka lahad ang hawak niyang kung anong malapal na tela.

"Ano po 'yan?" tanong ko dito unti-unti naman niyang inangat ang ulo para magtama ang mata namin, pero agad rin siyang yumuko.

"Anong iyong kasuotan, m-ahal na p-prinsesa." sagot nito. kinuha ko na naman ang dala niya dahil mukhang mabigat 'yon lalo na't nakalahad ang kamay niya.

Nginitian ko nalang siya at pumasok na sa loob, napakunot noo ko ng pakita ang ipasusuot sakin.

simple lang itong kulay puti, off shoulder pero mukhang aatend ako ng isang enggrandeng garden party sa nagiiba't-ibang kulay ng mga bato. Meron din itong kuronang bulaklak na lalong nakapag-patingkad nito.

Ng makapagpalit na ako, tinitigan ko muna ang replisksyon ko sa salamin bago napagpasyahan lumabas.

Ng mabuksan ko na ang pinto nagulat ako ng tumambad sakin ang nakangiting reyna habang may pagka-amuse na sa mukha.

"Napakaganda mong prinsesa." agad na sabi nito, nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.

"Salamat po, mahal na reyna."

"O siya tara na at naghihintay na ang ating almusal sa baba." yaya nito kaya sumunod narin ako.

Ng makarating kami sa kusina 'ata ng palasyo'y nandun narin pala si Princen Cayben kasama ang apat niyang kaybigan, pati ang hari.

Lumapit ako dito at yumukod, saka binalik ang atensiyon sa mahabang lamesa na puno ng pagkain.

"Siya nga pala Prinsesa Grania, bago tayo kumain, magpapakilala lang muna sa'yo ang apat lalaking 'to na makakasalo natin."  sabi ng hari kaya isa-isa ko namang tiningnan 'yong tatlo.

Unang lumapit sakin ang lalaki nakangiti saka kinuha ang aking kamay. "Princepi Barkclyde anak ni haring Darburn, minsan ni princepi Cayben. Mahal na reyna." sabi nito saka nagbow habang hawak kamay ko.

Sunod namang lumapit 'yong dalawang lalaking parehas singkit at makisig.
"Ako nga po pala si Princepi Cyton mahal na princesa, at ito ang aking kapatid Princepi Clymar." sabi ni Cyton saka sinabayan ng kindat nilang dalawa.

Sunod uling lumapit 'yong mas mukhang seryoso sa kanila, dahil ko pa ito nakikitang ngumiti, di tulad ng tatlo.

"Prince Jamik, minsan mo sa ama mahal na Prinsesa." pakilala nito na kinagulat ko.

May kamag-anak naman pala ako dito, hindi ko man lang alam. Saka ang ganda ng lahi ng ama ko A, ang pogi kasi ni Prince jamik, pwede ng maging artista sa pilipinas.

"Ah Magandang araw, sainyo." bati ko nagsipag-tunguhan naman sila.

"O siya, tapos na ang pagpapakilala, tayo ng magkainan." anonsiyo ng hari na agad kong sinang-ayunan dahil kanina pa kumukulo ang tiyan ko.

Saka ko na muna iisipin ang mga nasa paligid ko dahil ang pagtutuunan ko muna ngayon ng pansin ang pagkaing nakahain samin na hindi ko alam kung ano dahil ngayon lang ako nakakita ng mga 'to pero mukhang masasarap.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon